16

186 14 5
                                    

Earl's POV

Nagmadali akong bumalik sa kwarto habang bitbit ang paboritong chicken sandwich at mcfloat ni Korrine. Gustohin ko man sanang bigyan sila ng oras ni Brake nananaig pa din sakin yung pag-aalala. Ayokong masaktan na naman siya dahil kay Brake.

Nakangiti akong tinulak ang pinto.

"Ano? Okay ka lang ba? Masakit ba ulo mo, ha?" Nag-aalalang tanong ni Korrine habang nakahawak sa mukha ni Brake.

"I'm fine." Maiksing sagot niya.

Iniwas ko agad ang tingin ko at lumabas ng kwarto. Parang kanina lang ang layo nila sa isa't isa.

Ano nga naman ang karapatan kong magreklamo kung nasasaktan ako diba? Pinili ko naman 'to.

Umalis ako at dumiretso sa bahay ni Euge. Kingina kung andito lang sana si Brijell edi sana may nagulpi na ako.

"What brings you here?" Partida hindi pa ako tinitingnan ni Euge niyan. Alam na alam niya talaga pag may gwapong dumadating sa bahay niya.

"Sup men,"

"Problema mo?" Sambit niya habang naka de kwatro at nanunuod ng tv.

"Masama na bang bisitahin ang kaibigan ko? Dadalawa na nga lang tayo."

"Ako lang naman kaibigan mo, samantalang ako, madaming kaibigan." Pang-aasar niya pa. Akala mo naman talaga palakaibigan si gago.

"Hi kuya! Aalis na ako." Nagmamadaling sambit ni Eka.

Langya, di man lang ako binati.

"San punta nun? Ni hindi man lang nag hi sakin. Magkapatid nga talaga kayo."

"Wala ka na dun. Bat di mo kasama si Korrine? Wala ka na bang klase?"

"Kailangan ba lagi ko siyang kasama? Hindi ko naman siya girlfriend."

"Hindi nga. Sinabi ko bang girlfriend​ mo?"

Maling mali talagang lapitan si Euge sa oras na 'to. Wala akong mapapala eh.

"Kasama niya si Brake no? Kaya andito ka para mawala 'yang selos mo." Hindi ako sumagot. "Maghanap ka nalang ng iba. Hayaan mo na si Korrine kay Brake. Alam naman nating lahat na dun siya sasaya."

"Hinahayaan ko naman. Hindi naman ako humaharang sa pagitan nilang dalawa. Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Hindi niya naman kailangang mahalin din ako."

Kahit anong gawin kong ipilit ang lungkot at sakit na nararamdaman ko, kusa parin itong lumalabas.

"Just a reminder that pain is only temporary and whatever you’re going through will get better, just breath, things take time."

"Thanks bro." Sambit ko.

"Makakaalis ka na tutal napayuhan na kita."

"Gago."

It's funny how we feel so much but we don't say a word, we're screaming inside but we can't be heard.

Pero kung saan magiging masaya si Korrine, doon ako. Mahal ko eh. At kahit kailan, hindi naging tama na ipilit sa tao ang mahalin ka din.

Korrine's POV

Kanina pa ako naghihintay kay Earl pero hanggang ngayon wala pa din siya. Natapos na lahat ng klase ko pero kahit anino niya wala. Ano na kayang nangyari dun?

Bumaba na ako kesa manigas ako sa lamig sa classroom. Saktong pagbukas ko ng pinto ang pagdating ni Darlene. Sandali kaming nagkatinginan pero nag-iwas din agad ako at dinaanan siya. Masakit syempre, ayoko na ganito kami. Pero kung hindi niya naman kayang intindihin ang sitwasyon at ipipilit na tanggalin ang kasiyahan ko, di bale nalang.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon