Chapter 69: Kaye's past

1.3K 45 0
                                    

Kaye's POV

Pagkatapos namin kumain isa-isa na kaming nag-ayos ng mga gamit namin dahil uuwi na kami sa Manila.

Bago kami umalis nagpaalam muna kami sa mama't papa ni Era tapos si Kyla naman umiiyak na dahil hindi na naman nya makikita yung ate nya.

"Ate sasama ako!" sabi ni Kyla kay Era

Si Era parang naiiyak na din ilang taon daw kasi sila hindi nagkita ng kapatid nya.

"Kyla babalik din naman si Ate ihh!" sabi ni Era tapos umalis na kami

Si Kyla hawak ng mama ni Era para hindi habulin si Era habang papalayo kami.
"Super close ba kayo ng kapatid mo?" tanong ko

Tumango na lang sya. Naiinggit ako kay Era kasi kahit magkalayo sila ng kapatid nya, magkikita at magkikita pa din sila.
Samantala ako never ko ng makita at mamakalaro ang kapatid ko, dahil sa mga katangahan ko nawalan ako ng kapatid :'(

*FLASHBACK*

"Hey Nami wag kang lalayo ha! Dyan ka lang!" sabi ko sa kapatid ko.

Andito kami sa park ngayon, itinakas ko sya sa bahay namin dahil gustong gusto nyang maglaro.
Kahit bawal syang maglaro pinagbigyan ko sya.

Meron kasi syang sakit na VSD ipinanganak syang may butas ang puso pero sabi ng doctor kusa daw itong sumasara.
Pero sa kasamaang palad lalo pa itong lumalaki habang palaki din ng palaki yung kapatid ko.

Gusto kong ipaopera ang kapatid ko pero ni minsan hindi sumagi sa isip ng parents ko na ipaopera sya dahil busy sila sa business.
Minsan nagagalit na ako sa parents ko dahil minsan feeling ko wala silang pakealam sakin at sa kapatid ko.

Gustohin ko din naman na ako na ang kusang magpaopera sa kapatid ko at kukuha na lang ako ng pera kila daddy, Pero sabi ng doctor kailangan pa din ng confirmation nila daddy at mukang mahihirapan na silang isara ito dahil sobrang laki na nito ang masama pa walang mahanap na donor ang doctor.

Naawa na din ako sa kapatid ko dahil minsan sobrang nahihirapan na syang huminga kaya bawal syang maglaro ng maglaro.
Malaki na kasi yung butas ng puso nya kaya nagpupumps yung dugo sa lungs nya.

13 years old ako that time at 8 years old naman yung kapatid ko.
At dahil nalibang ako sa paglalaro sa PSP ko hindi ko na natingnan yung kapatid ko hanggang sa mapansin kong may nagkakagulo.

Kinabahan ako nun at ipinagdasal ko na sana hindi yung kapatid ko yung pinagkakaguluhan. Pero nagkamali ako, nakita ko yung kapatid ko nakahiga sa damuhan at hirap na hirap na huminga.

Agad akong lumapit sa kapatid ko. "Nami, lumaban ka!" naiiyak na ako.

Naaawa na ako sa sitwasyon nya, namumutla na sya :'(

"ANO? TITINGIN NA LANG BA KAYO DYAN? BAKIT HINDI NYO MANLANG NAISIPANG TULUNGAN YUNG KAPATID KO?" sigaw ko sa mga taong nakapalibot

May dumating na naambulansya at kinuha na nila yung kapatid ko. Hindi ko na nagawang sumama pa sa ambulansya dahil hindi ko kayang makita yung kapatid ko.

May lumapit saking matandang babae at nalaman kong sya pala yung tumawag ng ambulansya. Dinala na rin nya ako sa hospital kung saan dinala yung kapatid ko.

"S-salamat po!" Nakita ko na sila mom at dad sa labas ng emergency room.

Lumapit ako sa kanila habang nakayuko at umiiyak.

"D-dad!"

* . . PAK . . *

Lalo akong naiyak nang maramdaman ko yung palad ni Daddy sa pisngi ko.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon