Chapter 88: What a friend are you?

1.2K 42 0
                                    

Yasha's POV

Pagkatapos namin paalisin ni Danna at Cristine yung mga chismosa't chismoso dali dali kaming bumalik sa field.

"Napalayas ko na yung mga chis--- anung nangyayari dito?" napansin kong lumuluha na si Rixx at nakita ko si Nina.

Anong ginagawa nito dito?
"Ay si Tanga! Malamang nag-aaway!" sabi ni Cristine

"Rixx makinig ka muna sakin please!" sabi ni Annica

"Annica malinaw na ang lahat sakin! Malinaw na sakin ang lahat ng sinabi ni Nina!"

Nang marinig ko yun agad kong sinugod si Nina.

"Pigilan nyo ako baka mapatay ko tong babaeng toh!" sabi ko kila Danna habang papalapit kay Nina

"Go patayin mo na!" paglapit ko agad kong sinabunutan si Nina

"Walanghiya ka talagang babae ka! Kahit kailan talaga napakapakealamera mo!" sabi ko habang sinasabunutan si Nina

"A-aray bitawan--aray-- mo ako bitch! Aray!"

"Bitch pala huh!" sabi ko pa at mas nilakasan ko pa ang pagsabunot sa kanya hanggang nagsawa ako at binitawan ko sya.

"TAKBO KUNG AYAW MONG MAKATIKIM NG UPPER CUT KO!!" agad naman syang tumakbo

Pagtingin ko sa dako nila Annica wala na si Rixx.
Asan na yun? Napansin ko namang nakaupo sa lupa si Annica at agad ko syang nilapitan.

"Annica!" agad syang yumakap sakin.

"Yasha! Hindi *sob* ko na kaya *sob* ang sakit!"

"Shhh!"

"Si Yass!" bigla ko namang naalala si Yass. Bumitaw ako sa yakap ni Yass at tumayo.

"Yasha!"

"Annica kailangan ko ng itigil ang kahibangan ni Yass!" pagkasabi ko nun tumakbo na ako para hanapin si Yass
Ilang saglit pa nakita ko si Yass at Kaye sa cafeteria.

Agad ko naman silang nilapitan. "Ohh Yasha salo ka samin, gusto mo? Upo ka!"

* . . PAK . . *

Nagulat si Yass sakin pati na din si Kaye kaya napatayo sya.

"Yasha!" si Kaye

"YASS ANO BANG NANGYAYARI SAYO? HINDI MO BA NAKIKITA NASASAKTAN AT NAHIHIRAPAN NA SI ANNICA SA SITWASYON NYA! SAMANTALA IKAW NAGPAPAKASAYA! ANUNG KLASENG KAIBIGAN KA HA?"

"Yasha hindi kita maintindihan?" takang tanong ni Kaye

Tumayo na si Yass pero nakayuko.
"TUMAHIMIK KA!" sigaw ko kay Kaye na ikinagulat nya

Nanatili pa ding nakayuko si Yass.
"YASS ANO SUMAGOT KA!" napapatingin na samin yung ibang tao.
Nakita ko namang tumulo yung luha nya.

"Gusto ko lang naman *sob* makaranas ng pagmamahal ni *sob* Kyler--"

* PAK *

"Yass dahil lang sa pagmamahal kaya mong ipagpalit ang kasiyahan ng kaibigan mo! Nahihibang ka na!"

Hindi sya umimik.
"Hindi ka naman ganyan dati ahh! Nasaan yung dating Yass? Nasaan na yung dating kaibigan ko? Nasaan na yung kaibigan kong mapagparaya sa mga bagay? Yass namimiss ko na yung dating ikaw!" hindi ko namalayang tumulo na yung luha ko.

"Yasha! Ano bang nangyayare?" si Kaye parang naluluha na din

Bigla namang dumating sila Annica. "Yasha tama na please!" sabi ni Annica

Yung mga boys walang imik pero may kulang sa kanila---si Rixx.
"Yan ang hirap sayo Yass, masyado kang nagpapadala sa emosyon mo kaya padalos dalos ka sa mga desisyon mo!" hindi ko pinansin si Annica

"Yasha please tama na!" si Annica pilit pa din akong pinapatigil at si Yass naman nanatiling nakayuko.

"Yass sana naman naisip mo muna yung mga desisyon mo bago mo ginawa!" pagkasabi ko nun umalis na ako sa cafeteria

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon