Chapter 8: Gusto ko sya!

2.6K 78 1
                                    

Yass' POV

"Sige kayo nalang magDATE, alis na ko!" narinig kong sabi ni Kyler

Magkatabi lang kasi table namin kaya narinig ko si Kyler. Bakas sa muka nya ang pagkainis pero si Annica parang di nya napapansin.
Bagkus lalo pa itong nakipagkwentuhan kay Rixx.
Nainis naman ako kay Annica kasi tingin ko gusto sya ni Kyler pero sya di nya napapansin.

Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sakanya? >:/ Siguro dahil sa gusto ko si Kyler, oo gusto ko sya masama ba yun? Yung magkaroon ng gusto sa lalaking pogi at mabait. Pero iba talaga ih.
Tingin ko si Annica ang type nya
Actually dati ko pa sya gusto, nakikita ko kasi sya lagi sa school namin kasama si Rixx pero hindi ko pa sila kilala nun.
Nang una nagtaka ako kung pano sila nakakapasok sa school namin dahil bawal magpapasok ng boys sa school namin.
Pero simula nung nakita ko sya sa school namin naging crush ko na sya hanggang sa isang araw nagising nalang ako na gusto ko na sya.
Kaya lang hindi ko pa sya kilala nun kaya nung nakita ko dito sa Nerd academy si Kyler laking tuwa ko na naging classmate ko din sya.

"Tahimik ka ata?" tanong ni Dylhan

Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita si Dylhan "Ha? Wag mo nalang ako pansinin kumain ka nalang dyan" sagot ko

"Okay!"

Siguro naman alam nyo na yung name ko, and hayaan nyo na lang idescribe ko sarili ko haha XD
Maputi, medyo matangkad at syempre mawawala ba yung kagandahan haha :D Anak ako ng isang may pinakamayaman sa Chicago, siguro nagtataka kayo half kasi ako.
Tapos minsan yung parents ko nandito at minsan naman nasa Chicago sila, and that's all.

Kumain kami ng tahimik hanggang sa matapos kami.
Naghintayan na lang kami sa labas para sabay sabay pumasok.
Habang naglalakad na kami papasok, bigla akong kinausap ni Annica.

"Uy! Namiss ko'na agad yung school natin. Ikaw ba namiss mo?" tanong nya

"....."

"Nice Talk!"

"......"

"Uy! Sagot naman dyan!" sabi nya

"..........."

"Sige na nga di muna kita kakausapin baka may iniisip ka lang" sabi nya

Hayst. Naiinis ako sayo Annica! Yan yung salitang gusto kong sabihin sakanya.

Hanggang sa pumasok na kami ng school at nagklase pero di ko parin sya pinapansin.
Pati narin sa uwian di ko parin sya pinapansin.
Siguro nakakahalata na sila Yasha. Kanina pa kasi sila nagtatanong kung galit daw ba ako kay Annica. Pero eto namang si Annica manhid! Ang akala nya malalim lang iniisip ko tsk! >:/

"Sige nandito na sundo ko ingat nalang sainyo" sabi ni Yasha

Hanggang sa lahat sila dumating na yung sundo except kay Kyler.

"Bakit wala ka pang sundo?" tanong nya sakin

"Ewan ko makupad kasi yung tagasundo ko ih, ikaw bat wala pa yung iyo?"

"Ahh hindi talaga ako nagpapasundo kasi naglalakad lang ako, walking distance lang din naman" sabi nya sabay ngiti

Lalo syang pumopogi pagnangiti.

"Eh bakit nandito ka pa?" tanong ko

"Hinihintay ko lang na dumating yung sundo mo baka kasi may mangyaring masama sayo, alam mo na baguhan ka lang dito" sabi nya ramdam ko naman na nagblush ako
Concern sya hahaha nakakatuwa lang lalo tuloy akong------ ahh wala nevermind -_- Sakto namang dumating na yung sundo ko.

"Tara sabay kana sakin" sabi ko

"Ahh hindi na maglalakad nalang ako"

"Tara pahahatid na kita kay manong, diba manong?"

"Opo ma'am basta boyfriend nyo paglilingkuran ko din" sagot ni manong

"Manong hindi ko sya boyfriend, classmate lang" Kung pede nga lang ih. Kaso iba ang gusto nya :(

"Oh sige na nga basta ngayon lang to ha"
Habang nasa sasakyan kami tahimik lang kami.

"Ahh Yass dito na'ko salamat"

Sinundan ko sya ng tingin hanggang pababa sya ng kotse.

"Mam alam nyo po bagay kayo" sabi ni Manong habang nagdadrive

"Manong magdrive nalang kayo dyan" masungit kong sabi

"Opo!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon