Chapter 78: Guilt

1.4K 44 2
                                    

Yass's POV

Aish! Kainis umuulan pa >___<
Pumunta ako sa locker room para kunin yung payong ko at ibang gamit.
Nang papasok na ako sa loob narinig kong parang may taong nag-aaway.

"Sorry Kyler pero hindi na ako masaya sayo!" Lumapit pa ako sa pinto para marinig ko yung usapan nila.

"Annica alam kong ako pa rin ang mahal mo! Sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit kailangan mong gawin toh!?"

Shit! Kinabahan ako sa narinig ko kay Kyler, baka sabihin ni Annica yung totoo.
"Pasensya na kailangan ko ng umalis!"

Nang marinig ko yun agad ako tumakbo at nagtago. Maya maya lumabas na ako sa pinagtaguan ko at pumasok na ako sa locker room.

Nagulat ako sa nakita ko, s-si Kyler umiiyak parang tinutusok yung puso ko nung makita ko sya

"Kyler!" napatingin naman sya sakin,

* . . BOGSSH . . *

Nagulat ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nya sa isang locker na malapit sa kanya,
Napatulala na lang ako sa kanya, gusto kong magsalita pero yung dila ko parang umuurong.

Sinuntok pa ni Kyler yung locker ng ilang beses, nakita ko nang puro dugo yung kamay nya.

Susuntok pa sana sya pero pinigilan ko na sya. "K-Kyler p-please tama na!" naiiyak na'ko hindi ko alam kung bakit?

"UMALIS KA'NA!" sigaw sakin ni Kyler

"Kyler ano bang problema mo?"

"SABING UMALIS KA'NA!" Imbis na umalis ako niyakap ko si Kyler.

"Kyler ako nalang please!" tuluyan na ngang tumulo yung luha ko

"Ako nalang ang mahalin mo!" dugtong ko pa.

*snip snip* Umiyak nalang ng umiyak si Kyler sakin, Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko, yung ginawa kong paghihiwalay kay Kyler at Annica.

Tsk! Wala na akong pake ang mahalaga magiging akin na si Kyler.



Annica's POV

Ilang araw na ang nakalipas ng huli kong makausap si Kyler.
Pero masakit pa din sakin pagnaaalala ko yung mga sinabi ko sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng dumating na si Rixx sa bahay namin. Maaga akong sinusundo lagi ni Rixx dito sa bahay namin, Sa totoo lang ang alam nila mommy si Kyler pa din yung boyfriend ko kaya nagtataka sila kung bakit si Rixx na yung nasundo sakin.

Nagpalusot na lang ako busy sa ngayon si Kyler at si Rixx muna pansamantala ang tagasundo ko.
iniiwas ko din na makausap nila mommy si Rixx dahil baka malaman ni Rixx na naging kami ni Kyler.

Sa totoo lang naiilang ako pagkasama ko sya at parang nakakaramdam ako ng pagkaguilty.

Nang nasa school na kami habang naglalakad kami bigla nyang hinawakan yung kamay ko, Sa sobrang gulat ko agad ko itong binawi.
"Ayaw mo? Sige ok lang sakin" sabi ni Rixx na may tonong pagkalungkot :(
Im sorry Rixx.

Andito na kami sa school, sa di kalayuan nakikita ko na si Yass at Kyler mukang ang saya saya nila,

*sigh* napabuntong hininga nalang ako.
Nang malapit na kami kila Yass at Kyler hinawakan ko yung kamay ni Rixx,
Pampatibay ng loob feeling ko kasi tutulo yung luha ko, Di ko alam kung bakit?

"Ohh andyan na pala yung new couple" masiglang sabi ni Yass.

Si Kyler di makatingin ng daretso samin ni Rixx. Nakita ko naman yung kamay ni Kyler may benda.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon