Chapter 47: First date

1.5K 50 0
                                    

Tracy's POV

Pagkahatid namin ni Yasha kay Era sa school nya hindi na kami dumaretso sa school. Hahaha andito kami ngayon sa park malapit sa school ni Era.

"Oy Tracy bili mo naman ako ng dirty ice cream please!" sabay turo nya dun sa mamang nagtitinda ng ice cream.

"Huh? Bat gusto mo nun? Dirty nga diba? Edi madumi yun iba na lang bilin natin!" sabi mo kay Yasha

"Tungek! Hindi naman sya totally madumi kaya lang tinawag na dirty ice cream kase--------"

"Oo na bibili na ako!" pagputol ko sa sinasabi nya.

Bumili na ako ng ice cream dun sa mama at inabot ko yun kay Yasha. "Ohh masaya ka na?"

"Hahaha hindi!" ^____^ sagot nya

"Bakit naman? Kulang pa ba yan?"

"Oo kulang pa pero makukumpleto KUNG!" sabay pahid nya ng ice cream sa muka ko.

"Wahahahaha ayan masaya na ako" dugtong nya pa.

"Ahhh yan pala gusto mo huh?" hinabol ko sya para pahidan din sya ng ice cream ko. Mabilis namang nakatakbo si Yasha

"Mga bata tingnan nyo si kuya pogi hinahabol yung diwata nyo!" sabi ni Yasha dun sa mga batang naglalaro ng water gun. Hahaha loka loka talaga tong babaeng toh :D

** SPLASH * Sounds po yan ng water gun. -____- Binasa lang naman kasi ako ng mga bata.

"Wahahahaha muka kang basang sisiw Tracy" pang-aasar ni Yasha pagkatapos namin makipaglaro sa mga bata. Hahaha ang saya talaga kasama ni Yasha.

Ngayon ko lang naranasan ang ganitong saya hahaha :D Oo minsan masaya ako pero parang iba yung ngayon. Yung sumaya akong kasama si Yasha.
Para bang yung saya ko parang inlove haha XD H-hindi kaya inlove na ako kay Yasha? Aish. Bat hindi ko ba maamin na mahal ko na si Yasha? Ang bading ko.

"Uy! Tracy nakikinig ka ba?"

"Ha? Ano ulit yun?"

"Sabi ko bili tayo ng ihaw ihaw!" sabi nya sabay hinigit nya ako sa ihawan.

"Ate pabili nga pong limang isaw at limang dugo!" sabi ni Yasha dun sa tindera ng makalapit na kami.

Ayun nag-umpisa ng mag-ihaw yung tindera ng...ano nga bang tawag dun? Basta yung mukang bulate na nasa stick at yung dalawang square na nasa stick din na kulay brown.

Natapos ng ihawin nung tindera yung pinaluto ni Yasha tapos binayaran ko na rin. "Gusto mo?" tanong ni Yasha

"Ha? Ah eh h-hindi busog pa ako ih!" palusot ko ang totoo nyan hindi ako nakain nyan >___<

"Sush! Ang shabihin mo hindi ka nakaen netoh!" sabi ni Yasha habang may laman pa yung bibig nya.

Magsasalita sana ako ng subuan nya ako nung square na kulay brown. "Masarap diba?" tuwang tuwa nyang tanong.

"Yasha naman dapat sinabihan mo na lang ako!" pagmamaktol ko

"Tsk! Muka kang bata, ohh kumain ka na lang" sabay abot nya ng bulateng nasa stick

Hmm. Masarap naman pala hahaha kung titingnan mo kasi parang nakakadiri XD

"Hmm. Yasha ang saya ko ngayon kase feeling ko eto yung first date nating dalawa!"

"F-first date?"

"Huh? I-I mean... hayst! Siguro sakin first date natin toh, okay lang ba sayo?"

"Ha? Oo naman ganun din naman ako ehh, feeling ko first date natin toh!" sagot ni Yasha at wala ng nag-imikan samin

Pagtapos din namin kumain umuwi na kami, dahil basa pa din yung damit namin.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon