Chapter 24: Missing, Annica

1.7K 58 0
                                    

Dylhan's POV

"Uy! Dude andyan daw si Hurry nanonood, sayang hindi sya nakasali!" sabi ko kay Kyler

"Oo nga! Sayang ansaya pa naman ng game! Teka asan ba si Hurry?" tanong ni Kyler

"Ahhh ayu----" tuturo ko sana kung nasaan si Hurry kaya lang wala na sya kung nasaan sya kanina.

Barkada nga pala namin si Hurry kaya lang minsan lang sya pumasok. Ewan ko ba kung pano nakakapasa yun! hahaha

"Wala naman! Ako talaga pinagloloko mo Dylhan!" sabi ni Kyler

"Hindi seryoso andyan sya nakausap ko nga kanina ih!" sabi ko

"Maniwala sayo!"

"Andyan nga! kaya daw sya manonood kasi panonoorin nya daw yu---" di ko na tinuloy

"Yung ano?"

"Tanda mo ba yung ex nya na kwento nya na satin dati 2 years ago?"

Sa totoo lang di sinasabi ni Hurry samin kung sino yung ex nya kaya hindi namin kilala yung babae.

"Oo, bakit?"

"Yun daw ang dahilan kung bakit sya manonood ngayon, Panonoorin nya yung ex nya kasi mahal pa nya yung babae!" kwento ko kay Kyler

"Ahh ibig sabihin isa sa grupo nila Annica yung ex ni Hurry!" sabi ni Kyler

Sasagot sana ako kaya lang mag-uumpisa na ulit yung laro kaso nagkaproblema.

"Dude kulang daw ng isa yung team nila Yasha!" sabi ni Tracy

"Ano? Bakit?" sabi ko

"Nawawala daw si Annica!"

Yung ibang kagrupo ni Annica nainjured na kaya ilan na lang silang natira. Tapos ngayon nawawala si Annica kaya kulang sila.

"Teka sinong papalit kay Annica?" tanong ni Rixx

"Ako na lang! Wala naman siguro sa rules nyo yun diba?" Nagulat kami ng may isang babaeng di namin kilala ang nagvolunteer. Take note taga ibang school pa.

"Ah eh o-okay!" hahaha speechless ata si Rixx dun sa babae

Ayun nga nag-umpisa na yung laro. Last round na lang at tie ang score namin, at yung babaeng nagvolunteer kanina ang galing nya maglaro, teka babae ba talaga yan?

Dahil tense na ang laban dahil dun sa babae lahat kami seryoso na sa laro, pero bakas parin sa muka namin ang pag-aalala kay Annica.

Pahabol lang bago matapos ang POV ko hahaha :D Describe ko muna sarili ko at hayaan nyong malaman ang talambuhay ko lels!
Katangian ko, hmm! Siguro okay na yung GWAPO at MATALINO :) Tapos talambuhay? Hmmm! Mayaman, anak ng isa sa pinakamayaman sa bansa and that's the end of my talambuhay XD

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon