Chapter 55: Masquerade ball

1.4K 50 1
                                    

Yasha's POV

Kinakabahan ako ewan ko ba kung bakit?
Hayst. Nandito kami nila Annica sa bahay ni Era dahil inaayusan namin sya haha :D

Nung una ayaw nyang umattend dahil wala daw syang susuotin
At dahil kaibigan namin sya kami na ang sumagot sa kailangan nya. Nung una ayaw din nya dahil nahihiya sya pero pumayag din naman agad sya.

"Ohh Yasha bakit parang kinakabahan ka?" tanong ni Kaye habang inaayusan si Era

"Ahh--ehh w-wala toh hehehe!" sagot ko

"Nga pala Annica wala ka bang balak na magcontact lense na lang?" tanong ko kay Annica

"Bakit bagay naman sakin yung salamin ko ahh!" sabi ni Annica

"Anung bagay? Hindi kaya! Saka pano ka makakapagmaskara ehh nakasalamin ka!" react ni Kaye haha :D

"Magcontact lense ka na lang! Alam ko may dala kang contact lense Annica" sabi ko

"Tsk! Dun muna ako sa kotse!" pakikisabat ni Yass

Hanggang ngayon hindi pa rin pinapansin ni Yass si Annica
God! Hindi ko na carry itey! Miski si Kaye di na kaya yung nangyayari sa dalawa,
Wala naman kaming maisip na paraan para magbati sila dahil hindi namin alam yung dahilan kung bakit sila ganyan.

Kahit anong tanong ko naman kay Annica hindi nya sinasagot. "Okay! ingat! Labya!" sabi ni Kaye

Inilabas na ni Annica yung contact lense nya at tinanggal na yung salamin nya.

"Ako na maglalagay sayo!" sabi ko

Hinayaan na ako ni Annica na maglagay ng contact lense sa mata nya dahil alam nyang hindi nya mailalagay yun kasi malabo yung mata nya.
Hindi naman gaanong halata na nakacontact lense si Annica dahil kakulay lang naman ng mata nya yung contact lense nya, medyo brown kasi yung mata nya.

"Yan bumalik na ang dating Annica na hindi nakanerdy glass haha!" sabi ko pagkatapos ilagay yung contact lense

"Guys! Tingnan nyo naman si Era ang ganda nya diba? Magugustuhan na sya ni Rixx!" sabi ni Kaye

"Opps! Sorry!" dugtong pa ni Kaye sabay napatingin kay Annica

"Ayos lang wala namang kami diba?" masayang tanong ni Annica

Tama! Wala namang sila bakit magpapaapektado sya? Saka isa pa mahal ba nya si Rixx?
Teka bakit ngayon ko lang naisip yan? Mahal nga ba ni Annica si Rixx?

"Whoa! Era lalo palang nalabas ang ganda mo pagnakaayos ka!" pang-aasar ko

Lumabas na kami ng bahay syempre nagpaalam muna kami sa tita ni Era na aalis na kami,
Haha masyado namang bastos pagbasta na lang namin ninakaw si Era XD

Andito na kami sa ABC Hotel dito kasi yung venue syempre bago kami lumabas ng kotse nagsuot na kami ng mask.
Habang naglalakad kami hindi maiwasan ng mga boys na tumingin samin haha kahit hindi pa nakikita yung muka XD Haha maganda naman talaga kami lakad palang :D
Hindi namin kasi sa nag-aassume ako sadyang totoo lang.

[N/A: Wala po kasi akong  maisip na name ng hotel XD]

Ayun agad naman kaming nakilala nila Tracy dahil sinabi namin kung anong kulay at kaeche bureche ng suot namin.
Nung nakita ko si Tracy ewan ko bigla na lang akong kanibahan hayst.

"You're so beautiful tonight!" bulong sakin ni Tracy

"Ngayon lang ba?" makapal kong tanong haha para mawala na rin yung kaba ko

"What I mean is ibang iba yung ganda mo ngayon kahit nakamask ka hahahaha!" loko talaga tong lalaking toh :D
Pero kinilig naman ako hahahaha *^_^*

So ayun naghanap kami ng table namin tapos umupo na kami. Madami dami na din yung nagsasayaw sa dance floor samantala kaming mga babae dito kulang nalang mapanis haha XD
Err. Gusto ko ng tanggalin yung mask ko para makita nila kung sino yung pinakamaganda sa gabing toh hahaha LOL.

"Guys! Kailan ba tatanggalin yung mask? Naiinip na ako?" pasigaw na tanong ni Kaye malakas kasi yung tugtog kaya kailangan sumigaw.

Haha di lang pala ako nag-iisa ditong naiinip XD
Yung mask namin half lang yung tipong mata lang ang natatakpan.

Wala ng umimik pa samin, konting oras na lang at malapit na namin tanggalin yung mask namin ng sabay sabay hindi pa din kami sinasayaw ng boys.

"PANIS NA AKO DITO WALA PA BANG SASAYAW SAKIN?" sigaw ni Kaye

Natawa naman kami hahaha :D Ano bang pakulo ng mga lalaki na toh at ayaw kaming isayaw?
Bigla naman namatay yung ilaw at tumigil yung tugtog, naramdaman kong may humigit sakin. "Hey! Sino ka? Bakit mo ako hinila?" hindi naman nagsasalita yung humigit sakin.

Teka patay ba toh? Ang lamig ng kamay ehh! Bigla syang tumigil sa paghigit sakin at binitawan nya ako.

Hindi naman ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil natatakot na kasi hindi pa din nagbubukas yung ilaw.

Yung ibang tao naman nagpapanic na, yung iba naman parang okay lang sa kanila.

"Guys! Andyan pa ba kayo? Natatakot na ako? " kahit alam kong muka na akong tanga dito sa gitna ng dilim sumisigaw pa din ako.

"Tracy? Annica? Yass? Guys! Wag naman kayong ganyan!"

Lalo akong natakot dahil yung kaninang mga taong napapanic hindi ko na nararamdaman na andito pa sila sa paligid ko.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon