Chapter 67: Yass' Plan

1.3K 46 0
                                    

Yass' POV

"Cassandra Annica Barbie, pwede ba kitang maging more than bestfriends?"
Pagkasabi ni Kyler nun umalis na ako sa kinatatayuan ko.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggangnsa di ko namalayan na lumuluha na pala ako.

Sobrang sakit! Sobrang sakit na makita mong ang mahal ng taong minamahal mo ay yung kaibigan mo :'(
Andito na ako sa terrace nila Era pero sarado yung pinto kaya hindi ako makapasok sa loob.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapansin kong may padating na tao.
Agad kong pinunasan yung luha ko.

"Ohh bakit andyan ka sa labas?" tanong ni Era

"Ahh ano? Ano nasa basketball court sila ehh!" sagot ko

"Teka umiyak ka ba? Mukang pugto yung mata mo ahh!" sabi ni Rixx

"Ahh wala toh! Kakauwi nyo lang ba?"

"Ahh oo ehh!" sagot ni Rixx

Tamang tama! Hindi nya kailangan malaman ang tungkol kay Annica at Kyler. Uumpisahan ko na yung plano ko, alam ko namang mahal pa ni Rixx si Annica kaya itutuloy ko na yung plano ko.

"Ahh tara sunod tayo sa court mukang nagkakasiyahan dun ihh!" pag-aakit ni Rixx.

Sakto namang nakita kong may dala silang isang supot.

"Teka lang ano yang dala nyo? Mukang masarap yan ahh! Tara kainin natin sa loob nagugutom na ako ehh!" palusot ko kay Rixx para hindi kami pumunta sa court.

Dahil pagpumunta sya sa court malalaman nya yung tungkol kila Annica at baka masira yung plano ko.
Pumasok na kami sa loob at kumain na lang.

May napansin akong isang box at hindi pa namin nagagalaw yun.

"Ano yung isang box na yun?"

"Ahh eto kay Annica!" sabi ni Rixx

Hindi na ako umimik at kumain na lang kami. Pagkatapos naman namin kumain nilibang ko sa panonood ng tv yung dalawa para mapigilan ko silang pumunta sa court.

Habang nanonood kami hindi ko mapigilang maalala yung nangyari kanina.

Kyler bakit si Annica pa? Bakit hindi na lang ako? Aish! Nagluluha na naman yung mata ko, agad ko itong pinunasan para hindi mapansin nung dalawa.

"Ayos ka lang ba? Kanina pa namin napapansin na punas ka ng punas sa mata mo!" sabi ni Era

"Ahh okay lang ako, siguro naluluha lang ako dahil sa pagtitig dun sa tv masakit kasi sa mata!" palusot ko

Nanood lang kami hanggang sa marinig ko yung ingay na paparating na sila Kyler.

Ayun dumating na sila, Kamusta naman? Mukang masaya sila tss!

"Andito ka lang pala Yass, bakit bigla kang nawala?" tanong ni Dylhan

"Ahh ano? Ano bigla kasi akong nagutom!" palusot ko sa kanila

Sila Yasha naman dumaretso na sa kwarto para matulog na siguro.
Siguro napagod na din.
Sila Kyler naman kumain muna at natulog na din.

Kinabahan ako nung dumating sila dahil ang akala ko ibabalita nila kay Rixx at Era na sila na ni Annica. Pero buti na lang at hindi siguro nakalimutan nila dahil sa pagod na sila. Pagkatapos kong manood natulog na ako.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon