Kaye's POV
Nakakapanibago ngayon si Micz, weird huh? haha pero ayos na rin yun kesa yung lagi kaming nag-aaway. :D
Nandito kami sa isang botique naghahanap ng pamalit ko."Eto Kaye gusto mo ba tong dress na to?" tanong nya
Haha si Micz nga pala ang bibili ng damit ko, Treat nya daw ih.
Andami ko ng nakukuhang damit pero ang usapan pamalit ko lang ang bibilhin, Pero etong si Micz gusto atang lahat ng damit dito sa botique eh bilhin."Ehem! Diba pamalit lang ang bibilhin? Bakit isang katerba na yan?" dumating na sila Yasha
"Eto kasi si Micz nakakapanibago!" sagot ko
"Hayaan nyo nalang ako, kaligayahan ko to ih!" sabat ni Micz
Bigla naman hinipo ni Dylhan si Micz sa noo at leeg.
"Insan anong nakain mo? May sakit ka ba? Sinaniban ka ba? Ano? Dalhin na ba kita sa mental?" tanong ni Dylhan
Tinanggal naman ni Micz yung kamay ni Dylhan"Corny mo! Tabi nga babayaran ko na tong mga damit para makapagpalit na si Kaye, Siguradong nilalamig na yan dahil basa!" sabi ni Micz
Lahat naman sila gulat yung muka. Sabi ko sainyo ih nakakapanibago si Micz ngayon. :)
"Weird!" bulong ni Annica
"G-ginayuma mo ba yun?" tanong ni Yasha
"Nah! Hindi no! Muka ba akong manggagayuma?" tanong ko
"Konti!" sagot ni Yasha
"Gaga!"
"Hahahahaha! Labas na nga muna tayo ng botique hintayin nalang natin si Micz sa labas!" sabi ni Annica
Nang makalabas na kami naisip ko yung nangyari kanina. Sana lagi nalang ganito si Micz hahaha *^_^*
Nakakainlo-- Ah nevermind -_-Dumating si Micz at nagpalit ako ng damit sa isa sa mga CR dito sa mall.
Nakakahiya naman ako lang ang nakacivilian tapos sila nakauniform.
BINABASA MO ANG
Three Months In Nerd Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na noo'y puro kalalakihan at grupo ng kababaihan ang pumasok sa paaralan na iyon. Pero hindi lang ang paaralan ang pinasok nila pati na din ang buhay ng isang grupo ng mga kalalakihan. Sa loob ng tatlong buwan nagbago ang lahat. Dati...