Korrine's POV
"Welcome back Erica! Loka ka, namiss kita ah! Ganda mo lalo," ani ko bago niyakap ng mahigpit si Erica.
Pumuti siya lalo. As usual, naka-jeans lang siya at t-shirt pero kitang kita parin ang magandang hubog ng katawan niya. Andito kami sa bahay nina Euge para i-celebrate ang pagbabalik ng kapatid niya. Halatang mahal na mahal niya talaga si Eka.
"I missed you too Ate kor, all of you. It feels so good to be back!"
"Syempre naman, andito mga mahal mo eh. Kamusta naman ang abroad?" Kumuha ako ng isang baso ng wine bago umupo sa tabi niya.
"It's nice but I don't wanna go back. Hehe, I missed the old days. I missed my school, my kuya, you guys.....and of course, my bff."
Bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Pagkatapos kasi namin sunduin si Eka kanina, hindi na sumama si Yanie dito. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari sa kanila, nabalitaan nalang namin na nagkaproblema na.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. "Nandito ka na naman. You two can talk. Ayusin niyo ang dapat na ayusin, ayos ba? Pero ngayon, magsaya ka muna dahil nakabalik ka na. Baka mag-alala ang kuya mo pag nakita kang malungkot."
"Thank you ate Kor!" Then she hug me. "You're really the best! Anyway, where's kuya Brake? I didn't see him."
Nag-iwas ako ng tingin. Tama. Andito dapat siya, sa tabi ko. Sabay sana naming ipinagdidiriwang ang pagdating ni Eka. Kung sana naaalala niya lang ako.
"Eka, may naghahanap sayo." Napatigil kaming dalawa ng dumating si Euge.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Huh? Who?"
"Yanie." Namilog ang mga mata ni Eka. Natatarantang tumayo ito at mabilis na pumunta sa kinaroroonan ni Yanie. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila.
Nakita ko ang pagpasok ni Yanie, kasama niya si Brix. I was about to greet them ng biglang pumasok din sina Darlene at James kasama si George at Treschia. Hindi lang sila dahil sumunod din si Ceslie at Alvin kasama ang anak nila.
"May reunion ba?" Tanong ng katabi ko. "Si Brake nalang kulang, buo na." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Earl. Asa namang pupunta dito yun. Eh baka nga nagdadate sila ni Ayenna.
"Omg! I can feel the love! Ate Ceslie! Thank you for coming!" Nilapitan niya si Ceslie at kinuha ang baby. "Aw, cutie. Just like her parents."
Nagtama ang mga mata namin ni Ceslie pero mabilis rin itong nag-iwas. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Nice, sirang sira na ang gabi ko.
"Buti nalang napilit namin si Yanie na pumunta dito. Mas mabuti kung mag-usap muna kayo, doon lang kami." Darlene said at kinuha kay Eka ang baby. "Let's go myloves,"
Sumunod naman agad si James. Ni hindi niya rin ako tiningnan. Ang galing talaga. Ang galing lang.
"Are you okay?" Earl asked. I just nodded. "Kung di ka na komportable pwede namang umuwi na tayo tutal kanina pa tayo andito."
"I'm okay. Mas gusto ko nga na ganito eh, atleast walang nangingialam sakin." Mapait na sambit ko.
Mas gugustuhin ko nalang na ganito kami. Kahit masakit. Handa kong isakripisyo lahat alang-alang kay Brake.
Maya maya lang ay sumunod nadin sa kanila sila Ceslie. Aalis na rin sana ako doon ng biglang dumating si Brake. Mag-isa lang siya.
"Kuya Brake!" Sigaw ni Eka. "Bakit kayo magkahiwalay ni Ate Kor? Nag-away ba kayo?" Tapos tiningnan niya ako na nagtataka.
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig [Completed]
Teen FictionBOOK TWO OF BAWAL NA PAG-IBIG. Started: July 22, 2016 Ended: October 7, 2017.