Chapter 117: Desperate

1.3K 39 0
                                    

Kyler's POV

"Dylhan si Yass?"

"Ahh nasa kwarto nya bakit dude?"

"Eto kasing headset na hiniram ko sa kanya ibabalik ko lang!"

"Ahh ako na magbibigay!"

"Ahh hindi ako na!" sabay smirk ko

"Hoy anong ibigsahin nyang ngiti mo ha?"

"Hahahaha wala I'm just kidding dude!" Pumunta na ako sa kwarto ni Yasha ng may narinig akong usapan sa loob.

"Kaye buhay si Annica, buhay sya!"

"Pero paano ka nakasisiguro? Nailibing na yung bangkay nya!"

"Maniwala kayo o hindi pero nakita ko sya, hindi lang nakita nakausap ko pa sya p-pero wala syang maalala at hindi sya nakakakita!"

"Totoo ba yung narinig ko?"

"Kyler!"

Agad akong tumakbo para hanapin kung nasa paligid lang si Annica.

"ANNICA!!" sigaw ko

"Kyler ano ka ba!" hindi ko namalayan na hinahabol na din pala ako nila Kaye

"Yass sabihin mo sakin, asan si Annica?"

"H-hindi ko alam!"

Hinawakan ko na sya sa magkabilang braso.
"Yass please sabihin mo sa akin saan mo sya nakita?"

"Kyler nasasaktan ako!"

"Yass sabihin mo asan si Anni----"

* . boogsh . *

At bumagsak ako sa sahig
"Ganyan ka na ba kadesperadong makita si Annica? Nagagawa mong saktan si Yass" sabi ni Dylhan

"Dylhan tama na!" pagpipigil ni Yass

"Kung gusto mong makita si Annica maging mahinahon ka dude! Hindi yung may sinasaktan ka para lang makita si Annica!"

"Anung nangyayari dito?" tanong ni Micz na kadarating lang

Tinulungan naman akong tumayo ni Yasha at Kaye
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko

"Apat na taon *sob* apat na taon kong tiniis yung sakit na nararamdaman ko! Paanong hindi ako *sob* magiging mahinahon sa pagnanais na *sob* makita ulit si Annica?"

Napatungo na lang silang lahat sa sinabi ko.

"Ako ba hinahanap nyo?" Isang babae ang may kasama matandang babae na siguro ay nasa 40's na.

"Annica?" agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Annica akala ko hindi na kita makikita ulit!" at bumitaw na ako sa pagkakayakap.

"Pasensya na nagpakita lang ako sa inyo dahil mukang nagtatalo na kayo para lang makita ang kasamahan nyo!"

"Annica ano bang sinasabi mo?"

"Ahh sir hindi po ako si Annica, Jayrisse po pangalan ko empleyado ako dito sa resort na to!"

Napatungo ako sa sinabi ni Annica este Jayrisse.
"Ahh hijo mauna na kami ng anak ko kailangan na namin gawin ang trabaho namin!"

"Mas mabuti na sigurong bumalik na tayo sa kwarto natin!" sabi ni Tracy

Isa isa na kaming bumalik sa kwarto.

*Kinabukasan*

Maaga akong gumising para lang magpahangin sa labas ng may lumapit saking isang matanda.
Sya yung kasama ni Ann--Jayrisse kagabe!

"Hijo!" tawag sakin nung matanda at tiningnan ko lang ito

"Pwede bang makausap ka sandali?" dugtong pa nito tumango na lang ako bilang pagtugon ko

"Si Jayrisse sya ang anak ko, nawala sya apat na taon na ang nakalilipas!" sabi nung matanda

Tiningnan ko lang sya ng may pagtataka.
"Isang gabi noon nagtalo kami ni Jayrisse at dahil sa pagtatalo namin naglayas sya, hinayaan ko lang sya dahil alam ko kung saan ko sya matatagpuan paghinanap ko sya!
Kinabukasan nalaman ko na lang na may eroplanong bumagsak malapit dito sa resort, at dun sa lugar na yun kung saan alam kong nagtatago si Jayrisse!
Dahil sa takot ko na baka nadamay sa trahedya ang anak ko agad akong pumunta sa lugar na yon pero hindi ko sya nagtagpuan!"

"Sino po yung Jayrisse na kasama nyo kagabe?"

"Nung araw na nawalan na ako ng pag-asang makita pa si Jayrisse natagpuan ko sya sa gubatan. Puro sugat sya at hinang hina inuwi ko sya sa bahay ko, pero paggising nalang nya wala syang maalala at walang makita!
Dahil sa kawalan ko ng pera para ireport sa mga pulis ang pagkawala ni Jayrisse kinupkop ko na lang sya at itinuring na si Jayrisse" hindi ko maintindihin ang pinagnagsasabi nya.

Baliw na ba ang isang toh? o sadyang mahal nya lang ang anak nya?
"Pero bakit hindi nyo ipinaalam sa iba na may natagpuan kayong isang babae?" tanong ko na may pagkainis

"Dahil gusto kong makita pa ang anak ko, at sya si Jayrisse!" baliw na nga ang isang ito.

"Kailanman hindi naging si Annica ang anak nyong si Jayrisse!"

"Alam ko pero isa din akong ina na nag-aasam na maibalik ang anak hijo!" pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit gusto kong sigawan yung matandang babae

"Aling Inday hinahanap na po kayo ni Jayrisse!" tawag sa kanya nung babaeng isa din atang emlpeyado

Tinawag ko yung babaeng tumawag kay aling Inday o kung sino man yung matanda.
"Sir bakit po may kailangan po ba kayo?"

"Kilala mo yung Jayrisse?"

"Ahh oo sa totoo lang hindi sya yung totoong Jayrisse! Sa pagkakaalam ko yung totoong Jayrisse patay na sya kaya lang simula nung dumating babaeng yun itinuring na ni Aling Inday na sya si Jayrisse dahil bukod sa wala na ang anak nito ay kahawig nya pa daw si Jayrisse"

Napanganga ako sa sinagot nung babae, magkahawig?
Ibig bang sabihin yung bangkay na inilibing hindi sya si Annica.

Sya ang tunay na Jayrisse, pero paanong nakaligtas si Annica sa eroplano?
Kaya pala kanina sinabi nya na gusto nyang makita pa ang anak nya yun ay dahil magkahawig ito.

Nakasisiguro akong sya si Annica dahil kilalang kilala ko na si Annica.
"Uhmm sir may kailangan pa po ba kayo?"

"Ahh wala na salamat nga pala!" at umalis na ako.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon