5

288 21 17
                                    

Brake's POV

"B....brake?"

Kumunot ang noo ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"You know me?" I asked. "Oh, okay. I'm sorry, fan ka ni Ayenna?"

"W..what? What are you talking about Brake?" Nagulat ako ng bigla siyang umiyak sa harapan ko. "I've waited for so long. A..ano to?"

Lalo akong nagulat ng yakapin niya ako.

"Hindi magandang biro 'to."

Naitulak ko siya sa sobrang gulat. Damn, I don't freakin' want strangers to hug me.

"I'm sorry, but I don't know you." Saad ko at tsaka siya tinalikuran.

"Brakey boy...."

"Stop it miss. I'm not your boy,"

"Ano bang nangyayari sayo Brake? Parte parin ba to ng palabas mo? Damn it! Hindi nakakatuwa—"

"Brake!"

Nakita ko si Ayenna na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Babe," ani ko tsaka nilapitan siya. "Why are you here?

"W..who is she?"

"Your fan maybe? I don't know."

"May sinabi ba siya sayo?"

"Wala naman." I said and smile. "Do you know her?"

"No, I don't know her too. Sige na, umalis ka na. Hinihintay ka na ni tita sa bahay niyo."

Sinulyapan ko muli 'yong babaeng tumawag sakin ng brakey boy. Weirdo, saan niya naman napulot yun?

"You're staying here?"

"Sandali lang naman. Sige na, susunod din agad ako pagkatapos ng fan sign okay? I love you."

"I love you too," then I gave her smack.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at tsaka pinaandar ng mabilis. Tumatak sa isip ko ang mukha ng babae kanina. Seems like she really know me. The way she looked at me, damn. It gives me goosebumps.

"It's not a big deal tho, maybe may kamukha lang ako at kapareho ko pa ng pangalan. Poor one,"

Mabilis akong nakarating sa bahay dahil wala namang traffic. Hindi tulad sa Manila.

Pinarada ko agad ang sasakyan ko sa garahe at pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong sinalubong ni Ceslie kasama ang anak niya.

"Long time no see, Ceslie." Ani ko at niyakap siya. Nasa likod niya naman ang asawa niya. "Hi baby," kinuha ko sa kanya ang pamangkin ko.

"You're still handsome af, Brake."

"And you're still annoying," inismiran niya lang ako na nagpangiti sakin. "Sup men," bati ko naman sa asawa niya.

"Welcome home."

"Nah, we're just here to visit Mom and for Ayenna's fan meeting. Babalik din agad kami sa Manila."

"Oh, boy manila ka na pala talaga." Nginitian ko lang siya bago pumasok sa kusina.

There she is, my true love.

"Hi mom, I'm here." Abala siya sa pagbabake ng cake at cookies. "Your super handsome son,"

"Of course you are. Where is Ayenna?"

"Susunod siya. Tatapusin niya lang yung fan meeting niya."

Sobrang cute talaga ng anak ni Ceslie. Parang gusto ko na din tuloy na magkaanak kami ni Ayenna.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon