34

237 12 8
                                    

*Try to listen any sad songs while reading this. Para damang dama niyo. HAHAHA*

Korrine's POV

Tumakbo ako. Palayo sa kanila. Palayo sa lahat. I can't believe what I just heard. All this time? I don't know, I can't think properly sa sobrang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. I didn't see it coming. I really can't believe it!

"Korrine!"

Naikuyom ko ang kamao ko nang tawagin niya ako. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta gusto ko lang makalayo.

"Korrine stop! Let's talk!" He shouted. But I didn't listen to him. I ran as fast as I can. Pero sa kasamaang palad, natapilok ako.

"Aah, aray..." Sambit ko habang nakahawak sa paa.

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Hindi dahil masakit ang paa ko kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kulang ang salita para maipaliwanag ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Korrine!" Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. "I told you to stop! Masakit ba? Nasugatan ka ba?"

Itinulak ko siya palayo. Kahit masakit ang paa ko ay tumayo ako. Humakbang ako pero bumagsak lang din ulit ako dahil hindi ako makapaglakad ng maayos.

"Wag mo na ipilit dahil masasaktan ka lang. Dadalhin na kita sa clinic," ani niya.

"At ngayon may lakas ka pa talaga ng loob na magpakita ng pake sa akin?!" Hahawakan niya sana ako pero tinulak ko siya palayo at hinampas ang kamay niya. "Ano naman sayo kung masasaktan ako? Hindi ba wala naman? Kaya nga ginagawa mo eh!"

"Let me bring you to the clinic first. Please." He was about to hold me again when I pushed him away, for the third time.

"Don't you dare touch me! Don't you fuckin' dare, Brake." Sinamaan ko siya ng tingin. Napasabunot siya sa ulo niya at sinubukan ulit akong hawakan. "Ano ba! Wag mo nga sabi akong hawakan! Hindi kita kailangan!"

Parang puputok na ang ugat sa leeg ko habang sumisigaw. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon. Lalo ko lang siyang gustong saktan kapag pinipilit niya akong hawakan.

"Can you please calm down? Please. Dadalhin lang kita sa clinic."

"Calm down?! After what I heard you want me to calm down?! Damn it! For heaven's sake Brake, leave me alone! Yan naman ang gusto mo diba? Go on! Iwan mo ako dito! Continue on acting like you didn't know me! Tutal dyan ka naman magaling!"

I tried again to stand up but I end up on the floor. Gusto ko lang makalayo. Ayoko siyang makita dahil sasabog na ang dibdib ko. Gumapang ako. Wala akong pake kung magkasugat pa ako.

"Korrine stop."

Hindi ako nakinig sa kanya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Korrine ano ba! Listen to me!"

I didn't stop. No matter what happen I won't stop.

"Damn it!" He hissed.

Hinawakan niya ako at itinayo. Inilagay niya sa bewang ang kamay ko. Pero hindi ako nagpatinag. Tinulak ko ulit siya. Nakatayo ako gamit ang isang paa. Ininda ko ang sakit kahit pakiramdam ko nababali na ang buto ko.

"I told you not to touch me!"

"Ano ba Korrine! We can talk later! Bakit ba ang taas ng pride mo? Hear me out before you do this!"

I slapped him. I even punched his chest.

"Mataas ang pride?!" Wow. Really. "Ako pa ngayon ang may mataas na pride? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ko ngayon na nalaman ko na ang totoo?! Gusto mo ba matuwa ako ha?! Gumulong ako dito kasi finally alam ko na yung totoo, ganun ba?! Nasasaktan ako Brake! Sobrang nasasaktan!"

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon