14

227 14 2
                                    

Korrine's POV

"Sabi ko naman sayo tawagan mo ako pag may nangyari eh. Tingnan mo napala mo." Ipinikit ko ang mga mata ko dahil naiinis ako kay Earl na kanina pa ako sinisermonan.

Nandito kami ngayon sa hospital. Nilagyan ng benda ang braso ko dahil napalakas masyado ang pagkatama nito sa pader. Dinala narin dito si Brake dahil sa kagustuhan ni Ayenna. Gustuhin ko mang makita at makibalita kung kamusta na ang kalagayan niya hindi maaari. Andun si Ayenna at ang mama ni Brake na nakabantay.

"Nakikinig ka ba?" Inis na sambit niya. "Lutang ka na naman."

"Napakasarap kasi pakinggan ng mga sinabi mo eh. Sobra," sarkastikong sagot ko.

"Tss halika na. May klase pa tayo."

Tinaasan ko agad siya ng kilay. Papapasukin niya pa talaga ako sa lagay kong 'to? Siraulo.

"Excuse me? Hindi mo ba nakikita 'to?" Sabay turo ko sa benda. "Tapos papapasukin mo pa ako? Nababaliw ka na ata."

"Bakit? Nagsusulat ka ba? Hindi naman diba? Hindi kailangan ng kamay sa pakikinig."

"Naku Earlito tigilan mo ko. Alam kong gusto mo lang akong silayan kaya pinipilit mo akong pumasok pero pasensya na at uuwi na ako."

"Sinong nagsabing gusto kitang silayan? Ako? Sisilayan ka?" I nodded.

Naningkit ang mga mata ko nang bigla nalang siyang tumawa. Anong nakakatawa?

"Mukhang hindi lang braso mo ang may problema." Aniya at tsaka ako iniwan doon na naka-upo. Argh!

Nag-taxi nalang ako pauwi dahil iniwanan ako ng tuluyan ni Earl. Naabutan ko sa bahay si Yanie na nanunuod ng tv. Hindi niya man lang ako binati, hindi katulad dati. Nakatuon ang buong atensyon niya sa pinapanuod niya.

"Yanie," tawag ko sa kanya. "Kamusta kayo ni Eka?"

Nag-shrug lang siya bilang sagot. Bumuntong hininga ako at iniwan siya sa sala. Mukhang wala naman siyang balak sabihin sakin ang napag-usapan nila. Si Eka nalang tatanungin ko.

Mabilis akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Brake. Maayos na kaya siya? Bakit bigla nalang sumakit ang ulo niya kanina? He even let me hugged him. Sabagay, makakatanggi pa ba siya kung masakit na ulo niya.

Iidlip muna sana ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko. May unknown number na nagtext sakin.

+63912xxxxxxx

Hello. It's me, Jessie. Sa party, remember? :) Free ka ba ngayon? Gusto sana kitang i-treat as way of saying thank you for what you did. It was a big help though :)

Naisubsob ko ang mukha ko sa unan. I want but I need a rest. Pagod ang katawan ko plus iritable ako sa bendang nasa kamay ko.

I was about to type a reply when my phone suddenly vibrate. Nagsend siya sakin ng address kung saan kami magkikita. Argh! Hindi pa nga ako umuoo eh.

Tamad akong tumayo at nagpalit ng damit. Ipinusod ko ang buhok ko at naglagay ng light make up. Pumunta agad ako sa lugar na sinasabi niya. Medyo malapit sa hospital na pinuntahan ko kanina. Pumasok ako sa isang cafe. Wala naman masyadong tao kaya mabilis ko siyang nakita.

"Hey," bati ko sa kanya. Ngumiti siya pabalik sakin. "Sorry, medyo natagalan."

"No it's okay. Malapit lang naman ako dito." Sambit niya.

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon