Chapter 84: Investigation

1.2K 48 0
                                    

Tracy's POV

Matapos namin mag-usap nila Amber at Yasha hindi na ako pumunta pa sa loob ng restaurant at umuwi na lang ako.

Bakit feeling ko nagsisinungaling lang si Yasha? May itinatago ba sya na kailangan kong malaman? Pag-uwi ko nakita ko si Ate Kiami nanonood sa sala.

"Ohh bakit parang dinaig mo pa ang bagong anak na babae? Itsura mo hahaha!"

"Ate Kiami!" seryoso kong tawag sa kanya kaya napatigil sya sa pagtawa

"Bakit may problema ba?" umupo ako sa tabi nya

"Pano malalaman kung nagsisinungaling ang isang tao?"

"Simple lang pagnagsisinungaling ang isang tao hindi nakatingin ng deretso sa mga mata mo!" sagot ni Ate Kiami

"Pano mo nalalaman kung may tinatago ba ang isang tao sayo?" tanong ko ulit

"Sandali bakit ba andami mong tanong? May problema ba kayo ni Yasha?" Sinabi ko kay Ate Kiami lahat ng nalaman ko kanina.

"Tracy, feel ko may kinalaman dyan si Mommy at Amber!"

Tumingin naman ako sa kanya ng pagtataka. "Kung totoong malapit ng bumagsak ang kompanya nila Yasha isa lang ang may gawa nyan-- sila mommy at Amber, Alam kong mayaman ang company nila Yasha kaya bakit ganun na lang yun babagsak diba?"

Napaisip naman ako
"O hindi kaya may usapan sila at hindi lang sinasabi sayo ni Yasha ang totoo? Bakit hindi kaya natin ipaimbestiga sa private imbestigator ni daddy?" dugtong pa ni Ate Kiami

"Pero wala tayong gaanong kalaking pera para magbayad sa private imbestigator ni daddy!"

Meron naman kaming pera pero kulang talaga sya kung ipangbabayad namin.
Mababa kasing magbigay ng pera samin si Dad dahil yung ibang pera napupunta sa bank account ni mommy.
"Ako ang bahala dyan may ipon naman ako saka kukuha ako ng pera sa ATM ko!"

"Kailan mo balak?" tanong ko
"Kung gusto mo ngayon!" sabi ni Ate Kiami

Tumango naman ako bilang pagtugon.
Tinawagan na namin yung private imbestigator, maya maya lang dumating na ito.

Bago namin umpisahan pumasok na muna kami sa kwarto ko dahil baka makita kami ni dad at balak namin itong itago kay daddy mahirap na baka ipatigil nya ang plano namin.

"Ako nga pala si Anthony Dela Cruz private imbestigator ng dad nyo, Bakit dito pa tayo mag-uusap?" tanong nung private imbestigator

"Makikiusap lang kami pwede bang wag mong ipaalam ito kay dad o kahit kanino pa basta satin lang toh!" sabi ni Ate Kiami
Tumango na lang ito.

"Gusto sana naming ipaimbestiga itong babaeng toh!" sabi ni Ate Kiami sabay bigay ng picture ni Yasha

Agad ko naman itong hinablot. "Bakit mo kinuha?" tanong ni Ate Kiami

"Baka magustuhan nya si Yasha mahirap na baka agawin sakin!"

* . . Toinkz . . *

"Aray!"

"Tanga ka! Ngayon mo pa ba paiiralin ang pagkaseloso mo kung kailan kailangan mo!"

"Ehh kasi---" hindi ko na naituloy dahil hinablot na sakin ni Ate Kiami yung picture

Aish! Binata pa kasi yung private imbestigator ni daddy kaya malilintikan sya sakin pag-inigaw nya si Yasha sakin.
Siguro 3 0r 4 years lang ang agwat namin, matalino at magaling naman syang private imbestigator kaya sigurado akong mapapabilis ang pag-iimbestiga nya.

"Hmm! Maganda sya, sino sya?"

"Sabi ko sayo baka agawin nya si Yasha, wag na natin ituloy!" bulong ko kay Ate Kiami

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon