Third person POV.
Isang magandang panahon para sa special na araw. Araw ng mga puso.
Abala ang lahat para sa mga pakulong gagawin para sa kanilang mga kabiyak. Ngunit ang isa sa kanila ay naka-upo lamang sa sulok habang nakamasid sa mga kaibigang lalaki.
"Nasabihan ko na si Isha na may date kami mamayang gabi. Pero hindi ko sinabi kung saan. Balak ko sana siyang sorpresahin sa isang restaurant namin. Alam niyo naman kung gaano kamahal ni Isha ang pagkain. Kaya ako mismo ang magluluto sa harapan niya," mayabang na saad ni Matteo habang kinikilig na naiisip ang mga magaganap sa kanilang date ni Isha mamaya.
Hindi naman nagpatalo si Gio.
"Sa loob naman ng helicopter ko naisipang mag-propose kay Jacee. Not a wedding proposal though. Just a promise proposal that I'll never love someone unless it's her."
Halos kilabutan ang tatlo sa sobrang tamis nang sinabi ni Gio. Napangiti naman sa sulok si Brake. Kung naririnig lang ni Jacee ang sinasabi ni Gio ay malamang kanina pa 'yon napakanta sa kilig.
Lalong hindi naman nagpatalo si Kade sa dalawa.
"It may sounds boring but well spend our night in my house. I'll just give her myself as a gift." Sabay ngisi nito.
"Boo! For sure Jessie will kick you out even if it's your house. Wala ka man lang katamis-tamis sa katawan!" Saad ni Matteo at binato ito ng candy.
"Wait and see. I've been waiting for her since high school. I won't let her go home without saying yes," sabay kindat ng binata.
Umiling lang si Matteo at ibinaling ang atensyon sa tahimik na si Vince.
"How about you Vince?"
Nakaabang ang apat sa sasabihin ni Vince. Nag-inat ito at tumayo.
"Secret." Saad niya at inilagay sa bulsa ang kamay tsaka dahan dahan na naglakad.
"What the?!" Nagkatinginan ang tatlo at sabay sabay na dinambahan si Vince na napahiga naman sa sahig. "You better not steal our ideas, man! Or else we will kill you!"
"Ahhh! Damn!"
Natawa na lamang si Brake sa nakita. Hindi niya maiwasang matuwa sa mga pinaggagagawa nila. Bilib siya dahil kahit maloko ang mga ito ay nagagawa naman nilang magseryoso sa mga babaeng tunay nilang iniibig.
"How I wish you were here.." bulong nito sa sarili habang nakatingin sa kawalan. "I miss you so bad." Dagdag pa niya na may halong lungkot sa boses.
Kinuha niya ang wallet at binuksan. Bumungad kaagad ang larawan ni Korrine pagkabukas na pagkabukas niya. Hinawakan niya ito at hinaplos habang iniisip kung ano ang ginagawa niya sa mga sandaling iyon.
"It's been six months since you left. Nothing has change. I'm still waiting for you." Ngumiti ito kahit na ang mga mata ay sumisigaw sa lungkot. "I love you."
Hinalikan niya ang larawan at niyakap ito nang mahigpit. Hindi niya na namalayan ang tumakas na luha sa mata niya.
Agad niya naman itong pinunasan sa pag-aalalang makikita siya ng mga kaibigan. Nanatili ang binata sa Manila at patuloy na naghihintay sa dalaga. Nabalitaan niya na lumabas ito ng bansa. Doon niya lamang napagtanto na kailangan niya munang bigyan ng space ang dalaga dahil na din sa lahat ng sakit na naidulot niya. Kahit gusto niya itong sundan ay hindi niya ginawa dahil gusto niya itong bigyan ng oras para mapag-isa. Handa siyang hintayin ito kagaya nang paghintay nito sa kanya noon.
"Happy Valentine's day my queen. I hope to see you soon. I'm sorry and I love you,"
Sa kabilang dako naman ay nakaharap si Korrine sa kanyang laptop habang hinihintay na sagutin ang kanyang video call.
"I'm leaving. Anything you want?" Tanong ni Earl sa kanya. Umiling lamang ito bilang sagot. "You sure?"
"Aye aye!"
"Okay. Tell them have a sweet date and don't worry about you because we also have a date." Bilin ni Earl sa dalaga. "I'll go now."
"Take care, Earlito!"
Sinamaan lamang siya ng tingin ni Earl na ikinatawa niya naman. Alam na alam niya kasi na napipikon si Earl sa tuwing tinatawag siya ng dalaga sa ganoong pangalan.
"Oh! Hi!" Masiglang bati ng dalaga sa kausap niya sa laptop. Binitawan niya ang hawak niyang libro at pinatong ang laptop sa tuhod niya. "I miss you all!"
"We miss you too, Korrine! How are you? Mukhang masyado kang busy dyan ah at ngayon ka nalang ulit nagpakita." Sambit ng kaibigan / tiyahin / matalik na kaibigan. "Oh my G?! Nagpagupit ka?! Wow! Bagay sayo!"
"Really? Thank you! Anyway, yeah I'm kinda busy this past few weeks because of school. Sorry! Anyway, how is everybody?"
"Eto, okay naman. Masayang nagdidiwang ng araw ng mga puso!"
"So, where's your date today?"
"Actually, I didn't know. Hindi niya pa ako tinitext eh. Medyo nagkatampuhan kasi kami kagabi. Hmp. Buti pa nga si George eh, nag-out of town sila ni Tres."
Napangiti naman ang dalaga sa inasta ng kaibigan.
"Don't worry, just trust him." Alam ng dalaga na may sorpresa ang kaibigan na si James. Malabong palagpasin niya ang araw na ito na hindi napapasaya ang kabiyak.
"Anyway, kailan ka babalik dito?"
Napa-irap ang dalaga sa tanong ng kaibigan. Halos anim na buwan pa lamang itong malayo pero gusto na agad siyang pabalikin sa Davao.
"Kamusta ang puso mo?"
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga at ngumiti ng pilit.
"Still on the process."
"WHAT?!" Gulat na tanong ng kaibigan dahil hindi makapaniwala na hindi pa din ito okay. "Akala ko naman..."
"Don't worry, malapit na. I just need more time. Nasa kalahati na ako."
"Ano pa nga bang magagawa ko. Just keep on moving forward. You can do it!" Panghihikayat pa ng kaibigan.
Gumaan naman ang loob ng dalaga sa narinig. Alam niya sa sarili niya na malapit na siyang tuluyang makakapagbukas ng panibagong libro sa buhay niya. Naniniwala siya sa sarili at inspirasyon niya ang nga taong naniniwala na kaya niya.
"Ikamusta mo nalang ako sa lahat. Tatawag nalang ulit ako next week kapag hindi na gaanong busy! I miss you all and happy Valentine's day! Enjoy and have fun! Mwa!"
"You too, Korrine. FIGHTING!"
Isinarado niya ang laptop at bumalik sa pagmumuni-muni.
Halos anim na buwan na ang nakalipas at maayos naman ang sitwasyon niya. Unti-unti niya nang nakakalimutan ang lalaking lubos na minahal. Nagsisimula na siyang bumangon mula sa pagkakalubog. Alam niya na kaya niya at naniniwala siya na magagawa niya..para sa sarili at para sa mga mahal niya.
Matapos ang lahat ng pinagdaanan niyang sakit ay nagpapasalamat pa din siya sa lahat ng natutunan niya sa librong puno ng sakit. Masaya siyang tinatapos ito.
Wala siyang pinagsisisihan ngunit meron siyang isang natutunan.
At iyon ay ang kahulugan ng Maling Pag-ibig.
Yun ay ang ibigin pa siyang muli.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig [Completed]
Teen FictionBOOK TWO OF BAWAL NA PAG-IBIG. Started: July 22, 2016 Ended: October 7, 2017.