Chapter 118: Yass' wedding

1.6K 41 0
                                    

Annica's POV
A.K.A Jayrisse

***************

Tila isang dalaga ang nananakbo paalis ng bahay nila makatakas lang sa kanyang baliw na ina at yun ay si Jayrisse.

Hanggang sa mapadpad sya sa gubat at hindi nya inaasahang isang eroplano ang babagsak.

* . . BOOOOOGSSHHH . . *

Halos tumalsik si Jayrisse ng bumagsak ang eroplano.

"Tulong! Tulong! Tulong!"
Isang boses ng dalaga na nanghihina ang nagmumula sa eroplano ang tila humihingi ng tulong kaya naman kahit may iniindang sakit si Jayrisse ay pinilit nyang pumasok sa wasak na eroplano.

"Miss okay ka lang ba?"

"Tulong!" nanghihina nitong saad

Nang makita na ni Jayrisse ang dalaga ay agad nya itong tinulungan ngunit nahirapan sila dahil naipit ang kaliwa nitong binti.
"Miss wag kang matakot tutulungan kita, andito lang ako!"

Ilang sandali pa at nakaalis na sila.
"Miss dyan ka na muna mukang may mga taong buhay pa doon!" tumango naman ang dalaga

Bumalik si Jayrisse sa eroplano upang tulungan pa ang ibang pasehero ngunit hindi nya inaasahang sasabog pala ang eroplano.

Sa kabilang banda kung saan naiwan ang dalaga laking gulat nya ng sumabog ang eroplano.
Wala itong nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak at pinilit nyang makalayo sa eroplanong sumabog hanggang sa nanghina na syang tuluyan.

"Hija! Hija Diyos ko kaawa awang bata!" pinilit iminulat ng dalaga ang mata at nakita nya ang isang babaeng may edad na.

"Tulo--" hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil tuluyan na itong nawalan ng malay

**************

"Jayrisse okay ka lang ba?" narinig kong tanong ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho

Tumango lamang ako.
"Tawagin ko lang si Aling Inday!" at naramdaman kong umalis na ito

Hindi ako si Jayrisse, kailangan kong makaalis dito.
Tumayo ako mula sa hinihigaan ko at pilit kinakapa ang palabas ng kwarto.

* . . BOOGSH . . *

"S-sorry po ma'am hindi ko sinasadya sorry!"

"Annica" ang boses na ito pamilyar sa akin

Nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Annica okay ka lang ba?"

"Y-Yass?"

"Annica naalala mo na ako? Kilala mo ako?" naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin kasabay din ng pagtulo ng mga luha ko.

"Annica I'm so sorry kung hindi dahil sakin hindi ka nagkaganito!" sabi ni Yass at bumitaw na ito sa pagkakayakap sakin.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya alam kong umiiyak sya.



Yass's POV

Ilang linggo na ang nakalipas at nakabalik na sa Manila si Annica.
Nahirapan pa kaming bawiin si Annica kay Aling Inday dahil matagal na palang may sira ang pag-iisip nito.

Nalaman din naming kaya pala naglayas ang anak nitong si Jayrisse noon ay dahil sakal na sakal na ang anak nito at lagi nya itong ikinukulong sa bahay.
Nasa mental hospital na din ngayon si Aling Inday at ipinangako naman ng parents ni Annica kay Aling Inday na nasa magandang libingan ang anak nito.

At lagi nila itong bibisitahin dahil utang din nila ang buhay ni Annica kay Jayrisse.

At ngayon ready na ako para sa kasal namin ni Dylhan.
"Wow ang ganda naman ng bride namin!" sabi ni Kaye

"Hahaha salamat Kaye!"

"Alam mo Yass kahit na hindi ko nakikita ang itsura mo ngayon alam kong sobrang ganda mo ngayon!" sabi ni Annica

"Hahaha halika nga dito Annica!" at lumapit naman sya medyo malapit lang naman ako sa kanya kaya hindi sya nahirapang lumapit sakin.

Nang makalapit na sya agad ko syang niyakap.
"Salamat Annica, alam mo ikaw yung the BEST bestfriend ko kasi andami kong nagawa sayong hindi maganda pero andyan ka pa din para sakin!" naramdaman kong tumutulo na yung luha ko

"Shh! Hindi man kita nakikita pero alam kong naiyak ka, haha wag ka ng umiyak sayang yung make up!" sabi ni Annica habang magkayakap pa din kami.

"Okay na ba ang bride? Pupunta na tayo sa simbahan naghihintay na ang groom!" sabi ni mommy

Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Annica at lumapit kay mommy
"You're so beautiful anak! Dati sanggol ka palang tapos ngayon haharap ka na sa altar kasama ang mapapangasawa mo!" mangiyak ngiyak na sabi ni mommy

"Mommy naman ehh! Pinapaiyak nyo ako sayang daw yung make up sabi ni Annica"

At yun nga sumakay na kami sa sasakyan ko kasama si mommy at daddy.

Si Annica nga pala yung maid of honor ko, nung una ayaw nya dahil baka mahirapan sya kase hindi daw sya nakakakita pero pinilit ko at sinabi kong ako ang bahala sa kanya.

Nang makarating na kami sa simbahan nag-umpisa na ang kasal.
Naiyak na din sila mommy at syempre yung groom ko hahaha ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Dylhan.

-O- -O- -O- -O-

"And now kiss the bride!"

"Sa wakas dumating din ang pinakahihintay ko!" bulong ni Dylhan na ikinatawa ko then we kiss.

"Whoooo! Isa pang kiss!" sigaw ni Micz

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon