38

254 13 0
                                    

Brake's POV

Nagising ako sa liwanag na tumama sa talukap ng mata ko. Nakatulog pala ako sa tabi ni Ayenna. Tulog pa din siya habang nasa couch naman si Jake. Naramdaman ko ang pamamanhid ng kamay ko at ang sakit ng likod ko dahil sa pagtulog ko nang naka-upo.

I checked the time and it's already 10 a.m. Gising na kaya si Korrine? Wala man lang akong text na natanggap mula kay Earl. Yung gagong yun.

Umuwi muna ako at naligo. Pupuntahan ko na si Korrine dahil hindi na ako makapaghintay na malaman niya ang magandang balita. Nag-ayos ako nang maigi at bumili ng bulaklak. Pina-arrange ko pa yun ng bongga para magustuhan ni Korrine. Alam ko na hindi madali na patawadin ako ni Korrine pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makamit iyon. Kahit pa abutin ako ng ilang taon sa panunuyo sa kanya gagawin ko.

Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Korrine. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Korrine ang lahat. Pero bahala na, hindi ko 'to susukuan.

Nag-doorbell ako hanggang sa lumabas si James.

"Myloves," mukhang tinawag niya si Darlene nang makita niya ako.

Lumabas naman agad ito at laking gulat ko dahil namamaga ang mga mata niya. Mukhang galing pa siya sa iyak.

"Hi Darlene." Pagbati ko sa kanya. Nagkatinginan sila ni James at tumingin sa oras. Napakunot ang noo ko ng tumango sila sa isa't isa.

Binuksan nila ang gate at nilapitan ako.

"Anong sadya mo?" May halong lungkot at inis sa boses ni Darlene.

"Pwede ko bang maka-usap si Korrine? Kahit sandali lang."

"Bakit?" Tanong naman ni James.

"May gusto lang akong sabihin. Kahit sampung minuto lang ayos na sa akin. Kailangan ko lang talaga siya maka-usap." Napayuko si Darlene at ihinilamos sa mukha ang kamay. "Bakit?"

"Gustuhin man namin na ibigay sayo ang sampung minuto, malabo na mangyari." Naguluhan ako sa sinabi niya. "It's too late, Brake."

"W-what do you mean?"

May kung anong kaba akong naramdaman sa sinabi ni Darlene. Ayokong mag-isip ng kung ano ano ngayon but damn it!

"Just leave. Hayaan mo na si Korrine tutal tinapon mo na naman ang lahat. Wala na ring silbi 'yang sasabihin mo."

"No Darlene. Mahalaga 'tong sasabihin ko. It can change everything!"

"It can? Then bakit ngayon mo lang naisipan sabihin sa kanya yan?! Kung kailan huli na ang lahat?!" Hinawakan siya ni James dahil nagsisimula nang tumaas ang boses niya. "You are such an idiot, Brake. Akala ko kapag bumalik na yung alaala mo, ipaglalaban mo na rin si Korrine katulad nang paglaban niya sayo. Pero ano 'to?"

"Hindi mo kasi naiintindihan, Darlene." Sambit ko. "Asan ba siya? Kaming dalawa ang dapat na mag-usap."

Nagulat ako ng isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Darlene.

"Wag mo na siya subukang hanapin, Brake. Hindi ka nararapat sa kanya at hindi ko hahayaan na paulit ulit mo nalang siyang sasaktan. Doon ka sa Ayenna mo at magsama kayo!"

Pumasok ulit sila sa loob at akmang ilolock na ang gate nang sabihin ko ang totoo.

"Hindi kami mag-pinsan ni Korrine. Kasalanan ng dad ko kung bakit kami umabot sa ganito."

Nagulat ako dahil wala man lang silang reaksyon. Don't tell me alam na nila ang totoo? Tuluyan ngang ni-lock ni Darlene ang gate at tiningnan ako.

"Umpisa pa lang yan na ang pinaglalaban ni Korrine, Brake. Kung nakinig ka lang sana sa kanya, kung nagtiwala ka lang sana masaya kayo ngayon. Tapos sasabihin mo kasalanan ng dad mo? It's all your fault Brake for being so selfish. Wala kang ibang ginawa kundi tanggapin nalang ang sitwasyon. Sobrang katangahan."

"Pareho lang naman tayo, Darlene. Hindi ba hinayaan mo lang din naman si Korrine nung pinaglalaban niya ang pagmamahal niya sakin? Hindi ba iniwan mo siya?" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Tinanggap ko ang sitwasyon kasi ayoko na masira ang pamilya niyo—kayo. Pinilit kong tanggapin nalang 'yun para sa ikakabuti ng lahat kahit na sobrang sakit sa parte ko."

"No Brake. Magkaiba tayo." Malamig niya akong tiningnan sa mata. "Ginawa namin yun para malaman ni Korrine na ang dami nang nasasaktang tao dahil lang sayo. Pero hindi namin siya pinabayaan, hindi namin siya sinaktan katulad ng pananakit na ginawa mo. Sinuportahan pa rin namin siya dahil sobra na yung sakit na binibigay mo sa kanya. Tapos ngayon aarte ka na para bang ang linis ng ginawa mo?"

"I'm sorry." Ani ko. "But please tell me where she is. I really need to talk to her. Hayaan niyo akong bumawi."

Umiling siya at bahagyang ngumiwi.

"I'm sorry din Brake pero this time hindi na namin hahayaan na masaktan mo pa ulit si Korrine. Okay na. Handa na siyang kalimutan ka kaya ganun na lang din ang gawin mo. Malay mo, ito na pala yung sign na hindi talaga kayo para sa isa't isa."

Lumuhod ako sa tapat ng bahay nila. Hindi ko kaya. Hindi ko hahayaan na mawala sa buhay ko si Korrine. Siguro nga kasalanan ko lahat at handa akong pagbayaran yun pero wag lang nilang ilayo sakin si Korrine.

"Please. Please Darlene. Nakikiusap ako sabihin mo sakin kung asan si Korrine."

Nabitawan ko ang hawak kong bulaklak at nagmakaawa kay Darlene. Naiisip ko palang na wala sa buhay ko si Korrine parang pinapatay na ako.

"Parang awa niyo na. Hayaan niyo akong itama lahat ng pagkakamali ko."

"We're really sorry Brake."

Tinalikuran nila ako at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Hindi ako nagpatinag at nagmakaawa pa din na sabihin nila kung nasaan si Korrine. Nakaluhod pa din ako habang sabay sabay na nagbabagsakan ang mga luha ko.

Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na wala si Korrine. Hindi ko kaya na hindi siya nakikita at nakakasama. I really made a wrong decision pero handa akong itama lahat ng 'yun basta hayaan lang nila akong makita at makausap si Korrine.

"Parang awa niyo na sabihin niyo na sa akin kung asan si Korrine. Please! Darlene please! I'm begging you!"

I'm really sorry Korrine but please give me another chance. Please Korrine, wag mo akong iwan...

"Ahhh!"

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok habang nanatiling nakaluhod. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

Saan ba siya pwedeng pumunta? Hindi kaya nasa Manila siya? Oo tama. Baka andun lang din ulit pumunta si Korrine.

Tumayo ako at mabilis na nag-book ng flight papunta sa Manila. Kahit anong mangyari hindi na ako bibitaw ngayon. Kung kailangan ko gawin at danasin lahat ng ginawa ni Korrine, gagawin ko. Susuyudin ko ang buong Manila at hindi ako babalik dito ng hindi ko nakikita at nakakausap si Korrine.

Hindi ako susuko.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon