28

198 12 4
                                    

Korrine's POV

Bukas na ang U-week at hindi ko pa rin alam kung anong activity ang sasalihan ko. Bakit ba kasi ni-required pa na kailangan namin sumali? Wala ako sa mood at wala ako sa wisyo para magsaya.

Hindi kami okay ni lolo at lola pati na din si mama. Wala pa rin akong nakikitang pwedeng maging solusyon para mapatunayan na hindi ko kadugo si Brake. And speaking of him, hindi niya pa din ako naaalala.

"Mukhang ang lalim nang iniisip mo ah. Si Earl ba yan?" Agad ko namang nginusuan si Jessie na nakangiti pa nang pang-asar.

"Mukha mo,"

"Yie. O, baka naman si Brake? Ikaw ha, di mo naman sinasabi na dalawa pala type mo." Tinakpan ko agad ang bibig ni Jessie.

Dito niya pa talaga ako naisipang asarin sa loob ng cafeteria kung saan ang daming chismosa?!?

"Baliw ka ba?! Baka may makarinig sayo isipin pa na totoo 'yang sinasabi mo!" Mahinang sambit ko sa kanya. Humagikgik naman ito bago tinanggal ang kamay ko.

"Uy, napaghahalataan ka." Panunukso niya pa.

"Isa pa, makakatikim ka na talaga sa akin." Umupo ako nang maayos bago nangalumbaba. Namomroblema pa din ako kung ano ang sasalihan ko para sa U-week.

"Eh bakit ba kasi ganyan ang itsura mo? Anong problema ba? Gusto mo bang kantahan kita nang," umubo ubo pa siya at tsaka tinutok ang kamay sa bibig. "Sana dalawa ang puso ko~"

"Mas malala pa ata ang boses mo kesa kay Jacee eh. Manahimik ka nga! Hindi yan ang problema ko ngayon. Nahihirapan kasi ako mamili,"

"Oh, yun na nga! Edi tama ako!"

"Hindi nga sabi! Uso ako patapusin diba?"

Konti nalang masasapak ko na si Jessie eh. Mas matino pa kausap sila Jacee kesa sa kanya.

"Sige na nga. Mamili saan?"

"Hindi ko alam kung anong activity ang sasalihan ko. Bakit ba kasi ni-required pa nila yun? Wala pa naman sana akong balak umattend." Nakasimangot na sabi ko.

Si James at Earl kasi kasali na sa basketball. Si Darlene naman sumali sa dance competition, ayoko naman dun dahil ayokong makalaban si Darlene. Si Yanie at Brix sa play sumali.

"Edi sama ka nalang sakin! Sa sports tayo! Volleyball!"

"Ayoko."

"Arts?"

"No."

"Sa booth?"

Umiling ako.

"Eh, Ms. and Mr. LEU? Ano, game?"

"Ayoko nga niyang mga yan. Masyadong hassle. Ang daming kailangan gawin. Gusto ko yung madali lang. Yung wala na akong masyadong aasikasuhin. Nakakatamad kaya."

Totoo naman eh. Mas gugustuhin ko pa ngang panuodin nalang sila kesa sa sumali pa mismo.

"Aha!" Napapitlag ako nang hampasin niya ang table habang nakangiti nang wagas. "Alam ko na kung saan ka bagay!"

"Saan?" Kunot-noong tanong ko.

"Singing competition!"

Napaisip ako sa sinabi niya. Pwede naman sana kaso masyadong madami ang manunuod dun kaya naman,

"N—"

"Okay! Ililista na kita. Aja! See you tomorrow! Galingan mo ha. Bye!" Mabilis na tugon nito bago ako halikan sa pisngi.

Naiwan akong nakanganga doon habang tinitingnan siya palabas ng cafeteria. Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi niya man lang hinintay ang sagot ko. Gusto ko sanang sumigaw kaso nasa loob ako ng cafeteria!

Maling Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon