7

299 21 6
                                    

Korrine's POV

".....and that's it. Get 1/4 sheet of paper. We'll have a quiz."

Kumurap kurap ako ng makarinig ako ng quiz. AGAD?! Tapos na agad siya mag-lecture ng hindi ko man lang namamalayan? Oh my gosh! San ako pupulot ng sagot ngayon? Malayo pa naman sakin si Darlene, wala pa si James dahil busy kuno.

"Pst,"

Hinanap ko kung sino yung sumitsit, at ayun, si Earl lang pala.

"Oh? Wag mo ko istorbohin ngayon, please lang Earl. Lubayan mo muna ako."

"Ikaw na nga tutulungan ikaw pa masungit? Dewag." Ani niya at tinalikuran ako.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya. Medyo malapit lang kasi sakin si Earl dahil nasa unahan siya habang nasa pangatlong hilera ako. "Anong tulong naman yang sinasabi mo? Siguraduhin mong tulong yan ha kung hindi lulumpuhin kita."

"Nagbago na pala isip ko. Wag na."

"At aba! Isa!" Nag-lean forward ako at hinatak ang kwelyo niya. "Ano nga yon?"

"Sino nagbigay sayo ng karapatan na sakalin ako?" Taas kilay na tanong niya habang nakatingin sa kwelyo niya. "Sinasamantala mo talaga kasi alam mo na gusto kita eh no?" Dagdag pa niya.

"Ang kapal mo!" Binigyan ko siya ng kotong de kalimot para naman matauhan. "Fine! Saksak mo yan sa baga mo. Dami mong alam, kala mo naman talaga kailangan ko ng tulong mo. Asa ka naman tss,"

Inirapan ko siya at bumalik sa upuan ko. Saktong pag-upo ko naman ang pagtama ng papel sa noo ko.

"Ayan na po mahal kong kaibigan,"

"Bwiset." Sagot ko naman at binuksan ang papel.

Nagulat naman ako sa laman ng papel.

1. A
2. C
3. B
4. B
5. A
6. C
7. A
8. B
9. B
10. I love you.

Kung hindi lang sana tumayo yung prof namin kinotongan ko na sana ulit si Earl. Bwiset talaga to! Akala ko pa naman matinong sagot na! Pero masaya naman ako kasi ngayon okay na kami. Sabi niya hindi naman daw siya nagtatampo dahil dun sa nasabi ko, nagsorry pa nga siya eh na ikinagulat ko talaga. Lakas din ng tama niya eh.

"Number 10,"

Teka, ano daw?! 10 na agad?!?! Aba maam ang husay niyo naman po!

"What was the key word that Isaac used."

Sinulyapan ko ulit ang papel na binato sakin ni Earl. Tama kaya tong mga 'to? Pero kasi, wala pa kong sagot kahit isa! Magtitiwala ba ko sa mokong na 'to? Ay bahala na nga!

"Pass your paper then you can take your lunch."

Pinasa ko agad ang papel ko at binulsa iyong galing kay Earl. Nilapitan ko si Darlene at tinanong kung anong sagot niya sa number 10.

"Wala ako dun eh, ikaw ba anong sagot mo?"

"H-ha? Wala wala. Wala din akong sagot. Tara na, gutom na ako eh kanina pa kumukulo tyan ko."

Hindi na ulit siya nagtanong at bumaba na kami sa canteen. Dumiretso kami sa pwesto namin, and then guess what? Nauna pa si Earl.

"Ayieee, anjan si boyfriend." Sinamaan ko ng tingin si Darlene. Mang-aasar pa eh. "Joke lang, di ka naman mabiro."

"Anong ginagawa mo dito? Diba doon sa kabila ang pwesto mo?" Tanong ko kay Earl na abala sa pagkain.

"Masama bang umupo dito?"

"Oo masama! Nanlulumpo ako ng taong nakikikain dito."

"Talaga ba? Sige, lumpuhin mo na ko." Tapos kumindat pa siya sakin habang hinihigop ang soup niya. Argh!

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon