Chapter 33: Boy hunting slush selos much!

1.7K 54 0
                                    

Annica's POV

Andito kami ngayon sa mall at naghiwahiwalay kami.
Ako, Yasha,Rixx at si Hurry ang magkasama.
Hindi muna sumama si Yasha kay Tracy kasi pagsumama sya kay Tracy di sya makakapagboy hunting.

Tapos si Kaye at Micz lang ang magkasama. Haha I smell something fishy .

Tapos sila Tracy, Kyler, Yass at si Dylhan ang magkakasama. Habang naglalakad kami di ko maiwasang mailang kasi katabi ko si Hurry sa paglalakad.

"Hey! Annica nakita mo yung boy na yun? ang pogi hihi!" sabi ni Yasha sabay hampas sa braso ko

"Yah! Nakita ko nga pero hindi naman sya kapogian maporma lang talaga!" sabi ko

"Ay! Choosy!" May nakita namang isa pang boy si Yasha this time ang pogi nya na talaga haha :)
Syempre mas pogi pa rin si Kyler no! Nilapitan naman ni Yasha yung boy tapos dinala sa pwesto namin.

"Annica this is Miggy, Miggy meet my friends Rixx, Hurry and Annica!" pakilala ni Yasha

Grabe! Kilala nya na talaga agad yung lalake! -_-

"Uhmm! Hi!" sabi ko Sila Rixx naman hindi pinansin yung lalake.

"Naghahanap pa ng iba nasa tabi lang naman nya yung pogi!" narinig kong bulong ni Rixx

"Ha? May sinasabi ka?" nagkunwari akong di ko narinig sinasabi nya.

"Ha? w-wala sabi ko nakakapagselos!" sabi nya
Namula naman pisngi ko hihi nagseselos daw yung crush ko *^_^*

"Edi mamatay ka sa selos!" sabi ko tumawa naman sila Yasha

"Ganun!" Nakakapagtaka to si Hurry kanina pa tahimik.

Pero may alam akong ugali nya, na kapag tahimik sya nagseselos sya. Pero posible namang magselos sya right? Pinaalis na ni Rixx si Miggy, baka daw kasi hindi nya masikmuraan si Miggy haha :)

Habang naglalakad kami wala kaming ginawa ni Yasha kundi magturo ng pogi haha :D
Maya maya lang hinigit ako ni Hurry palayo sakanila.

"Anu ba? Bitawan mo nga ako nasasaktan ako!" sabi ko Agad nya naman akong binitawan

"S-sorry!"

"Ano bang problema mo at bigla bigla ka nalang nanghihila?" sigaw ko sakanya

Wala akong pakealam kung tumitingin na yung mga tao.

"Kasi-- k-kasi--"

"Kasi ano?" sigaw ko

"KASI NAGSESELOS AKO!" sabi nya

Nashock naman ako sa sinabi nya. Tapos hinila nya ako palabas ng mall, andito kami ngayon sa parking lot.

"Yan ang hirap sayo! Pagnagselos ka kinikimkim mo tapos ano? Bigla ka nalang magagalit!" sabi ko

"Tsk! Bakit nga ba ako nagagalit ng ganito sayo? Matagal na nga pala tayong wala diba?" dugtong ko pa.

"Kaya lang naman ako nagseselos kasi M-MAHAL PA R-RIN KITA!" sabi nya

"Kalimutan mo na lang yung nakaraan natin, magpanggap ka na lang na maayos tayo, At parang isang tunay na magkaibigan" mahinahon kong sabi

Ayoko nung naiilang ako sakanya dahil lang sa nakaraan namin. At pagod na rin akong magalit sa mga ginawa nya sakin.

Bigla naman dumating sila Kyler. "Oh anong ginagawa nyo dyan?" takang tanong ni Kyler

"Ah ano? Ano nga ba yun? Ahh may hinahanap kami ni Hurry dito!" palusot ko "Diba Hurry?" dugtong ko pa

"Ahh o-oo! Tara sa loob hanapin na natin sila!" sabi ni Hurry

Phew! Akala ko narinig nila yung usapan namin kanina. Minsan nakokonsensya ako pag-iniisip ko na nililihim ko sa kanila yung kung anung meron samin dati ni Hurry.
Lahat sila walang alam sa nakaraan namin ni Hurry. Kahit si Kyler di nya alam.

Sila Yass naman hindi rin nila alam kasi pagkatapos namin magbreak ni Hurry saka ko palang nakilala sila Yass. So nung naging close friends kami nila Yass naisip ko na wag na lang sabihin sakanila yun.

Pagpasok namin hinanap na namin sila at nahanap naman agad  namin si Yasha at Rixx pero si Kaye at Micz di pa namin makita.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon