Chapter 60: Visit

1.4K 46 0
                                    

Era's POV

Dismissal na namin, eto naglalakad na naman ako pauwi malapit lang naman kasi talaga ang bahay namin dito.

Sa di kalayuan natatanaw ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ng bahay namin. Daretso pa din ako sa paglalakad at narealize ko na si Rixx pala yung lalaki. "Ohh anung ginagawa mo dito? Diba bibisita pa kayo kay Hurry?"

"Ahh oo pero sabi ko susunod na lang ako, ikaw di mo ba sya dadalawin?"

"Dadalaw naman ako pero kailangan ko munang magpaalam kay tita ehh!"

Pumasok na muna kami sa loob at pinaupo ko sya. "Dyan ka lang kukuha muna ako ng maiinom mo!"

Dumaretso na ako sa kusina, nung bubuksan ko na yung ref napansin kong may nakadikit dito.

'Era hindi muna ako makakauwi baka hanggang bukas ako sa trabaho, ikaw muna bahala dyan sa bahay!
Nag-iwan na din ako ng pera sa drawer mo para may makain ka. Kung may lakad ka naman basta siguraduhin mong nakasara lahat sa bahay'

Hindi na ako nag-abalang kumuha ng maiinom ni Rixx at dali dali kong tiningnan kung nakasara ba lahat ng pinto ng kwarto.

"Ohh bat ka nagmamadali?"

"Tara na!" sabi ko kay Rixx

"Teka hindi ka pa atah nakakapagpaalam!"

"Tsk! Dami mong satsat tara na!" Lumabas na kami at nilock ko na yung pinto.
Since may dala namang kotse si Rixx hindi na kami mag-aabala pang pumara ng taxi haha

"Bat ka nga pala pumunta samin kanina?" tanong ko kay Rixx habang nagmamaneho

"Ahehe hindi ko alam ihh! Ewan ko ba kung bakit gusto kitang makita?" sabi nya

* . . DUG DUG DUG . . *

Nako naman Rixx wag kang ganyan kinikilig ako.

Wala nang nagsalita pa samin hanggang makarating kami sa hospital.
Syempre may dala kaming prutas para kay Hurry noh.
Bago daw kasi pumunta samin si Rixx dumaan na sya sa bilihan ng mga prutas. Pagdating namin sa room ni Hurry andun na silang lahat.

May napansin naman ako, may kasama pa silang isang babae pero di ko ito kilala. At mukang big time din ang isang toh!

Napasin kong habang lumilipas ang araw humihina ng humihina si Hurry. Nakakalungkot nga yung nakaraan nila ni Annica ihh. Oo alam ko na yung nakaraan nila haha andito kaya ako nung isinugod si Hurry nung masquerade ball, syempre kaibigan din naman ako noh!

Sayang lang siguro kung hindi nangyari yun sila pa din at masaya sila.
Pero pano kaya kung hindi nga nangyari yun? Mamahalin pa din kaya ni Rixx si Annica?

Ay! Era erase erase, ano ba yang iniisip ko? "Lalim atah ng iniisip mo ahh!" bulong sakin ni Rixx

"Ahehe hindi naman!" Magkatabi kaming nakaupo dito sa tabi sila Annica kasi nasa tabi ni Hurry mukang nagkakasiyahan.

Except lang kay Kaye nakaupo naman sya sa isang sulok at nakabusangot ang muka pansin ko kanina pa badtrip toh.

Nilapitan ko naman sya at si Rixx iniwan ko sa kinauupuan namin kanina.
"Uy! Bakit ayaw mong makisama sa kanila?"

"Tsk! Ayokong makasama yung isang linta noh!"

"Linta? Sino? Teka di kita maintindihan? Yun bang babaeng mukang big time?" isa-isa kong tanong

"Oo yung Jane na mukang linta! Tsk! Kung makadikit kay Micz wagas! At eto namang lalaking toh gustong gusto!" sabi ni Kaye na para bang nanggigigil habang nakatingin kila Micz

"Alam mo natural lang naman ang magselos dahil ikaw ang girlfriend, pero pagpinalala mo yan baka iba na ikahahantungan nyan sinasabi ko sayo!"

"What do you mean?" bigla naman nagseryoso si Kaye

Bigla namang lumapit samin si Rixx at umakbay sakin. "Tanggalin mo nga yan! Ambigat bigat ng braso mo ihh!"

"Sus! Gusto mo naman! Natural lang sa magkaibigan yan hahaha!" sabi ni Rixx

"Hoy! Lumayas nga kayong dalawa sa harapan ko baka di ko kayo masikmuraan!" sabi ni Kaye

"Tsk! Ang bitter ng isang toh! Samantala noon kulang na lang langgamin na kayo ni Micz!" Nakatikim naman ng sipa si Rixx kay Kaye.

"Aray! Loko toh ahh! Bute na lang hindi sa a** ko!"

"Layas baka dun na kita sipain!" sabi ni Kaye

Umalis na kami ni Rixx at eto namang si Rixx feel na feel yung pag-akbay sakin.

"Uy! Madevelop ha!" pang-aasar ni Dylhan napatingin kasi sya samin ni Rixx

Nandito kasi ulit kami ni Rixx sa kinauupuan namin habang kumakain ng prutas. Hahaha ang engot ng isang toh binilhan ng prutas si Hurry sya din pala kakain.

"Sabi ko sayo tanggalin mo na yung kamay mo! Ikaw na nga lang magsubo sa sarili mo!"

Ang tanga kasi ihh, ako yung pagnagbabalat nya ng sangkis dahil yung kaliwang kamay nya nakaakbay daw sakin at yung kanan naman pagod daw mga paraan nya, At takenote ako pa yung nagsusubo tsk -__-

Alam nyo yung feeling ng parang mas nahuhulog kayo sa crush nyo? Tsk! Feel ko ngayon, pano ba pigilan toh?
Alam ko kasing never nya akong mapapansin

Lumayo na ako kay Rixx at iniwan ko sya dun sa upuan. Kay Kaye na lang ako tumabi since mag-isa lang din naman sya.

"Guys! Since wala namang pasok simula bukas hanggang friday pano kaya kung magbakasyon tayo!" sabi ni Tracy

Wow! Di lang pala ako ang walang pasok haha hindi ako mabobored nito :)

"Game ako dyan, since etoh naman yung unang pagbabakasyon natin ng tayo tayo lang!" sabi naman ni Dylhan.
"Ehh teka pano naman si Hurry?" tanong pa ni Dylhan

"Guys kayo na lang okay lang ako dito promise!" sabi ni Hurry

"Tsk! Para naman kaming selfish nun noh!"

"Sige na ituloy nyo na yan! Nabitin na nga yung kasiyahan nyo nung masquerade ball dahil sakin bakit nyo pa ako aalalahanin?" sabi ni Hurry

Walang umiimik samin. "Guys sige na ituloy nyo na yan! Okay lang talaga ako dito! Ano pagdadramahin nyo pa ba ako dito? Kalalaki kong tao magdadrama ako!" sabi pa ni Hurry

Nga pala wala yung mommy ni Hurry dito iniwan nya saglit samin si Hurry may aasikasuhin lang daw saglit.
Napagdisisyunan na namin na ituloy yung pagbabakasyon namin.

At lalo akong natuwa nung pumayag silang dun na lang sa probinsya namin :)
Haha since malapit na nga yung valentines day, tuwing magvavalentines day sa probinsya namin may kasiyahan sa brgy. namin.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon