25

199 11 16
                                        

Brake's POV

I cooked a mushroom​ soup for Ayenna. Hindi ko mapigilan na hindi makonsensya after what happened to her. It's my damn fault.

Habang nasa daan ay naisipan ko na tawagan si Ceslie. I heard nag-away sila ni Alvin dahil lagi nalang daw itong gabi umuuwi. Alam ko namang walang masamang ginagawa si Alvin, it's just that praning ang asawa niya kahit inanakan na siya.

"What?!" Iritadong bungad niya.

"Lower your damn voice, will you?" Lumiko ako pakanan para mag-short cut. "What happened? Is everything okay now?"

"What do you think?!"

"Bingi ba ako ha? Tigilan mo nga kakasigaw mo, ayokong masira ang eardrums ko. Gusto ko pa marinig umungol ang mapapangasawa ko."

"What the—?! Grabe mo talaga pagnasaan si Ayenna eh no?" Sandaling natanggal ang ngiti sa mga labi ko. "Konting tiis nalang, makakabuo ka din ng sarili mong pamilya. Wag ka na mainggit sa akin."

How I wish si Ayenna ang naiisip ko sa mga oras na 'to. Sana nga si Ayenna na lang ang gusto kong makasama habang buhay. Sana.

"Hey, still there? Baka naman umiiyak ka na ha! OA."

"Bakit ba ako pinapakialaman mo? Hindi ba't may sarili kang problema? Mind your own business, Ces."

"Why so serious? Nag-away ba kayo?"

Bigla ko nalang naapakan ang preno nang may makita akong hindi kaaya-aya. Tiningnan ko ang paligid at napagtanto ko na andito ako malapit sa bahay nila Korrine. Hindi ko namalayan na ito na pala yung daan na tinatahak ko.

Napahigpit ang kapit ko sa manibela.

"Hey? Still there? Ano bang problema mo? Hindi kita matutulungan dyan, may sarili din akong problema no!"

"Talk to you later." Sambit ko bago ibaba ang phone ko.

Nararamdaman ko ang pag-init ng ulo ko. I shouldn't be jealous. I don't have the rights but damn it! I can't control my own feelings. Gusto kong gawin ang tama pero kalahati ng pagkatao ko ang gustong gawin ang mali. Pero kailangan ko panindigan ang desisyon ko. It's not just about us. Hindi lang kaming dalawa ang nasasaktan, pati na rin ang mga pamilya namin.

Pero kung ipapaubaya ko man si Korrine, sisiguraduhin ko muna na kaya niyang higitan ang pagmamahal na meron ako. Hindi ko hahayaan na mapunta lang siya sa mga taong wala pa sa kalahati ng kapogian ko.

Pinaandar ko muli ang sasakyan. Ang kapal din naman ng mokong na 'to na ipatong ang madumi niyang kamay sa balikat ni Korrine. And take note, nasa labas lang sila ng bahay ni Korrine. Gawain ba ng matinong lalaki yan?! Sabi na eh, hindi talaga katiwa-tiwala 'tong gagong 'to. Hindi ko hahayaan na mapunta sa kanya si Korrine.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko at bumusina nang sobrang lakas nang madaanan ko sila.

"Oh my God!" Gulat na reaksyon ni Korrine habang nakahawak sa tenga niya. "Hoy! Alam mo ba kung anong oras na?! Kung maka-busina ka dyan akala mo hari ka ng daan!" Galit na saad nito habang dinuduro ang sasakyan ko.

Napangisi naman ako. Good thing at tinted ang sasakyan ko. She's so damn cute.

Kumatok naman si Earl sa bintana ng sasakyan. "Open this damn window of yours while I'm still nice."

Napangiwi ako. Eh kung basagin ko kaya mukha niya?

"Earl, hayaan mo na. Baka lasing driver niyan o kaya adik. Ayoko pa mamatay," ani naman ni Korrine.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon