Chapter 81(Part1): Double date

1.2K 41 0
                                    


Era's POV

"Era may bisita ka!"

Weekend nga pala ngayon, pagweekend kasi nagkukulong ako sa kwarto haha :)
"Sino po tita?"

"Mga kaibigan mo!"

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko. Paglabas ko nakita ko si Rixx at Annica.
"Napabisita kayo?"

"Gusto ko lang ibigay sayo toh!" may inabot sakin si Annica na invitation card

'Kate&Hazel Wedding'

"Para saan toh?" tanong ko kay Annica

"Hahaha hindi ba obvious? Syempre imbitado ka sa kasal ng kuya ko!" sagot ni Annica

!apansin ko namang nakaakbay si Rixx kay Annica, nung makita ko yung para tinusok yung puso.

"Hahaha salamat! Uy! Kayo na?" pinilit kong ngumiti

Bakit ganon parang ansakit? :/
Nagkatinginan muna si Annica at Rixx bago sumagot.

"H-hahaha nahuli na pala ako sa balita!" sabi ko

Simula kasi nung pag-uwi namin nung nagbakasyon kami sa probinsya naging busy ako.
Hindi ko manlang sila nakausap o nakasama kahit nakatext.

"Kamusta na nga pala si Hurry?"
Bigla namang napayuko si Annica

"W-wala na sya kahapon lang sya nilibing!" sagot ni Annica habang nakayuko

"Bakit parang biglaan naman? Bakit hindi nyo ako pinuntahan manlang dito para balitaan?" Hindi sila umimik.

"P-pasensya na!"

"Ahh Era kailangan na naming umalis may dadaanan pa kami ihh!" paalam ni Annica

"S-sige salamat ulit!"
Pagkaalis nila bigla na lang tumulo yung luha ko.

"Era?" Bigla kong pinunasan yung luha ko.

"Ahh bakit po tita?"

"Umiiyak ka ba?"

"Ha? Hindi po ano-- ano napuwing lang po ako!" palusot ko tapos tumakbo na ako papasok sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko humiga ako sa kama ko at dun na tuloy tuloy yung luha ko.

Bakit ba ako umiiyak ng ganito? Tsk! Crush ko lang naman si Rixx bakit ako umiiyak? Kainis.

Tok! Tok! Tok!

"Era okay ka lang ba?"

"O-opo" pinilit kong sumagot ng maayos para hindi mahalata ni Tita na umiiyak ako.

Hindi na ulit nagsalita si Tita siguro umalis na sya. "Era!"
Akala ko umalis na si Tita yun pala pumasok na sya.

"Tita bakit ganun? Bakit ganun kasakit nung malaman kong sila na pala ni Annica?" umupo na ako sa kama ko. Tumabi sakin si Tita.

"Isa lang ang ibig sabihin nyan Era!" sandali syang tumigil "Mahal mo si Rixx!" nagulat ako sa sinabi ni tita


Rixx's POV

Nang paalis na kami ni Annica sa bahay nila Era parang gusto kong magpaiwan.
Aish! Ewan ko ba namiss ko atah si Era.
"Rixx!" tawag sakin ni Annica

Nakasakay na pala sa kotse si Annica.
Sumakay na din ako sa kotse at pinaandar ko na ito.

Naalala ko yung reaksyon ni Era kanina nung nalaman nyang kami na ni Annica.
Para bang nalungkot sya at pinipilit nya lang na ngumiti.

Aish! Bakit ba parang affected ako sa reaksyon ni Era?
Paulit ulit na pumasok yun sa utak ko urgh!

Hininto ko muna sa tabi ng kalsada yung kotse.
"Bakit dito tayo tumigil?" tanong ni Annica

Napasuntok na lang ako sa manibela. "Rixx ano bang nangyayare sayo?"
Hindi ako umimik at pinaandar ko na ulit yung sasakyan.

Andito na kami ngayon sa bahay ni Kyler. Bumaba na si Annica sa sasakyan at sumalubong dito si Brianna.
"Ate Annica bute napadalaw ka!" sabi ni Brianna

Lumabas na ako sa koste. "Hija napadalaw ka!" bigla naman lumabas yung mommy ni Kyler.

"May iaabot lang po sana kami!" sabi ni Annica tapos inabot na nya yung invitation

"Salamat hija! Pasok muna kayo!" pumasok na kami sa loob

Pumasok na kami sa bahay nila Kyler, nakita ko si Kyler pababa ng hagdan.
Nang mapansin nya kami ni Annica sandali syang natigilan.
"May bisita ka!" sabi ng mommy ni Kyler at binigay nito kay Kyler yung invitation card tapos umalis na ito

"A-anung ginagawa nyo dito?" halata sa boses nya ang pagkagulat

"Ahh napadaan lang kami, ibibigay lang yan!" sabi ko sabay turo sa invitation card

"R-Rixx tara na a-alis na tayo!" sabi ni Annica

"Bakit may problema ba?" tanong ko kay Annica umiling lang sya.

"Sige hatid mo na si Annica sa kanila baka masama yung pakiramdam nya!" sabi ni Kyler

"Salamat! Alis na kami!" sabi ko at umalis na kami.

Habang nasa biyahe kami ni Annica tahimik lang sya. "Bakit ang tahimik mo?"
Hindi sya umimik.

"Annica may problema ba kayo ni Kyler?"
Hindi ulit sya umimik, itinigil ko muna yung sasakyan at tumingin ako kay Annica.

"Annica!" tawag ko sa kanya dahil nakatulala ito.

"B-bakit?" natauhan na si Annica

"May problema ba?"

"Ahh ano-- ano wala toh! Pwede bang wag muna tayong umuwi? Mamasyal naman tayo kahit saglit lang!" sabi nya

Pumayag naman ako at pumunta na lang kami sa mall.
Habang naglalakad kami nakayuko lang sya at tahimik.

"Annica sabihin mo sakin may problema ba?" napatigil sya sa paglalakad at tumingin lang sya sakin.

"Annica please tell me, may problema ba?"

"R-Rixx---"

"Annica! Rixx!" sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan namin.

"Ohh Yass mag-isa ka lang?" tanong ko ng makalapit sya samin.

"Oo ehh!" sagot nya

"Bakit hindi ka na lang sumama samin!?"

"Naku nakakahiya nagdedate atah kayo ni Annica baka abala pa ako sa inyo!"

"Ayos lang samin ni Annica yun! Diba Annica?"
Tumango lang si Annica

Pumayag na din si Yass dahil ayaw naman daw nyang namamasyal ng mag-isa lang.
"Bakit hindi mo subukang tawagan si Kyler para may kadate ka din?" sabi ko kay Yass

Napansin ko namang napayuko si Annica habang naglalakad kami
"Ahh papunta na sya dito haha kanina ko pa kasi sya tinext!"

"Ahhh!"

Naglakad lakad lang kami dahil ayaw naman daw kumain ni Annica at ayaw nyang bumili ng kung ano-ano.
"Ohh there he is! Kyler!" nakita ko sa di kalayuan si Kyler

Tumakbo na sya agad ng makita nya kami. "Kanina ka pa ba naghihintay Yass?" tanong ni Kyler

"Hmm! Di naman!" sabi ni Yass habang umiiling

"Tara kain tayo guys my treat!" pag-aakit ni Yass

Bago sumagot si Kyler napatingin sya samin ni Annica, hawak ko kasi yung kamay ni Annica. "Okay!" sabi nito sabay ngumiti

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon