Chapter 79: For love?

1.2K 40 0
                                    

Yasha's POV

(Dismissal)

Paglabas ko ng room namin hindi na ako nag-abalang magpaalam pa kay Tracy na may pupuntahan ako.
Pumunta na agad ako sa isang restaurant, pagpasok ko nakita ko na agad yung step mom ni Tracy kasama si Amber.

"Ohh hija salamat at dumating ka akala ko hindi mo ako sisiputin!"

Yung step mom ni Tracy ang nakipag-usap sakin na pumunta ako dito at makipagkita sa kanya.
May tumawag kasi sakin kanina tapos yun pala yung step mom ni Tracy.

"Ahh marunong naman po akong sumunod sa usapan!" sabi ko

"Hmm! Okay! Take a sit hija!"

Umupo na ako sa harapan ng step mom ni Tracy.
Tahimik lang yung Amber, bakit ba kasama na naman toh? tss!

"Kain na muna tayo hija!" pag-aalok ng step mom ni Tracy

Pagdating ko kasi kanina dito may nakahanda na agad na pagkain. "No thanks po tita! Bakit nyo nga pala ako pinapunta dito?"

"Diba gusto mong hindi ko ituloy ang kasal ni Tracy at ni Amber?"

Tumango na lang ako.

"Ohh talagang mahal mo si Tracy huh!" sabi nung step mom ni Tracy

"Amber sabihin mo na ang gusto mong sabihin!" dugtong pa nito

"Yasha!" err. naiinis ako pagnaririnig ko yung boses ng babaeng toh -___-

"Kung talagang gusto mong hindi matuloy ang kasal namin ni Tracy gawin mo ang gusto ko!" dugtong ni Amber

Hindi ako umiimik at nakikinig lang ako sa kanya.
"Nakikita mo naman siguro itong buong restaurant na toh diba?" tanong ni Amber

Nilibot ko yung paningin ko, ngayon ko lang napansin na sobrang lawak pala nito.

"Aking restaurant yan!"

Yabang netoh ah! Pigilan nyo ako masasabunutan ko toh!
"Ngayon gusto kong maranasan mo ang lahat ng trabaho dito sa restaurant ko!"

WHAT???

"A-ano? Pinagloloko mo ba ako?"

"No! I'm dead serious Yasha! Para sayo pakakawalan ko ang taong mahal ko, Pero bago mo makuha ang taong mahal ko paghihirapan mo muna!" seryoso nyang sabi

Baliw na atah ang isang toh! Para sa ikatatahimik nya gagawin ko. "Okay fine! Para sa ikatatahimik mo! Gaano ba katagal?"

"Bago matapos ang graduation nyo!"

Ano?? Isang buwan pa, pinagloloko talaga ako ng babaeng toh! Isa syang malaking HANGAL!

"I-isang buwan?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Gagawin ko na kahit gaano pa katagal yan, sa isang kondisyon pagnagawa ko na toh lalayuan mo na si Tracy!" sabi ko

"Oo naman! Marunong naman akong sumunod sa usapan ihh! Ngayon pwede ka ng mag-umpisa!"
May tinawag syang waitress.

"Dalhin mo sya sa dressing room nyo at bigyan mo ng uniform, from now on katrabaho nyo na sya!" sabi ni Amber sa waitress

Tumayo na ako at sumunod na lang ako sa waitress!

"Ahh miss pwede bang magtanong?"

"Ano po yun ate?"

"Yun ba yung boss nyo?"

"Ahh opo, bakit po?"

"Tsk! Mukang baliw!" bulong ko

"Ahh matagal na po yun baliw pinagtitiisan ko lang para hindi ako masisante! Bakit ka po ba nagtatrabaho dito? Mukang mayaman ka naman!" sabi nung waitress

"Ahh saka ko na lang sasabihin! Hehehe bilisan na natin para makapag-umpisa na ako!"

Pumasok na kami sa isang room na maliit.
May ibinigay sakin na damit yung waitress at iniwan na nya ako dahil may trabaho pa sya.

Nagpalit na ako ng damit tapos lumabas na ako. Saan ba ako mag-uumpisa? Hayst! Kainis talaga yung baliw na yun >__<





Micz's POV

Andito ako sa gate hinihintay kong lumabas si Kaye.
Ilang araw ko na syang sinusuyo pero ayaw nya talaga akong kausapin.

Kaya andito ako ngayon para makipagbalikan. Sa di kalayuan nakikita ko na sya. Nag-umpisa na akong magstrum sa dala kong gitara.
Nang mapansin nya ako tumigil sya sa paglalakad.

Nag-umpisa na akong kumanta.

NP: 14 By Silent Sanctuary

'naayos ko ang iyong isipan
Ngunit hindi ka nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala pa rin'

'Ilang beses ko bang ko bang sasabihin na
Wala nang kwentang nakaraan
Pero iyong pinipilit'

Nakatingin lang ako sa kanya ng daretso.
Gusto kong maramdaman nya na mahal na mahal ko sya.
Dumadami na ang taong nakatingin samin.

'Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling'

'Lagi na lang tayong nag-aaway
Kahit di dapat pag-awayan
Tuwing ika'y lumuluha ako'y nasasaktan
Pagnakikita kang ganyan'

Bigla kong naalala yung mga panahong lagi kaming nag-aaway ni Kaye nun.
Lagi kaming nag-aaway nun dahil sa simpleng bagay, pero ngayon nag-aaway na kami dahil isang pagkakamali.

'Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kase, maniwala ka'

'Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling'

Tumulo na ng tuluyan yung mga luha ni Kaye. Daretso pa din ako sa pagkanta at paggigitara kahit gusto ko ng punasan yung luha ni Kaye.

'Pero bakit ganyan
Tayo ay napaglalaruan
Siguro nga'y sadyang ganyan'

'Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling'

Hindi ko namalayang lumuluha na din pala ako. Ano ba yan? Baka isipin ng mga tao na bading ako. Ano ngayon? Nagmamahal lang din naman ako ahh!

'Ibibigay ko ang lahat
Pati na rin ang 'yong pangarap
Sasamahan kita kahit saan
Kahit saan'

'Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling'

Natapos na akong kumanta at lumapit ako kay Kaye.
Pinunasan ko yung mga luha nya.

"Kaye!" lumuhod ako sa harapan nya.
Pinunasan ko muna yung luha ko at nagsalita na ulit.

"Kaye please bumalik ka na sakin!" sabi ko

Yung mga babaeng nanonood kinikilig na. "S-sorry Micz takot na akong masaktan!"
sabi nya at umalis na.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Tuluyan na talagang tumulo ang luha ko.
Kaye ano pa bang gustong gawin ko para bumalik ka sakin? :(

"Awwww!" sabi ng mga tao

"Intindi ko din naman si girl kaya lang nakakaawa si boy!" narinig kong sabi nung babae

Nagsialisan na yung mga tao. Naramdaman ko namang tumutulo na pala yung ulan.
Hayst! Pati ba naman panahon nakikisama na din.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon