Chapter 30: Annica's revelation

1.7K 55 0
                                    

Andaming tanong sa isip ko ng may kumatok.

"Ku-- asan po si Kuya?" tanong sakin ni Brianna Natauhan naman ako

"Ah eh bumaba na atah!"

"Uhmm! Ate Annica baba nalang po kayo para sa lunch!" sabi nya sabay lumabas ng kwarto.

Nag-ayos muna ako bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko dumaretso ako ng dinning area nila Kyler.

Napatingin sakin si Kyler pero agad syang umiwas. AWKWARD!
Kumain lang kaming lahat ng tahimik este kami lang ni Kyler.

"May problema ba?" tanong ni mommy

"Huh? Notihng!" sabay namin sagot ni Kyler

"Okay!" Hanggang sa matapos kaming kumain hindi pa rin ako iniimikan ni Kyler.

Nakita ko sya sa garden nila kaya pinuntahan ko sya.

"Ehem!" Napalingon si Kyler.

"About dun sa sinabi ko kanina---" di ko na sya pinatuloy sa sasabihin nya

"Nah! It's ok alam ko namang as a bestfriend lang yun!" sabi ko, ayoko din naman mag-assume sa sinabi nya kanina

Bigla naman syang napayuko. Narinig ko naman na tinatawag ako ni Mommy.
Hayst. Naman oh! Uuwi na daw kami agad. Kaasar! >:/

Umuwi kami ng nakabusangot ang muka ko. Umakyat ako sa kwarto ko at nagkulong.

Habang nakahiga ako napaisip ako.
Akala ko lumipat na ng ibang school si Hurry, hindi pa pala! Nagulat ako nung nakita ko sya nung sports fest.

*FLASHBACK*

"H-hurry?" taka kong sabi

Nang mapatingin ako sakanya nakatingin sya sakin. Umalis muna ako ng gym, baka hindi kasi ako makapaglaro ng maayos, At baka maitalo ko pa yung laro dahil nanonood si Hurry.
Pumunta ako sa garden kung saan ginanap yung pagrampa ng mga muse at escort kanina.

"Annica!" tawag sakin ni Hurry.
Hindi ko namalayan na sinundan nya pala ako.

"Wow great! Tagal nating hindi nagkita tapos parang wala na sayo lahat!"

"Annica sorry! hindi ko sinasadyang---!""

"Tama na! Matagal na yun kaya wala ka ng dapat ipaliwanag pa!" sabi ko

Aalis na sana ako kaya lang pinigilan nya ako, feeling ko kasi babagsak yung luha ko. Nagflashback lahat ng panloloko nya sakin.

"Annica gusto ko sanang makipagbalikan sayo!" tuluyan na ngang tumulo yung luha ko.

"Wow! Big word!" sarcastic kong sabi

"Annica patawarin mo'ko!" mahina nyang sabi

"Tsk! Sa tingin mo ba mapapatawad pa kita sa mga ginawa mo? Harap harapan mo saking ginawa yun Hurry! Sinaktan mo ko ng harap harapan!" marahan kong pinunasan yung luha ko.
"Hinding hindi na kita kayang patawarin pa sa mga panloloko mo sakin!" dugtong ko pa.

Bakit ba ang kulit ng luha ko? At bakit ko ba iniiyakan ang taong hindi ko na dapat iniiyakan.

"Annica nagkakamali ka ginawa ko lang yun kasi----" hindi nya tinuloy yung sasabihin nya.

"Kasi ano? Sabihin mo sakin Hurry! Tapos ano? Kasinungalingan lang ang sasabihin mo sakin? Ayoko na!" pinagpapalo ko sya sa dibdib, yung mag luha ko patuloy padin sa pagtulo.

Tinigil ko na ang pagpalo sa dibdib nya ng mawalan na ako ng lakas.

"Ginawa mo lang yun kasi hindi mo na ako mahal!" mahina kong sabi

"Annica----" di ko na sya pinatuloy sa sasabihin nya.

"Umalis ka'na!" sigaw ko

"Annica!"

"Sabing umalis ka'na!" tuluyan na syang umalis

Umiyak lang ako ng umiyak, hanggang sa mahimasmasan ako napagdisisyonan ko ng pumunta ulit sa gym.

*END OF FLASHBACK*

Aish! Nakakainis umiiyak na naman ako. "Why are you crying huh?" narinig kong may nagsalita.

Mabilis kong pinunasan yung luha ko.
Si Ate Hazel, gf ni Kuya Kate este fiance. Umupo ako sa pagkakahiga.

"Ha? Hindi ah! Humikab lang ako!" sabi ko sabay umarte ng humihikab. "Oh c'mon alam ko pagnagsisinungaling ka Annica!" sabi ni Ate Hazel "Kaya sabihin mo na, bakit ka umiiyak?" dugtong pa nya

"Hayst. oo na! Sasabihin ko na!" Dali-dali namang umupo sa tabi ko si Ate Hazel.

"Natatandaan mo ba yung ex ko na nakwento ko sayo nun?"

"Uhmm. Yung Hurry ba?" tanong nya

"Yah! Sya nga!"

"Sabihin mo nga sakin! Nagpakita na ba ulit sayo yung kumag na yun?" galit na tanong nya sakin. Tumango naman ako.

"Bakit mo iniiyakan yun? Dapat ang ganung lalaki hindi iniiyakan!" sabi nya

"Ewan ko ba Ate Hazel kung bakit umiiyak ako ngayon!"

"Isang tanong isang sagot!" seryosong sabi ni Ate Hazel

"Mahal mo pa ba si Hurry?" dugtong nya Nagkibit balikat lang ako.

*.. TOK TOK..*

"Andyan na yung designer!" sabi ni Kuya Kate kay Ate Hazel

Lumabas na ng kwarto si Ate Hazel para makita yung design ng gown nya, sumunod naman ako.
Malapit na nga pala kasal nila kuya. Hihihi excited na akong makasal ang kuya kong torpe. *^_^*

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon