Epilogue

2.2K 48 5
                                    

Kyler's POV

Ngayon may bago na naman kaming ikinakaharap na pagsubok at lahat kami ay andito sa labas ng operating room.

Ilang oras pa at lumabas na yung doctor sa OR.
Sabay sabay kaming lumapit sa doctor para alamin ang balita.

"Doc kamusta na po ang anak ko?" tanong ni tita

"Successful ang operasyon Mrs. Candava mamaya lang ay ililipat na sya ng kwarto"

Agad napalitan ng kasiyahan ang makha ni tita na kanina'y kinakabahan

Nakahanap na ng donor si Annica at yun ay si Aling Inday.
Kamamatay lang ni Aling Inday ilang araw na ang nakalipas ni isa saamin walang nakakaalam ng ikinamatay nito.

Pero bago daw ito mamatay ay may ibinilin ito na ibigay ang mga mata nito sa anak nyang si Jayrisse at yun ay si Annica.
Laking pasalamat naman ng magulang ni Annica sa pamilya ni Aling Inday, nailibing ito ng maayos dahil kinuha ang labi nito ng pamilya nya.

After a years...

"Kyler pagbalat mo naman ako ng mangga tapos kuha mo na din ako ng ketchup sawsawan ko!"

"Ha? Ahh ehh wala tayong mangga, eto na lang mansanas!"

Iba pala talaga pagnaglilihi ang asawa mo hayst. 1 month and 2 weeks ng buntis si Annica.

Actually tatlo silang buntis dahil buntis din si Yasha at Era.
Si Era malapit ng manganak at si Yasha naman 4 months ng buntis kaya medyo malaki na ang tiyan nito.

Si Micz naman inggit na inggit na samin dahil magkakababy na kami, kakakasal lang kasi nila ni Kaye last week.
At si Yass at Dylhan naman mag-iisang taon pa lang ang baby nila.

"Ayaw!"

"Eto na lang orange!"

"Ayaw, mangga nga ang gusto ko!"

"Ehh wala tayo nun ehh!" napakamot na lang ako dahil sa kakulitan ni Annica

"Ibili mo ko!"

"Annica nasa isla tayo isa pa malayo bilihan dito ohh!"

"Mukang nagtatalo na naman kayong dalawa!" sabi ni Tracy na kakalapit lang samin ni Annica at kasama ang missis nito.

"Eto kasing si Annica naghahanap ng mangga!"

"Hahahaha ganyang ganyan din ako nung 1 month pa lang yung tiyan ko!"

Nasa isla kami ngayong lahat, etong islang toh pag-aari ng pamilya ni Micz kaya naisipan namin magbakasyon dito since kakakasal lang din nila ni Kaye.

"Hey hon parang gusto ko din ng mangga!" sabi ni Yasha kay Tracy
Napaface palm naman si Tracy.

"Ako din gusto ko!" sabi ni Annica

"Walang mangga dito!" sabay naming sabi ni Tracy

"Gusto namin ehh!" sabay na sabi ni Yasha at Annica

"Mukang nagkakagulo dito anong meron?" tanong ni Rixx na kadarating lang kasama si Era

"Gusto kasi ng missis namin ng mangga!" sabi ko

"Sus! Pagbigyan nyo na yung asawa nyo hahaha naglilihi ehh!"

"See? Ibili mo na kame!" sabi ni Annica

"MANGGA! MANGGA! MANGGA!" sabi ni Yasha na parang nagrarally

Napakamot na lang kami ni Tracy
Napansin naman namin na napahawak bigla si Era sa tiyan nya na parang may nararamdaman.

"Bakit?" tanong ni Rixx

"Manganga-- ahh ang sakit! MANGANGANAK YATA AKO!" sigaw ni Era kaya nagpanic na si Rixx

At tinawag nito si Micz at Kaye..
Dumating na din sila Yass at Dylhan, kalong kalong naman ni Yass ang anak nitong si Vanella.
"Ohh anong nangyayari?" lahat kami nagpapanic na

"Kyler gusto kong mangga!" sabi ni Annica

"Ako din!" sabi ni Yasha

"Wuuaaaaah! Wuaaaah! Wuah!" narinig naming umiyak si Vanella at pilit naman itong pinapatahan ni Yass.

Halos lahat kami ay hindi mapakali.
Kami ni Tracy kinukulit ng asawa namin mabili lang ng mangga.
Samantala si Rixx hindi alam ang gagawin dahil manganganak na si Era lalo na't nasa isla kami at malayo ang hospital dito.

Si Kaye at Micz naman nagtatalo na dahil wala silang matawagan na ambulansya dahil walang signal, wala din kaming sasakyan dahil nawalan na ito ng gasulina.
Si Yass at Dylhan hindi alam ang gagawin mapatahan lang si Vanella.

"LALABAS NA!!!" sigaw ni Era

Humiga na sa couch si Era dahil papalabas na talaga yung baby.

"Ako na nga dyan! Rixx kumuha ka ng kumot at mainit na tubig bilis! At Yass pwede bang ibigay mo muna kay Dylhan yung baby mo, tulungan mo ko dito!
At kayo tumahimik muna kayo dyan saka na kayo maghanap ng mangga at lumabas muna!" sabi ni Kaye.

Natahimik naman kaming lahat at lumabas tapos hinintay na lang na lumabas na yung baby ni Era.

Ilang sandali pa nakarinig na kami ng iyak ng isang sanggol kaya dali dali kaming pumasok sa loob.
Nakita namin ang isang sanggol na mukhang anghel.

Yeah babae ang anak nila Era at Rixx.
"Wuaah! Ang cute sana two cute baby girl ang baby ko!" sabi ni Annica

"Hmp! Gusto ko lalake!" sabi ko

"Wait anong name ng baby nyo?" tanong ni Kaye kay Era

"Sya si Baby Xiara"

"And by the way, anong ibig mong sabihin sa TWO CUTE BABY GIRL?" tanong ni Kaye

"Guys! May good news ako nalaman na namin na kambal ang baby namin pero hindi pa confirm ang gender nila!" balita ko sa kanila

"Waaaaaah! Congrats!" sabi ni Kaye



THE END.....

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon