13

191 15 4
                                    

Korrine's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa talukap ng mga mata ko. Kinuha ko agad ang phone ko at tiningnan ang oras.

Napabalikwas ako ng mapansin kong 8:23 na. Hala, lagot! 9:00 o'clock a.m. ang pasok ko! Bawal malate dahil TUESDAY ngayon! And for heaven's sake, ito ang araw na pinaka-ayoko. Thanks to James na kung ano ano nalang ang pinapatupad na rules. Every tuesday kasi bawal malate dahil kung hindi, detention ang bagsak namin for 2 hours! Jusko, paano ko naman kakayanin yun? Mauurat lang ako dun!

Mabilis akong kumilos at naligo. Hindi na rin ako nag-almusal at mabilis na umalis na ng bahay. 8:50 na ng makaalis kami ni manong sa bahay. Tinawag ko na lahat ng santo na sana naman makarating ako sa LEU within 10 minutes.

Chineck ko uli ang phone ko at tsaka ko lang napansin ang 25 missed calls ni Earl.

"Stupid Korrine!" Inis na bulyaw ko sa sarili.

"Naku po, naubusan tayo ng gas." Ani ni manong na nagpalaki ng mata ko.

"Manong! Hindi po ba sabi ko lagi niyong i-check ang gas?! Paano po yan eh late na po ako! Patay na talaga ako ngayon." Mangiyak-ngiyak na sambit ko.

Nakakainis! Malas na araw!

"Sandali lang po ito. Wala pa pong payb minutes,"

Hindi ko maiwasang umirap. Napasandal nalang ako sa inis. Wala na, late na talaga ako. Harapin ko nalang siguro ang detention. Kainis!

9:15 na ng makarating kami sa LEU. Badtrip ako sa lahat kaya kahit sinong makasalubong ko, iniirapan ko. Hindi na ako dumiretso sa room bagkus ay pumunta na sa detention room. Iniwan ko ang gamit ko sa locker bago pumasok. As expected, mag-isa lang ako doon.

"Arghhhhhhhhhh! Nakakainis ka talagang alarm clock ka! Useless ka! Tangin—"

"Hindi lang ikaw ang tao dito."

Napahawak ako sa bibig ko ng mapansin si Brake sa bandang unahan na nakasandal ang ulo sa pader at nakapikit. Hala, omg?!?!?!

"S-sorry." Nauutal na sambit ko. Gosh, bakit ba ako nauutal?! "Bakit ka andito? Late ka din ba?"

"Obviously," tipid na sagot niya.

Hindi ko maiwasang titigan ang napaka-amo niyang mukha. Sobrang gwapo! Inilibot ko ulit ang paningin ko para makasiguradong dalawa lang kami dito.

"Bakit wala si Ayenna?" Tanong ko.

Sandali akong naghintay ng sagot pero hindi niya ako pinansin. Pasalamat talaga siya mahal ko siya. Pero namiss ko 'to, 'yong kasungitan niya. Parang tulad lang dati.

"Kanina ka pa ba dito?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong. Gusto ko siyang maka-usap....sobra.

"Be quiet."

"Eh, ang boring! Tsaka wala akong magawa dito kaya mag-usap nalang tayo." Pangungulit ko pa. Kung ibang tao lang 'to malamang nasungitan ko na 'to. Lalo na kung si Earl ang andito. Psh.

"I don't have time to talk to strangers."

"Ay wow, parang di mo naman ako kilala." Ani ko bago sumampa sa mesang nasa tapat niya.

"May stranger bang kilala mo? Stupid,"

"Stupid mo 'to. Pero asan nga si Ayenna? Nag-away kayo no? Kaya di kayo sabay pumasok,"

"Shut up."

Mukhang wala talaga siyang balak kausapin ako. Badtrip 'to. Hindi nalang ako nangulit pa at baka lalo lang siyang mainis sakin. Itinuon ko ang atensyon ko sa gwapo niyang mukha. Sobrang namimiss ko na siya. Sa tuwing naiisip ko na dalawa lang kami dito, may nag-uudyok sakin para yakapin at halikan siya. Sobra na akong nangungulila sa kanya. Pero hindi ko iyon maaaring gawin dahil baka ikasira lang iyon ng plano ko. Baka lalo niya akong layuan.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon