15

184 15 8
                                    

Brake's POV

"Are you sure you're okay na? Bakit mo ba kasi minamadali ang paglabas sa hospital?" Tanong ni Ceslie.

"Okay nga lang ako." Sagot ko. "Where's Ayenna?"

"Ewan ko. Sabi niya may inaasikaso daw sila ni Jake eh. Ayaw niya nga sanang pumayag na lumabas ka na ng hospital hanggat hindi ka talaga okay. Eh kaso, ang tigas ng ulo mo."

Kinuha ko ang uniform ko at nagbihis.

"Hep! At san ka naman pupunta?"

"Papasok. Obvious ba?"

She rolled her eyes.

"Hindi ka ba talaga makikinig? Mamaya kung ano na naman mangyari pag nakasama mo si Korrine."

Mabilis ko siyang tiningnan na may halong pagtataka.

"Kilala mo siya?"

"H-ha? Ano, oo. Kakakilala ko lang sa kanya nung ano, sa party? Remember? You know Darlene right? Yung kaibigan ni Alvin?"

"Ah. I see." Maiksing tugon ko.

Rinig ko naman ang pag-buntong hininga niya.

"Pero alam mo? Tama si Ayenna eh. Kailangang iwasan mo talaga siya. Ano kasi eh, baka guluhin niya kayo? O kaya may kung ano siyang sabihin sayo na maging dahilan pa lalo ng malaking gulo."

There's something wrong with her sentence. Bakit ba parang takot na takot sila na magkausap kami ng babaeng yun? Ano ba talagang meron sa kanya?

"Hindi ko ba talaga kilala yung babaeng yun?"

Nabigla siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. I knew it. May tinatago sila sakin. Sa una palang nagdududa na ako eh kung bakit ganun nalang sila umasta sa tuwing napapalapit sakin ang babaeng yun.

"Hindi. Hindi mo siya kilala."

"Sigurado ka? Alam mong ayoko sa sinungaling, Ceslie."

"Babe," naagaw ni Ayenna ang atensyon ko. Nakatayo siya sa may pinto at nakatingin kay Ceslie. "Thanks Ces, pwede ka ng umuwi."

"Walang anuman. Sige Brake, una na ako." Nakayukong paalam niya.

Lalo lang tuloy akong naghihinala. May mali eh. At kailangan kong malaman kung ano yun.

"Saan ka naman pupunta? You're not feeling well, babe. Bakit ka pa papasok?"

"I'm fine."

"You're not. Tanggalin mo na yan at magpahinga ka." Hinubad niya ang sapatos niya at hinagis sa kama ang bag niya. "Hindi kita nasamahan kasi sinamahan ko pa si Jake."

"What's new? It feels like Jake over me."

"Babe, alam mong di totoo yan." Nilapitan niya ako at niyakap. "I'm sorry."

"Magbihis ka na din kung gusto mong pumasok. Papasok ako."

"Babe naman. Hindi ba talaga pwedeng lumipat nalang tayo ng school? Ang dami naman pwedeng pasukan eh, bakit kung asan pa yung babaeng baliw na yun, doon pa tayo? Brake, hindi na mapanatag ang loob ko!"

"What's wrong Ayenna? Tell me honestly, what's the matter with that girl? I know you're hiding something."

"B-brake, wala! Ang creepy niya lang talaga....tsaka—feeling ko gusto ka niya."

"That's it?"

"Y-yes. That's it. Natatakot lang ako na maagaw ka niya. Babe please, lumayo nalang kasi tayo. Ayoko na dito. Wala na rin sa ayos ang trabaho ko, masyadong maliit ang lugar na 'to kumpara sa Manila. Please babe?"

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon