Chapter 106: Engagement party

1.2K 37 0
                                    

Dylhan's POV

"Yass makinig ka naman sa sasabihin ko!" sabi ko sa kanya at pilit syang hinahabol

"Ano pa bang sasabihin mo Dylhan? Wala akong panahon para makinig sayo!"

Nagkataon na nasa isang mall kami ni Yass kaya nagkita ulit kaming dalawa.

"Yass bakit ba ayaw mo akong kausapin?"

"Dahil yung mga sasabihin mo walang kwenta kaya please lang! Nagmamadali na kasi ako!"

"Yass please, 5 minutes!" humarap sya sakin

"Now what?"

"Yass makinig ka, natatandaan mo ba yung time machine natin o kahit yung aksidente?"

"Time machine? Aksidente? Dylhan-- nagbibiro ka ba?"

"Please Yass alalahanin mo naman lahat ng yun!"

"Naaalala ko pero masyado pa akong bata nun, kaya posibleng maalala ko lahat ng yun!"

"Yass ako ba natatandaan mo? Ako yung lagi mong kalaro noong bata pa tayo! Tapos---tapos nung naaksidente ako wala na akong maalala!"

"Dylhan pesensya na hindi ko maintindihan yung mga sinasabi mo, next time na lang ulit. Nagmamadali na ako ehh!" at tuluyan na syang umalis.

Paano ko ba ipapaliwanag ng maayos tong lahat? Hayst! Napasabunot na lang ako sa inis.

*Kinabukasan*

Nagmamadali akong umalis ng tinutuluyan ko ngayon dahil may pupuntahan pa akong party.

Tumawag kasi kahapon sina mommy na kailangan kong umattend sa party ng dati nilang bussiness partner. Wala naman akong kaide-ideya sa mga sinabi ni mommy kaya pumayag na lang ako kesa magkulong dito sa tinutuluyan ko.

Nang makarating na ako umupo na lang ako sa isang sulok dahil sigurado akong wala akong kakilala dito. Lalo na't wala ako sa Pilipinas, maya maya lang may babae't lalake na may edad na ang lumapit sakin parang familiar sakin ito.

"Hijo nice to meet you again, binatang binata ka na!" sabi nung babae

"Ahehe nice to meet you too!"

Teka sino ba toh? Pero feeling ko kilala ko kasi sila ehh! Bigla naman may isang binibini ang lumapit sa babae't lalake at nakipagbeso ito.

"Dylhan/Yass!"

"Anong ginagawa mo dito?" sabay ulit kami

"Hep! Ano ba kayong dalawa para namang hindi kayo magkaibigan!" sabi nung babae

Uhh! Naalala ko na sila yung parents ni Yass.

"Yass pwede ba kitang makausap?"

"Ha?"

"Yass alam ko naguguluhan ka pa sa mga sinabi ko hayaan mo muna akong sabihin sayo please!"

"Yass" tawag sa kanya ng mommy nya

"Mom?"

"Siguro oras na para malaman mo ang totoo!"

"Ang alin? Naguguluhan na ako!" sabi ni Yass

Naglakad lamang yung parents ni Yass at sumunod naman kami. Di namin namalayan na nasa isa na pala kaming kwarto at naupo na kami sa isang mahabang lamesa.

"Mom, dad ano po ba yung sasabihin nyo?"

"Anak pasensya ka na kung inilihim namin sa iyo toh ng daddy mo ng napakatagal!"

"Mom daretsuhin nyo na please!"

"Anak si Dylhan... bata pa lang kayo magkakilala na kayo, hindi lang basta magkakilala magkababata pa!"

"WHAT?" gulat na tanong ni Yass Hindi na ako magtataka pa kung bakit magugulat si Yass dahil alam ko naman na wala syang matandaan.

"Mom paanong.. dad wala akong maalala!" sabi pa ni Yass na wari mo'y gulong gulo

"Anak masyado ka pang bata noon para maalala mo pero totoo ang sinasabi namin!"

"Dad paano? Paano nangyari yun?"

"Magkausyoso kami dati ng magulang ni Dylhan noon at sa kabilang mansion lang ang bahay nila noon. At dahil doon naging matalik na magkaibigan kayo ni Dylhan halos hindi kayo mapaghiwalay noon. Tatlong taon ka pa lamang noon kaya siguro hindi mo matandaan, isang araw naaksidente si Dylhan. Sa kasamaang palad nagkaamnesia sya, mas pinili na lang namin na ilayo muna sa iyo si Dylhan noong panahon na iyon. Lumipat sila ng bahay at hindi na rin namin naging kausyoso sa trabaho ang pamilya nya. Pero kahit na ganoon may usapan kami na kapag dumating na kayo sa tamang edad at naalala na ni Dylhan ang lahat---" Sandaling tumigil ang daddy ni Yass at yumuko ito.

"Dad ano?"

"Ipakakasal na namin kayo"

"WHAT?" this time hindi lang si Yass ang nagulat kasama na din ako dun.

Wala akong alam sa sinabi ng daddy ni Yass.

"Engagement party nyo ngayon, sorry anak hindi kaagad namin nasabi ng mommy mo!" pagkasabi nun ng daddy ni Yass umalis na ito kasama ang mommy ni Yass Naiwan lang kami dito ni Yass na gulat pa din.

"May alam ka ba dito?" natauhan ako sa tinanong ni Yass

"A-ano?"

"Ang sabi ko kung may alam ka dito?"

"Saan sa engagement? Wala, Yass hindi ko alam toh!"

"Tsk!"

"Yass sandali!" bago pa sya makalabas ng kwarto biglang bumukas ang pinto

"MOM? DAD?"

"Dylhan hijo!"

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Anak hahayaan ba namin na mawala kami sa araw ng engagement party mo? Syempre hindi noh!"

"Mom ano bang nangyayari?"

"Anak pasensya na kung nagsinungaling kami sa iyo!" napansin kong tuluyan ng lumabas ng kwarto si Yass

"Mom, dad excuse me hahabulin ko lang si Yass!" Iniwan ko na sila sa loob at hinabol ko na si Yass Ngayon andito na kami ulit sa reception.

"Yass sandali lang!" sa wakas nahabol ko na din sya at nahawakan ko na sya sa kamay

"Malinaw na sakin ang lahat Dylhan kaya please hayaan mo muna ako!"

"Yass hindi, hindi pa malinaw sayo ang lahat!" nagtaka naman sya sa sinabi ko

"Hayaan mo munang linawin ko sayo ang lahat Yass! Yass mahal kita"

"D-Dylhan?"

"Ano malinaw na ba sayo? Yass mahal kita, mahal na mahal!" pagkasabi ko nun hindi ko dahil bigla nalamang akong kumilos para halikan sya

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon