Chapter 27: Dylhan's feelings

1.7K 53 0
                                    

Dylhan's POV

Andito kami ngayon ni Yass sa field nanonood ng laro ng football.
Habang nanonood sya napatitig ako sakanya.

Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Kasi nung una ko syang nakita, parang nalove at first sight na'ko.
Pero hindi ko pa maamin sa sarili ko nun nun na mahal ko sya.
Hahaha magulo ba? Kaya lang pagnapapatitig ako sakanya feeling ko matagal ko na syang kilala at nakita.

Tapos kahapon ko lang narealize na mahal ko pala sya nung sinamahan ko sya sa clinic. Ewan ang gulo! Basta mahal ko sya tapos.

*FLASHBACK*

"Okay! Lang yan Yass!" sabi ni Annica

"Anung okay? Kung sayo okay lang sakin hindi!" sigaw ni Yass sabay umalis na Sumunod naman ako sakanya

"Yass sandali lang!" sabi ko

"Gusto kong mapag-isa!" sabi nya

Pero ako makulit, sumunod parin sakanya.

"Sinabi nang----" tinakpan ko yung bibig nya

"Kahit ngayon lang pagbigyan mo muna ako!" sabi ko tapos hinawakan ko yung kamay nya.

Kinuha ko yung panyo ko tapos itinali sa kamay nya na puro dugo.

"Tara muna sa clinic baka lumala pa yang sugat mo!" sabi ko

Wala naman syang imik na sumunod sakin. Pumunta na kami sa clinic at ginamot na nung nurse yung mga sugat nya.

"Matulog ka muna baka pagod ka" sabi ko sakanya

Maya maya lang nakatulog na sya. Habang natutulog sya nakatitig lang ako sakanya. Napaka amo ng muka hindi mo mapaghahalataang may problema sya ngayon.

* .. DUG DUG DUG DUG..*

Aish. Anu ba tong nararamdaman ko? Nakakabading -_- Mga ilang oras pa ang nakalipas hindi ako mapakali. Hayst. Mahal ko na ata tong babaing to. Kahit na nung isang linggo ko lang sya nakilala. Oo na! Mahal ko na sya! hayst! nakakatanga pala mainlove.
Sorry minsan lang ako mainlove ih at ngayon lang ako nagkaganito.

"Uy! Dylhan okay ka lang!"

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko

"Hoy! Anung nangyayari sayo?" ahh si Yass pala gising na.

"Ah eh okay lang ako hehe" sabi ko

"Para kang nakakita ng multo, bahala ka nga dyan uuwi na'ko!" sabi nya

"Hoy! Wait lang hatid na kita!"

"Hindi hoy ang pangalan ko!"

"Edi mahal ko!" bulong ko

"Ano?" sabi nya

"Wala hatid na kasi kita!"

"Hayst. Kulit din ng lolo mo noh? Sige na nga!"

*END OF FLASHBACK*

"Huy! Nakikinig ka ba?"

"Ha? Anu ulit yun?" sabi ko

"Wala! tara na nga hanapin nalang natin sila Yasha!" sabi ni Yass

"Hindi ka'na galit sa kanila?"
Nagkibit balikat lang sya.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon