Chapter 7: KFC

2.4K 84 0
                                    

Kyler's POV

"Anung gusto mo?" tanong ko kay Annica pagdating namin sa KFC

"Kahit ano na lang" walang gana nyang sabi

Umorder na kami tapos naghanap ng table. Maya maya dumating na order namin at kumain na kami ng tahimik.

Magsasalita na sana ako para basagin ang katahimikan, Pero bigla kong napansin na may padating sa table namin.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila

"Eh puno sa jollibee eh, since malapit lang naman tong KFC sa jollibee, dito nalang kami pumunta" pag-eexplain ni Kaye

"Hayst. Maghanap kayo ng table nyo, isipin nyo nalang na di tayo magkakakilala, date namin ni Annica to tapos sisirain nyo" sabi ko

"Sinong may sabing date to? Kaya lang naman ako pumayag kasi treat mo no!" mabilis na sabi ni Annica

"Hahaha nilaglag si Kyler, ang sama mo palang kadate Annica hahaha" sabi ni Micz "Bute nalang si Twayllem hindi" dugtong pa ni Micz sabay akbay kay Kaye

"Yuck! wag mo nga ako maakbay akbayan kadiri, plastic surgery boy!" sabi ni Kaye

"Ano magdadaldalan nalang ba tayo o kakain?" sumabat na si Tracy

"Ay! oo nga! hoy Dylhan ikaw na umorder ng pagkain natin" utos ni Yass kay Dylhan

"Abah ikaw na! Ano ka sinuswerte?" sabi ni Dylhan

"Ahh potek! Wala na bang gentleman ngayon?" sabi ni Yass

Ayun hindi ko nalang sila pinansin at nagkanya kanya sila ng table.
At dahil wala na daw ibang table na available para kay Rixx nakiupo na sya sa table namin.

"Rixx ano sino nga si mystery girl?" tanong ni Annica kay Rixx "Secret na nga lang! Malalaman mo din yun?" pacute na sabi ni Rixx

Pucha! Nandito ako oh. Bakit kayo lang nagpapansinan? Bakit kasi nakiepal pa tong kumag na to.
Date namin to pero parang sila ang may date at ako ang sabet!
Alam nyo yung pakiramdam ng OP? Pucha! nakakagago! Nang matapos na'ko kumain tumayo na'ko.

"Sige kayo nalang magDATE, alis na ko!" sabi ko sabay lumabas na ng KFC

Nang nakalabas na'ko napaface palm nalang ako sa inis.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon