Chapter 74: It's over!

1.3K 49 0
                                    

Kaye's POV

Andito ako ngayon sa gym, ngayon na gaganapin yung pagtutog ng banda nila Alex ang Slay-Z band.
Ayun mag-isa na naman ako :(

"Uy! Lalim ng iniisip natin ahh!" si Alex lang pala

"Uhhm! Di naman, teka ano bang oras ng tugtog nyo? Kanina pa ako dito naiinip na ako!" pag-iiba ko ng topic

Tumingin sya sa wrist watch nya.

"Ugh sige alis na ako 5 minutes na lang pala tutugtog na kami haha bye!" sabi nya tapos umalis na sya

Nako naman! Akala ko hindi na ako mag-iisa tsk! Maya maya lang nag-umpisa na ang Slay-Z band.
Bmm. Maganda pala boses ni Alex haha akala ko kasi guitarist lang sya yun pala sya yung vocalist XD

Madaming nanonood ngayon syempre karamihan babae. "KKKYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! WE LOVE YOU SLAY-Z BAND!!" sigawan ng mga babaeng mukang ewan tsk!

Halos madami dami na din ang nakakanta nila, haha di ba napapaos tong si Alex? :D

"Uhhmm! Hello this song is dedicated to Eris Kaye Twayllem, Kaye pakinggan mo tong kanta ko para sayo!" sabi ni Alex ng nakatingin sakin.

Bigla namang may spot light na tumapat sakin kaya lahat ng tao nagtinginan sakin.
Err. Naiilang ako na kinikilig hahaha XD

NP:Halaga By Parokya ni Edgar

'Umiiyak ka na naman
Langya talaga wala ka bang ibang alam Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa'

'Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman'

Nakitingin lang ako sa kanya ng daretso
Bakit naman yung kanta yan ang napili nya?

'Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka'

Ewan ko ba iba yung nararamdaman ko ngayon habang kumakanta sya. Parang-- tagos sa puso ko :(

'Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y magkasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang alam ang iyong tunay na halaga'

Lumapit sya sakin pero patuloy pa din sya sa pagkanta. Hinawakan nya yung kamay ko tapos hinigit na nya ako papunta sa harapan.
Daretso pa din yung tingin ko sa kanya. What's that feeling?

'Hindi na dapat pag-usapan pa
Napapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig'

'Sa mga payo kong di mo pinapansin
Ako mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya'

Ngayon nakatingin na ako dun sa kamay kong hawak nya.
Yung ibang tao nasabay na sa kanta ni Alex.

'Ang dami dami naman dyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo'

'Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang alam ang iyong tunay na halaga'

'Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagtitripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko'

"A-Alex?" Napatingin lang sya sakin tapos nginitian nya ako.

Bakit parang feeling ko-- ah ewan -___-

'Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y magkasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang alam ang iyong tunay na halaga'

Natapos na yung kanta ni Alex pero hawak pa din nya kamay ko.

"Kaye!" humarap na sya sakin.

Pawis pawisan na sya pero ang hot pa din nya at ang bango.

Ay! Erase erase, ano ba yan?
"Alex?"

"Nagustuhan mo ba yung kinanta ko para sayo?" tanong nya

Tumango ako na lang ako dahil talagang hindi ko pa kayang magsalita ng daretso.
Aish! Ano bang nangyayari sakin?

Naririnig ko naman yung ibang babae na nagbubulungan. Yung iba sinasabi hindi kami bagay tapos yung iba naman kinikilig dahil bagay daw kami.

"Pasensya na kung dito ko lang dinaan yung nararamdaman ko sayo! Nahihiya kasi akong magtapat sayo!" sabi nya

"What do you mean?" sa wakas nakapagsalita din

"Alam kong may mahal kang iba Kaye, pero sana malaman mo na mahal kita! Oo alam ko ngayon mo lang ako nakilala pero sabihin mo mang corny yung sasabihin ko, Pero nung nakita kitang naglalaro noong sports fest may weird na akong nararamdaman at lumala yung nung lagi na kitang nakikita!"

Yung mga tao seryoso lang sa pakikinig kay Alex. Kaya pala iba yung feeling ko kanina habang pinapakinggan si Alex. Parang may ipinapahiwatig sya dun sa kanya nya.

"A-Alex---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nakita ko na lang si Alex sa sahig.

* . . BOOGSH . . *

"M-Micz?"

"Gago ka!! Balak mo pang agawin sakin yung girlfriend ko!" sigaw ni Micz kay Alex

Tinulungan nang tumayo si Alex ng mga kabanda nya. "Pare kung may problema ka wag naman dito sa harap ng mga tao!" sabi nung kabandmates ni Alex

"Problema? Eh mga tarantado pala kayo ehh! Yung girlfriend ko pinag-uusapan dito!" sabi ni Micz

"MICZ ANO BA?? MAHIYA KA NAMAN SA MGA PINAGGAGAWA MO!!" sigaw ko kay Micz

Nagsisimula ng tumulo yung mga luha ko.
Yung mga tao nagbubulungan na. May dugo na yung tabi ng labi ni Alex dahil sa suntok ni Micz.

I'm sorry Alex.

Hinila na ako ni Micz palayo sa gym.
Andito kami sa field tanging ilaw nalang ang nagsisilbing liwanag dito dahil madilim na.

"Micz ano ba bitawan mo ko nasasaktan ako!"

"Ano yung nakita ko?" tanong ni Micz na may galit

"Ano pa bang gusto mong malaman? Nakita mo na nga diba?"

"Nakikipaglandian ka ba dun sa Alex na yun?"

"WHAT?? Ano bang klaseng tanong yan Micz?"

"ANO NAKIKIPAGLANDIAN KA BA DUN SA LALAKING YUN??" sigaw nya sakin

* . . PAK . . *

Tuloy tuloy na ang mga luha ko sa mga mata ko.

"Wow great! Ako pa yung malandi ngayon? So Micz sino bang mas malandi satin? Ikaw na nakipaghalikan kay Jane nung gabing nasa probinsya pa tayo o ako yung nakikipagkaibigan lang?"

"..............."

"ANO? BAKIT HINDI KA MAKAPAGSALITA MICZ? NAGIGUILTY KA BA DAHIL SAKIN MO ISINUMBAT YUNG MGA SALITANG DAPAT SAYO SINUSUMBAT HA?"

"Kaye----" Hindi ko na sya pinagsalita pa.

"Sorry Micz, it's over! I'm breaking up with you!"

Tapos umalis na ako sa field.
Tumakbo na ako dahil hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko.

Pumasok ako sa loob ng isang room na bukas malapit sa feild.
Umupo ako sa isang sulok at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko.

Maya maya napalingon ako sa pinto dahil nagbukas ito. "Yasha!" tumakbo ako sa kanya at niyakap ko sya.

"Yasha ang sakit! Ang sakit sakit!"

"Shhh! Sige iiyak mo lang!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon