Chapter 116: She's alive?

1.3K 36 0
                                    

  Yass' POV

Andito kami ngayon sa Puerto Prinsesa kung saan bumagsak yung eroplanong sinasakyan ni Annica noon.
Ilang araw na din ng maengage si Yasha at Tracy at malapit na din ang kasal namin ni Dylhan.

"Napakapresko pala ng hangin dito noh!" bulong ni Dylhan sa tenga ko habang yakap nya ako mula sa likod.

"Hoy Mr. Enriquez yan ka na naman nanlalambing ka na naman ehh!"

"Eto naman basag moment ka naman ehh!" at bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin.

"Hahaha ano bang kailangan mo?"

"WALAAA!" ay nagtampo.

"Uy sorry na! Ano ba kasi yun?"

"Gusto ko lang magpahinga!"

"Edi magpahinga ka!" sabi ko

"Kahit kailan talaga hindi ka marunong makiride hayst!" natawa na lang ako sa inasal ni Dylhan

Apat na taon na din ng mamatay si Annica, sobra syang nakakamiss.
At hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa din yung mga nagawa ko sa kanya.
Natigil ang pagmumuni ko ng tawagin ako ni Yasha.

"Yass tara na magdidilim na kailangan na natin bumalik sa resort!"

"Sige susunod na ako!"
Sandali pa at sumunod na ako, nang nasa resort na kami dumaretso na ako sa kwarto dahil kailangan ko ng magpahinga.

Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko sa di kalayuan ay may nakita akong isang babaeng animoy pinapagalitan ng isa sa mga staff dito.
Agad ko naman itong nilapitan.

"Ahh miss may problema po ba?" tanong ko pagkalapit sa kanila

"Hmp! Sa susunod mag-iingat ka ha! Bwiset!" at umalis na yung babae, naiwan lang na naiyak yung babaeng pinapagalitan kanina hindi ko makita yung mukha nya dahil nakatalikod sya sakin.

"Ahh miss okay ka lang ba?" hindi pa din ito umiimik

"Miss!" at humarap na sya sakin.

O_O B-buhay sya?

"A-Annica?" at agad ko syang niyakap kasabay ng pagtulo ng luha ko

"Miss sino ka?"

"A-Annica sorry! I'm so sorry!" at bumitaw na ako sa pagkakayakap

"Sorry po pero hindi ako si Annica, Jayrisse po ang pangalan ko!"

"Annica ano ka ba? Galit ka pa ba sakin kaya mo nasasabi yan? Annica kung kailangan kong lumuhod gagawin ko!"

"Pasensya na talaga miss pero hindi ako si Annica, Jayrisse ang pangalan ko." Napansin ko namang sa ibang dako sya nakatingin habang nagsasalita.

Sinubukan kong ikaway ang kamay ko pero hindi sya kumukurap manlang.

B-bulag sya?

"Annica sabihin mo, nakikita mo ba ako?"

"Miss hindi talaga ako si Annica saka isa pa bulag ako kaya hindi kita makilala ng lubusan!"

Napatakip na lang ako ng bibig sa nalaman ko, bulag sya at hindi makaalala!

It's all my fault..

Lalong tumulo ang mga luha ko at tulala pa din ako sa nalaman ko.

Hindi ko namalayan na umalis na pala sya.
Sinundan ko lang sya ng tingin mukang alam nya ang pasikot sikot dito.
Siguro ay matagal na sya dito kaya alam na nya kung saan sya daan.

Nang matauhan ako pumasok na ako sa kwarto at dun na umiyak.

Kasalanan ko tong lahat, galit ako sa sarili ko galit na galit ako.

* tok tok tok *

Hindi ako sumagot at naramdaman ko na lang na may pumasok.

"Yass bakit ka umiiyak?" tanong ni Yasha

"Y-Yasha buhay sya!"

"Ha? Sino?"

"Buhay sya Yasha!"

"Yass ano ka ba hindi ka namin maintindihan!" pakikisabat ni Kaye

"Kaye buhay si Annica, buhay sya!"
Tulad ng reaksyon ko gulat din sina Yasha at Kaye.

"Pero paano ka nakasisiguro? Nailibing na yung bangkay nya!"

"Maniwala kayo o hindi pero nakita ko sya, hindi lang nakita nakausap ko pa sya p-pero wala syang maalala at hindi sya nakakakita!"

"Totoo ba yung narinig ko?"

"Kyler!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon