Chapter 83: He knew!

1.3K 39 1
                                    

Yasha's POV

Andito ako sa restaurant ni Amber.
Aish! Antagal nyang dumating -_-

May usapan kami ni Amber na mag-uusap kami ngayon, pag-uusapan namin yung nangyari sa bahay nila Tracy nung gabi.

Nakita ko na sa di kalayuan si Amber. "Kanina ka pa ba dito? Pasensya na traffic ihh!" sabi ni Amber na may halong pang-aasar.

Umupo na sya sa harapan ko. "So ano na?" tanong nya

"Diba malinaw na yung usapan natin? Na kapag nagawa ko yung pinagagawa mo sakin lalayo ka na kay Tracy! So asan na yung sinasabi mo? Wala kang isang salita Amber!"

Tumaas yung isa nyang kilay. "Bakit nagawa mo na ba ng isang buwan? Wala pa diba? So pwede ko pa ding angkinin si Tracy hangga't gusto ko!" sabi ni Amber

That BITCH, I want to kill that bitch urgh!
Pinipigil ko ang sarili ko dahil baka mamaya ay masabunutan ko na sya.

"Pero yun ang usapan natin Amber pagnagawa ko papakawalan mo na si Tracy!" pinipilit kong kumalma

"Oo yun ang usapan natin pero wala sa usapan natin na kapag nagawa mo na ng isang isang beses o isang linggo ehh pakakawalan ko na agad si Tracy! Ano ka sinuswerte? Tandaan mo isang buwan pa ang paghihirap mo bago ko pakawalan si Tracy!"

"Amber ang unfair mo wala kang sinabing ganun sa napag-usapan natin!" napataas na yung boses ko

"Tsk! Baka nakakalimutan mo ako ang nauna bago ikaw Yasha! Kaya bakit ganun ko na lang pakakawalan si Tracy sayo?"

"Nauna ba kamo? Minahal ka ba ni Tracy? Hindi naman diba? So pano ka nauna Amber? Tsk! Nakakahiya ka hahaha! Bakit mo pa kasi pinagpipilitan ang sarili mo kay Tra---"

* . . PAK . . *

Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang palad nya sa pisngi ko.

"Sumusobra ka na!" sabi ko kay Amber

"Baka gusto mong ituloy ko ang kasal namin ni Tracy, Yasha. Once na kinalaban mo pa ako baka hindi ko na ibigay sayo ng tuluyan si Tracy!" sabi ni Amber

Bago sya umalis tumawag sya ng waitress para dalhin ako sa dressing room ng mga employee at ipagpatuloy ko na ang trabaho ko.
"Nakita ko yung ginawa sayo ni Ma'am Amber! Masakit ba?" tanong nung waitress

Andito na kami sa dressing room at pansamantala nyang ginagamot yung sampal sakin ni Amber.
"Hahaha malamang masakit yun!" pamimilosopo ko Idinampi na nya ulit sa pisngi ko yung telang may laman na yelo.

"Ahh-- aray naman dahan dahan lang!"

"Hahaha pasensya na sobra kasing namumula yung pisngi mo ehh!"

"Ganun ba? Naku wawa naman yung face ko! Teka ilang araw na kitang katrabaho hindi ko pa alam yung name mo, ano bang name mo?"

"Ahh tawagin mo na lang akong Coco!"

"Ha? Coco? diba pang boy yun?"

"Haha mahabang kwento!" sabi nya

"Pwede bang Sisi na lang?"

"Ha? Bakit?"

"Hahaha initial ng name mo! C for co and another C for co equals Sisi!"

Natawa lang sya sa paliwanag ko. Hahaha ang cute nya kasi kaya di ako makapaniwala na Coco ang name nya.

"Hoy ano magkukwentuhan na lang ba kayo dyan? Andami ng costumer ohh!" tawag samin nung isang waiter

"Ahh eto na palabas na kami!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon