Chapter 110: Magtulungan tayo!

1.1K 37 0
                                    

Micz's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw. Sa pagkakaalam ko may kurtina yung bintana ng kwarto kaya prosibleng pumasok pa yung sikat ng araw sa kwarto ko.

Minulat ko yung mata hayst may nag-alis naman pala. "Yaya ibalik nyo na yung kurtina natutulog pa ako ihh!" at pumikit na ulit

"Hoy kailan mo pa ako naging katulong?"

"Yaya parang bumata yung boses mo haha bagay sayo!" sabi ko habang nakapikit

"Naman ihh! Micz hindi ako yung yaya mo bumangon ka na kasi dyan!"

"Yaya please wag muna ngayon, mangangarap na lang kayo sa tulog nyo pa sasabihin!" sabi ko ulit ng nakapikit

"MICHAEL BRICZ ENRIQUEZ PAGHINDI KA BUMANGON ISUSUMBONG KITA KAY KAYE!" napabangon ako bigla

"Hayst! Ano ba kasi yun ya--- Jane? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng mapagtanto kong si Jane pala iyon.

"Sa wakas at nagising din ang tulog mantikang toh! Magbihis ka na dyan dali may pupuntahan tayo!" sabi ni Jane

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko

"Bilisan mo na dyan bumangon ka na!" sabi ni Jane

"Hayst! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko ihh!"

"Kailangan sagutin ko pa? Basta bilisan mo na lang!" at lumabas na ito ng kwarto ko

Dali dali na akong naligo, nagtooth brush at nagbihis kahit wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Jane.
Paglabas ko ng kwarto hinanap ko na si Jane.

"Jane!" Asan na ba yung babaeng yun?

"Jane!" tawag ko pa

"BULAGA!"

"AY WHITE LADY-ING TUKO!"

"Hmp! Kailan pa ako naging white lady na tuko?" masungit na tanong ni Jane

"Ehh saan ka ba kasi sulok ng bahay na toh nanggaling?"

"Hmp! Basta tara dali!"

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa mall mamasyal!"

"Hayst! Ang childish mo talaga kahit kailan, sa boyfriend mo na lang ikaw makipagdate!" sabi ko

"Yun nga ehh wala sya dito hindi sya kasama sa pag-uwi ko dito! At ibibili ko sya ng mga gamit kaya samahan mo ako at since lalake ka alam mo naman siguro yung gusto ng mga lalake noh!"

"Tsk! Magboboyfriend ka di mo alam yung mga gusto ng lalake!"

"Syempre babae ako ihh! Andami mong satsat tara na lang kasi!"

-O- -O- -O- -O- -O-

"Maganda ba toh? Eto ba gusto nyo bang mga lalake toh?"

"Hayst. Bakit hindi mo kasi itanong sa boyfriend mo kung anong gusto nya?"

"Ehh bakit ba kasi hindi mo na lang ako tulungan?"

"Nagugutom na ako pakainin mo muna ako bago kita tulungan!"

"FINE HMP!"

Kumain na kami sa chowking at ng matapos nagpatuloy na ulit kami.
"Bakit mo ba kasi binibilhan ng gamti yung boyfriend mo? Muka naman syang mayaman!" sabi ko

"Hmm wala lang haha! Pake mo ba? Saka kung naiinggit ka ibili mo din si Kaye!"

"Hindi nya na kailangan nun madami na akong nabibigay sa kanya!"

"Yun naman pala ehh tulungan mo na lang ako!"

"Tutulungan kita pero tutulungan mo din ako!"

"Ohh sige ba, anong matutulong ko sayo?"

"Tulungan mo akong mapasagot si Kaye!"

"Ha? Bakit hindi pa ba kayo nagkakabalikan? Akala ko okay na kayo?"

"Okay na kami pero sa ngayon nililigawan ko sya!"

"Tsk! Manliligaw ka di mo alam kung pano mapasagot ang babae, tanga mo din ehh!"

"Ikaw nga magboboyfriend di naman alam yung gusto ng mga lalake!"

"Hmp! Inulit mo lang yung kanina, tara tulungan mo na ako tutulungan din kita swear!"

"Okay!"

"Magtulungan tayo hihi!"

Hayst. Ang childish talaga mabuti na lang at si Kaye na ang mahal ko.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon