Chapter 41: Mahal ko?

1.4K 46 0
                                    

Yasha's POV

Iyak lang ng iyak si Annica, tinatanong namin ni Kaye kung anung nangyari pero di sya sumasagot.

"Annica, please sabihin mo samin ang nangyare!"

Bigla na lang sya yumakap sakin.

"B-bestfriends *sob* tayo *sob* diba?" tanong nya habang nakayakap sakin.

"Sshhhh! Bakit mo naman tinatanong yan? Syempre oo, parang magkakapatid na nga tayo diba?" Di na sya umimik.

Iyak lang sya ng iyak. Sinenyasan ko si Kaye na tawagan yung mga boys. Maya maya dumating na sila Tracy.

"Bakit umiiyak yung bata ko?" tanong sakin ni Kyler

Si Annica nakayakap pa din sya sakin.
Sinabi nalang ni Kaye kila Tracy kung anong nadatnan namin kanina.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Annica sa balikat ko.

"Ahhmm. Pwede bang pakitanggal na si Annica? Nangangalay na ako ih!"

Kanina pa kasi kami nakatayo at kanina pa nakasubsob si Annica sa balikat ko.

"Ako na magbubuhat!" sabay sabay na sabi nila Hurry, Kyler at Rixx

"Opps! Di naman mabigat si Annica kaya di na kailangan ng tatlong taga buhat" sabi ni Kaye

"Ako na malakas ako!" sabi ni Rixx

"Ako na baka di mo kayanin si Annica!" sabi ni Hurry

Sinenyasan ko si Kyler na sya nalang ang magbuhat mas mapapatagal pagnagtalo talo pa ih.
Tinanggal na ni Kyler yung salamin ni Annica tapos binuhat na ni Kyler si Annica.

"Ako na bahala magpaalam sa mga subject teacher! Hatid mo nalang sya sakanila. May kotse ka naman diba? Saka ikaw na bahala magpalusot sa guard" sabi ko

"Teka bakit si Kyler?" sabay na tanong ni Rixx at Hurry
Di ko na lang sila pinansin.

"Tara na guys!" sabi ko

Pumunta lang kami sa room at nalaman kong wala palang teacher.

"Oy! Tracy!" tawag ko sakanya

"Bakit?"

"Wala lang!"

"Namiss mo ako no!" sabi nya

"Tsk! Kapal ng pes mo!" pakikisabat ni Cristine remember sya yung bading naming classmate

"Hahahaha" sabi ko

"Wag ka nga dito bakla di ikaw kausap ko, yung mahal ko kausap ko!" sabi ni Tracy Napatigl ako sa tawa.

"A-ano?"

"W-wala!" tapos yumuko sya

"Ay! Girl haba ng hair mo haha" si Cristine

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon