Korrine's POV
Ilang araw na din ang lumipas ng mabalitaan kong lumipad na pabalik sa Manila sina Brake. Iniwan niya na naman ako.
"Tulala ka na naman jan. Ilang araw ka ng ganyan." Kasama ko ngayon si Earl. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang kasama ko. Dapat nga iniiwasan ko na to eh.
Tungkol naman dun sa pagqquit ko as tutor niya, hindi pumayag si Tito Mike. Pinakiusapan niya ako na kahit hanggang ngayon sem lang daw. Wala naman na akong nagawa, si Tito Mike yun eh.
Hindi kami nagpapansinan ni Darlene. Kung galit siya, mas galit ako. Niloko nila ako. Even Alvin, hindi ko na rin siya pinapansin. Nung sinabi niya sakin na umalis na sila Brake, yun na ang huli naming pag-uusap. Kaya pala ganun nalang ang reaksyon ni Ceslie kapag napag-uusapan namin si Brake. Ngayon ko lang napagtanto.
"Korina you should eat. Papayat ka lalo niyan eh,"
"Wag kang magulo, Earl."
Natutuwa naman ako dahil kahit papaano hindi ako pinabayaan ni Earl. Siya ang lagi kong kasama at sobrang thankful ko dahil kahit si Brake ang lagi kong bukambibig, hindi siya nagrereklamo. Hindi niya rin inoopen ang feelings niya para sakin. Mukhang totoo nga ang sinabi niya na sapat na sa kanya ang malaman kong gusto niya ako. Hindi naman siya nagpapakita ng balak na manligaw. Doon palang, natutuwa na ako.
"Kumain ka na bago pa kita subuan. May 30 minutes nalang tayo bago matapos ang lunch. Kahit konti lang,"
Sinamaan ko agad siya ng tingin.
"Paano ako kakain kung puro gulay to? Nang-aasar ka ba?"
"Kailangan mo yan. Tingnan mo nga ang payat payat mo. Tatlong ubo ka nalang eh,"
Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Bwiset talaga, nang-aasar pa.
"Wag mo muna pala ako itutor mamaya. Baka kasi puro Brake na ang maisagot ko sa exams, delikado. Isipin pa ni Dad bading ako."
"Sorry. Promise maayos na ang ituturo ko sayo mamaya. Pasensya na talaga," nahihiyang sambit ko.
Tama siya. Wala na akong ibang inatupag kundi si Brake. Kung paano ko mababawi si Brake, kung paano ko siya mapupuntahan, na miss na miss ko na siya, na sana maalala niya na ako. Lahat ng bagay tungkol kay Brake nasabi ko na ata kay Earl. Pero kahit kailan hindi ko siya narinig na nagreklamo, tinutulugan nga lang ako.
Nakakahiya kay Tito Mike. Wala akong naiturong matino kay Earl this week.
"Ayos lang. Mas maganda nga yun eh, nakakatulog ako ng maaga." Tapos tumawa siya.
"Bwiset."
"Pero seryoso, kumain ka na. Sinasabi ko 'to bilang kaibigan mo, wag ka mag-assume."
"Aba't ang kapal din naman ng mukha mo! Hoy, fyi, kahit kailan hindi ako nag-assume. Hindi ko na kasalanan kung sa sobrang ganda ko, nagustuhan mo ako."
"Actually, hindi ko rin alam." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ka naman maganda. Hindi ka rin sexy. Anong nagustuhan ko sayo?"
"Tangina ka ha! Bwiset!"
Nagulat nalang ako ng mapansin kong nagtatawanan na pala kami ni Earl. Wow, sa loob ng ilang minuto nawala sa isip ko si Brake.
Kinain ko na agad ang lunch ko kahit na halos masuka ako. Hindi naman sa ayaw ko sa gulay, hindi ko lang talaga trip mag-gulay ngayon dahil pinupurga na ako ni Earl dito. Pustahan mamayang gabi ulit, gulay ang ipapakain niya sakin.
Nang matapos na akong kumain ay dumiretso na kami sa room. May 5 minutes pa bago magsimula ang klase kaya as usual, maingay pa sa room. Bumungad sakin si James na nakatayo habang may pinaparusahan na naman na estudyante. Agad akong nag-iwas ng tingin. We don't have the chance to talk dahil panigurado pinagbawalan siya ni Darlene. Alam ko namang walang kinakampihan si James samin, it's just that girlfriend niya si Darlene. Speaking of Darlene, absent siya. Ewan ko kung bakit.

BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig [Completed]
Ficção AdolescenteBOOK TWO OF BAWAL NA PAG-IBIG. Started: July 22, 2016 Ended: October 7, 2017.