Chapter 38: Concern

1.6K 52 0
                                    

Dylhan's POV

"Kung kailan pa kayo gagraduate saka nyo pa naisipang magcutting classes!" sigaw ni Ma'am

Nasa faculty kaming lahat ngayon sinisermonan ni Ma'am.

Hindi kami naimik. "Ano bang pumasok sa kokote nyo at nagcutting classes kayo kahapon huh?" sigaw uli -_-

Nakakabinge na paulit ulit nalang yung sinasabi ni Ma'am
Napatingin lang ako kay Yass tapos nagtawanan lang kami haha.

"Sa susunod wag nyo ng uulitin to!" si Ma'am

"Opo ma'am!" sabay sabay naming sabi

"Bilang parusa maglilinis kayo sa garden at magbubunot ng damo kasama sila Nina!" sabi ni ma'am

Sila Nina? Ano kayang kalokohan ang ginawa nun at naparusahan din? Haha siguro dahil yung sa kahapon na pag-aaway nila ni Annica.

Pumunta na kami sa garden kung saan nanira ng halaman noon si Yass. Nakita namin sila Nina kasama yung mga kaibigan nya.

"Oh andito pala yung mga weirdo!" parinig ni Nina tumawa naman yung mga kaibigan nya

Si Annica naman halatang nagtitimpi.
"Ayos ng weirdo kesa sa bitch!" parinig ni Kaye habang naglilinis Kami naman nila Yass nakikinig lang sa parinigan ni Kaye at Nina.

Bigla naman may nahawakan na bagay na mabaho si Nina at nag-inarte ito.
"Eww! Kadiri ang baho!" pag-iinarte ni Nina

"Bagay kayo haha! Magkasing baho lang ang pangalan nyo!" Sino pa ba yung nanglalait ng mabaho kay Nina? Edi si Annica

Nagtawanan naman kami. Napansin ko naman si Yass habang naglilinis kamot ng kamot sa sarili.

"Ayos ka lang?" tanong ko

"Yah! Okay lang ako wag mo na akong alalahanin" sabi nya.

Habang naglilinis si Yass sa ilalim ng puno may nakita akong sanga ng puno na babagsak sakanya.

"YASS!" sigaw ko

Niyakap ko sya para hindi sya matamaan, at dahil nakayakap ako sakanya ako ang nasugatan sa braso.
Patusok kasi yung kahoy nung pabagsak kaya nasugatan ako.

"Ayos ka lang?" tanong ko ulit

Tumango naman sya, hindi pa rin ako bumibitaw ng yakap sakanya para hindi nya mapansin yung sugat ko..

"I-ikaw ayos ka lang ba?" tanong nya

"Ah oo wag mo na akong alalahanin." sagot ko

Bumitaw ako sakanya at pasimpleng umalis para hindi nya mapansin yung sugat ko.
Naglinis lang kami, hindi ko iniinda yung sakit ng sugat ko di naman sya masyadong malalim. Napansin ko naman si Kyler at Annica ang sweet haha :D

"Urgh! Nangangate na talaga ako!" sigaw ni Yass

Lumapit ako sakanya pero pilit kong itinatago yung sugat ko.
"Gusto mong pumunta ng clinic?" tanong ko

Lumapit na rin sila Annica

"No! Okay lang toh!"

"Teka baka lumala yang alergy mo!" alalang sabi ni Annica

"Okay nga lang to!" makulit nyang sabi

Namumula yung mga braso nya hanggang leeg, marami na rin syang butlig butlig.
Ngayon ko lang nalaman na may alergy pala sya sa alikabok at damo.

"Makaalis na nga! Naiinis ako may kunwaring nangangati kahit hindi naman! Tapos andaming nangpiflirt ng boys dito, nakakasuka!" parinig ni Nina

Habang paalis si Nina kinuha ni Annica yung mga nabunot naming damo. Tapos bigla nyang isinaboy kay Nina. "What the hell are doing huh bitch?" sabi ni Nina

"Bawiin mo yung sinabi mo!" nanggigigil na sabi ni Annica

"No!" sagot ni Nina

Hinawakan na ni Annica yung braso ni Nina

"A-aray nasasaktan ako! Bitawan mo ako bitch!" sabi ni Nina

*.. PAK ..*

"Wag na wag mo kaming sinasabihan ng mga salitang yan kung ayaw mong mas malala ang gawin ko sayo!" sabi ni Annica matapos nyang sampalin si Nina

Si Hurry pipigilan sana si Annica kaya lang pinigilan ko sya. Si Nina naman mangiyak ngiyak na.

"Sino kayang flirt satin ikaw o ako?" dugtong pa ni Annica

"........."

"Baka gusto mong ikalat ko ang lahat ng baho mo!" sabi ni Annica

Kaming lahat speechless dahil kay Annica, ganyan pala sya magalit.
Nagwalk out naman si Nina. Bakit kaya ganun ang galit ni Annica kay Nina?

Di namin napansin na bumagsak na si Yass.

"Yass!" sabi ko sabay buhat sakanya papuntang clinic wala akong pake kung nasakit na yung sugat ko.
Tingnan nung isang nurse si Yass tapos ginamot naman nung isang nurse yung sugat ko.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon