Chapter 91: Regret

1.2K 42 0
                                    

Yass's POV

Andito ako ngayon sa simbahan kung saan gaganapin yung kasal ni Ate Hazel at Kuya Kate.

Siguro nagtataka kayo kung paano ako nakaattend sa kabila ng sitwasyon naming lahat ngayon.
Nakiusap kasi sa text si Annica na kahit ngayon lang ipakita naman namin kila Kuya Kate at Ate Hazel na maayos kaming lahat.

Inaasahan din kasi kaming lahat nila Kuya Kate at Ate Hazel ngayong kasal nila kaya napilitan na din kami.
Nalaman ko din na alam nila Kuya Kate at Ate Hazel yung tungkol sa ginawa ko kay Annica maliban nalang yung sitwasyon namin ngayon.
Pagnakikita ko tuloy ngayon sila Kuya Kate at Ate Hazel parang gusto kong wag na lang magpakita sa kanila dahil nahihiya ako.

Nag-uumpisa na yung ceremony, syempre nauna yung groom tapos sumunod naman yung mga bata yung little brides maid at iba pa.

Tapos sabay naman kaming naglakad ni Dylhan kami kasi yung partner, naiilang ako pati si Dylhan mukang naiilang din.

Nang nakapunta na ako sa uupuan ko madami pang iba ang naglakad at nung sila Annica at Kyler na bakas sa muka nila ang pagkailang.
Nakatitig lang ako sa kanila at ngayon ko lang narealize na sobrang bagay sila, nakaramdam tuloy ako ng pagkaiinis sa sarili ko.

Inilayo ko yung kaibigan ko sa lalaking nagmamahal sa kanya ng totoo, ngayon ko lang naisip na nasaktan ko pala sya.
Sumunod naman kila Annica si Ate Hazel habang naglalakad sya, daretso lang ang tingin ko sa kay Ate Hazel.

Nakikita ko sa mga mata nya ang pagkatuwa at kitang kita ko sa mga mata nya na mahal na mahal nya talaga si Kuya Kate.

Pagtapos nun nagmisa pa yung pare tapos kung ano ano pang nangyare at naiyak nga ako dun sa sumpaan nila Kuya Kate at Ate Hazel.

Dun sa sumpaan nila narealize ko na kailangan ko ng pakawalan si Kyler, si Annica naman talaga ang totoong mahal nya ihh.
At alam kong hindi lang si Kyler ang lalake sa mundo, kaya ng kong maghintay kung sinong lalaking totoong mamahalin ako.

Natapos na yung misa tapos pumunta na kami sa reception. As usual hindi kami nagpapansinan este hindi nila ako pinapansin AS IN ako lang.
Ay! Hindi pala si Annica, Rixx at Kyler hindi din nagpapansinan pero kinakausap naman nila sila Kaye.

Except sakin ni isa sa kanila wala akong makausap, tanggap ko naman ako rin naman kasi yung may kasalanan.
Naghanap ako ng table ko at kumain na tapos maya maya lang pinapunta sa gitna lahat ng babae para gawin yung bulaklak ni Ate Hazel.

1 2 3 GO... Hindi ko sana sasaluhin yung bulaklak pero sadyang sakin babagsak kaya napilitan akong saluhin yun.

Lumapit sakin si Ate Hazel pagkasambot ko nung bulaklak.
"Hahaha akalain mo yun pa yung nakasambot, good luck na lang kung sinong destiny mo!" sabay kindat ni ate Hazel at umalis na..

Sumunod naman yung mga lalake pero bago yun kinuha muna ni Kuya Kate kay Ate Hazel yung sasaluhin nung mga boys.
Nung una nahihiya pa si Ate Hazel kasi kailangang iangat pang mabuti yung gown ni Ate Hazel para lang makuha yun.

"Wait lang boys! Pagnasalo nyo na toh wag na wag nyong subukang amoyin yan dahil baka kung anong mangyari sa inyo!" sabi ni Kuya Kate ng pabiro bago ihagis yun.

Nagtawanan lang yung mga lalaki, siguro alam nyo naman yung tinutukoy ko diba?
And yun nga may nakasalo na pero hindi ko makita kung sino yung nasalo kasi nasa gitna sya ng mga boys.

Tapos maya maya lang lumabas na sa gitna ng kumpulan yung nakasambot.
S-si Dylhan?



Dylhan's POV

Last day na ng mga girls dito sa Nerd Academy pero hindi sila nag-iimikan este mukang may problema pa din sila kay Yass.
Nakakapanibago lang tapos si Rixx ilang araw nang hindi pumasok

*sigh* napabuntong hininga na lang ako.

Andito ako ngayon sa garden nakaupo habang nagmumuni muni lang ng biglang dumating si Micz at tumabi sakin.

"Napapabuntong hininga ka dyan?" tanong ni Micz

"Ahh wala, ang bilis ng araw noh? Parang noon pa lang natin sila nakilala tapos ngayon puro problema na!"

"Alam mo insan wag mo kasing problemahin yan, ano bang pinoproblema mo? Yun bang hindi ka pa nagkaka girlfriend? Gusto mo ihanap kita!"

"Gago hindi noh! Wala naman akong pinoproblema yun lang nakakalungkot kasi-----"

"Kase hindi ka pa nagkaka-gf!"

"Konti na lang mauupakan na kita!" sabi ko

"Chilax insan! Hahaha ehh bakit nga ba kasi hindi ka pa nagkaka-gf?"

"Tsk! Ang yabang mo lumayas ka nga dito!"

"Anong mayabang dun? Nagtatanong lang naman!"

"P*ta lumayas ka na lang!" pagkasabi ko nun umalis na sya

Malapit na nga pala yung graduation namin. Maya maya napansin kong tumabi sakin si Yass.

"Dylhan!" hindi ko sya pinansin

"Dylhan may problema ba tayo? Sabihin mo naman sakin ohh!" nagkunwari akong walang naririnig.

Nagsimula akong maging cold sa kanya simula nung malaman kong nililigawan ni Kyler si Yass.
Hindi naman ako nagalit kay Kyler nung nalaman ko yun, tinanggap ko na lang ang katotohanan kesa naman sa magalit ako.

At ang dahilan naman ng pag-iwas ko kay Yass para na din hindi maging mas malalim yung nararamdaman ko sa kanya.
"Dylhan alam mo ba nung naggalit sakin si Yasha nagsisi ako nun at narealize ko na mali yung ginawa ko!"

"Gusto kong magsorry sa kanila pero *sob* walang akong lakas *sob* ng loob kasi nahihiya ako sa kabila ng ginawa ko sa kanila!"

Napatingin na ako kay Yass dahil umiiyak na sya.
"Dylhan ang sakit lang kasi *sob* feeling ko wala na akong kakampi!" daretso pa din yung luha

"Y-Yass!" tawag ko sa kanya

"Dylhan nahihiya ako kay Annica *sob* kasi sa kabila ng ginawa ko sa kanya *sob* hindi sya nagalit sakin!"

"Wala akong kwentang kaibigan!" dugtong pa nya

Pinagpapalo na nya yung hita hayst.
Hinawakan ko naman yung kamay nya para pigilan sya.

"Yass wala kang kasalanan nagmahal ka lang din naman!"

Nalaman ko yung totoo kay Yasha at si Kaye hindi na galit kay Annica simula nung malaman ang totoo.
Pero may konting tampo si Kaye kay Yass.

"Hindi Dylhan tanga ako! Wala akong kwentang kaibigan!"
Sa ngayon feeling ko walang kakampi si Yass.

"Wal-----" hindi na nya natuloy yung sasabihin nya dahil niyakap ko sya at lalo syang humagulgol.

"Yass tandaan mo andito lang ako lagi!"

"Dylhan sorry! HUHUHUHUHUHUHU!"

"Shhhh!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon