21

238 14 24
                                    

Korrine's POV

Habang abala na ang lahat para magpahinga ay naisipan ko namang maglakad-lakad muna, para na rin magpababa nang kinain. Masyadong napadami ang kain ko kanina dahil sa sarap ng mga putaheng nakahanda.

Umupo sa may buhangin sabay nagpakawala ng buntong hininga. Napagod ako kakatawa kanina. Ni hindi ko nga naisip ng mga oras na yun na kasama ko nga pala si Brake. Amd speaking of Brake, kanina pa siya tahimik at panay ang tingin sa akin. It feels so weird. May sakit kaya siya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Yanie. I miss them already. Sinagot niya naman agad ito.

"Yes, ate? Napatawag ka?"

"What are you doing? Why are you still awake?"

"I'm watching kdrama. Why?"

"Ah, how's sheshe? Maaga mo ba siyang pinatulog?"

"You don't have to worry about us. We're good and we can handle things now. Just enjoy your stay there. I'll hang up now, bye."

And with that, the call is ended. I don't wanna be mad at Yanie but she's being rude. I don't like it. Well anyways, I can't do anything about it since I'm here so yeah, I need to enjoy.

"Hi Korrine!" I was startled when someone​ speak up.

"Oh my gosh! Ginulat mo 'ko!" Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nag-peace sign. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang phone niya. Tiningnan ko lang ang ginagawa niya.

"Woaaah, ang ganda ng view!" Amaze na amaze niyang sambit. "Hindi ko 'to napansin kanina since masyado akong nag-enjoy sa nilalaro natin. Ang funny nun ah," magkaibigan nga sila ni Jessie. "Oo nga pala, wala kang balak matulog?"

"Meron naman. Nagpapahangin lang ako sandali. Ikaw ba?"

"Siguro kapag inantok." Tapos ngumiti siya. "Ang tahimik no? Parang ang sarap kumanta." Tila nag-iisip niyang sambit.

"Wag mo na tangkain." Napalingon kami pareho sa likod kung saan nakatayo si Kade. "Pumasok na kayo sa loob. Hindi ba kayo tinatablan ng lamig?" Ani niya sabay hipo sa dalawang braso.

"Pakialamero ka. Samahan mo nalang kami dito!" Ani pa ni Jacee.

"Ayoko nga. Mumulestiyahin niyo lang ako. Hindi ko kaya ang threesome, girls." Sabay iling niya pa habang tinatakpan ang katawan niya.

"Kadiri ka Kade! Naririnig ka ni Korrine oh! Buti sana kung tayo tayo lang eh. Wala ka na bang hiya sa katawan mo?"

"Di na tayo menor de edad. Dapat open tayo sa sex para hindi tayo outdated at mukhang ignorante. Maganda kayang topic ang sex. Close minded lang talaga kayo." Wariy nadidismayang sambit pa ni Kade.

"Ih! Nakakakilabot ka! Papasok na nga ako at baka ano pa ulit sabihin neto ni Kade! Tara na Korrine!" Tumayo ito at nagmagrtsa paalis.

"Una ka na Ja, susunod ako." I hissed.

Pumalit naman sa pwesto ni Jacee si Kade.

"Tama naman ako diba? Tsk, you girls are so narrow-minded." Aba, dinamay pa ako eh hindi naman ako nag-react!

Inirapan ko lang siya at binalik ang tingin sa dagat. Napaka-sariwa ng hangin. Ang ganda ng dagat at ang sarap sa tenga ng bawat tunog ng alon. Kaso ang lamig talaga.

Hindi na ulit nagsalita si Kade. Mukhang ini-enjoy niya din ang magandang view.

"Oy guys, tulog na tayo!" Pagtawag sa amin ni Jessie. "Wag ka masyadong magdididikit dyan kay Kade Korrine naku po! Walang ibang alam yan kundi paglaruan ang mga babae. Di ko na nga mabilang kung ilang mata na pinaiyak niyan eh."

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon