Chapter 19: Kyler's reason

1.8K 65 0
                                    

Kyler's POV

Tiningnan ko si Annica sa kwarto. Mahimbing ang tulog nya.
Habang tinititigan ko si Annica napaisip ako, pano kaya nagawa ni Yass kay Annica yun?

Sa loob ng ilang taon silang magkasama eh parang hindi pa nagagawa yun ni Yass kay Annica.

Pano ko nalaman? Simple lang madalas kami pumunta ni Rixx ng palihim noon sa school nila kahit bawal.
Never ko pa silang nakitang nagkaganito at wala rin akong makitang dahilan para magalit si Yass kay Annica.

Sinadya ko rin na wag magpakita kay Annica ng ilang taon. Alam ko masakit sakin yun pero tiniis ko yun, bata pa lang kami alam kong gusto ko na si Annica. Pinilit ko si mommy na sa ibang bansa ako pag-aralin pagkatapos ng graduation namin nung elementary.
Dahil kapag ipinagpatuloy ko ang pakikipagkaibigan ko sa kanya baka lumala lang yung nararamdaman ko.
Pero kahit anong pilit ko di ko makalimutan si Annica kaya pagkalipas ng apat na taon umuwi ako ng bansa at nag-aral sa Nerd Academy. Minsan nagkakataon na nasa iisang lugar kami ni Annica tulad na lang pagnasa mall ako o sa park, nagtatago agad ako dahil baka makita nya agad ako.

At nung palihim kaming pumupunta ni Rixx sa school ni Annica, minsan kinakabahan ako dahil napapalingon si Annica kung saan kami nagtatago ni Rixx habang nakasilip. Pero agad din kaming nakakatago ni Rixx, may isang pangyayari ang hindi makakalimutan nun nang muntikan na kaming makita ni Annica.

Meron kasing isang basurahan sa likod namin ni Rixx nun habang nakasilip kami kay Annica sa hindi inaasahan naatrasan yun ni Rixx at napalingon si Annica sa dako namin.
Agad naman kaming tumakbo nun paalis sa kinatatayuan namin dahil naramdaman kong papalapit si Annica at salamat sa Diyos hindi kami naabutan.
Pinilit ko din si mommy na ilihim sa pamilya ni Annica na umuwi na ako ng bansa. Dalawang taon, dalawang taon akong nagtago kay Annica sa Pilipinas.

Kaya nung nalaman ko na mag-aaral sila Annica sa Nerd Academy hindi ko na nagawang magtago pa.

Lumabas na'ko sa kwarto at nagluto ng sopas para may makain si Annica paggising nya. Natapos na akong magluto pero tulog pa rin si Annica.
Kaya nanood nalang ako, gabi na di pa din gising si Annica.

*ZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzz*

Nagising ako nang nakakumot at madaling araw na. Bigla kong naalala si Annica, pinuntahan ko sya sa kwarto ko pero wala na sya.

May nakita akong sulat sa side table ko.

'Sorry Kyler di na kita ginising mahimbing kasi tulog mo, Wag kang mag-alala di naman nasayang pagod mo sa pagluluto kinain ko naman yung sopas mo.
Nagutom kasi ako paggising ko kaya tumingin ako ng pagkain sa kusina. Kinumutan na rin kita baka magkasakit ka pa. Baka di ka makalaro nyan. hahahaha'

From: Bata :)

Napangiti ako sa sulat ni Annica.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon