31

194 11 21
                                    

Korrine's POV

Naka-handa na ako para sa turn ko. Kinakabahan ako hindi dahil madaming tao kundi dahil emcee si Jessie. Kaya naman pala ang bilis niya akong naisali kahit hindi ako nagpasa ng kakantahin ko. On the spot pati ang pagpili ko.

Pigil hininga ako habang umaakyat sa stage. Hundreds of people are watching but all I can see is Brake. He was standing at the upper left corner.
Actually, the song that I chose was also the song that he sang a year ago. Nagbabakasali ako na kahit ito man lang, maalala niya.

Nagsimula nang tumugtog ang music. I closed my eyes habang sinasabayan ang tugtog.

🎶 She takes your hand, I die a little 🎶

🎶 I watched your eyes, and I'm in riddles 🎶

🎶 Why can't you look at me like that? 🎶

Iminulat ko ang mga mata ko at dahan dahang tiningnan si Brake. Nakatingin pa din siya sa akin habang blangko ang expression ng mukha.

🎶 When you walk by, I try to say it 🎶

🎶 But then I freeze, and never do it 🎶

🎶 My tongue gets tied, the words get trapped  🎶

🎶 I hear the beat of my heart getting louder, whenever I'm near you 🎶

Biglang nag-flashback lahat nang nangyari noon. Yung mga panahon na halos hindi pa kami magkasundo, hanggang sa sinabi niyang gusto niya ako, niligawan at hanggang sa naging kami.

Paano nga ba umabot sa ganito? Bakit sa dami ng tao sa mundo, kami pa ang nasa sitwasyon na 'to?

🎶 But I see you 🎶

🎶 With her slow dancing 🎶

🎶 Tearing me apart 'cause you don't see 🎶

🎶 Whenever you kiss her, I'm breaking 🎶

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko.

Ganito pala kasakit yun. Kapag yung mahal na mahal mo, nakikita mong masaya sa piling ng iba. Kapag yung mahal mo, hindi ka na mahal. Akala ko dati ang madapa lang pinaka-masakit sa lahat....

🎶 Oh how I wish that was me.. 🎶

Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Binitawan ko ang mic at mabilis na nilisan ang auditorium. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Darlene ngunit hindi ko ito pinansin.

Dire-diretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa rooftop. Hindi ko na pinigilan ang sarili na umiyak. Humahagulgol na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Akala ko kanina okay lang. Akala ko kaya ko pang magtiis. Pero kapag naaalala ko yung dati, parang dinudurog yung puso ko. Pakiramdam ko pilit siyang tinatanggal sa kaloob-looban ko.

"Korrine..."

Kahit hindi ko na siya lingonin alam ko na.

"I'm sorry." Sorry na naman. Walang katapusang sorry! "I'm sorry for hurting you. I'm sorry...ang gago ko."

"Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman ginustong magka-amnesia eh. Wala namang may gusto sa sitwasyon na 'to,"

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay.

"Pero sana pinapakinggan mo ako. Sana naniniwala ka sa akin. Sana pinipilit mo man lang na maalala lahat, lahat nang tungkol sa atin... Sana Brake, sana tinutulungan mo akong buohin ulit kung ano man yung nasira sa atin. Sana kasi..."

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon