Chapter 72: Mga manloloko

1.2K 47 0
                                    

Kaye's POV

Habang naglalakad ako may chismis akong narinig mula sa likod ko.

"Balita ko yung first love ni Micz bumalik na last week pa!" sabi ni G1

First love? Sino yun? Yun bang Jane na linta?
Tsk! Hindi na ako magtataka pa kung bakit ganon pala sila kaSWEET!

"Oo nga ehh! Ang sweet nga daw nila! Pero paano sila ni Kaye diba sweet sila dati?" G2

"Siguro iniwan na lang sa ere dumating na yung totoo ehh! Hahaha kawawa naman sya!" G1

Sarap kalbuhin ng mga palakang toh ah!

HELLO NASA HARAPAN NYO LANG AKO!! DON'T YOU SEE ME?

"Hahaha mas di hamak naman kasing mas maganda yung Jane kay Kaye noh!" G2

Kapal ng mga muka ng palakang toh ahh! Titingin lang sila kung sinong maganda mga duleng pa tsk!

WAIT! So am I right? Si Jane nga yung tinukoy nila :'(
Nilingon ko yung mga babae. Sila Nina pala balak ko sana silang sugudin pero wala ako sa mood feeling ko kasi kahit anong oras babagsak ang luha ko!

Hindi naman siguro totoo yung narinig ko diba? Na iiwanan ako ni Micz sa ere?

"Uy girl! Punta tayo dun sa garden mukang may something!" sabi ni Nina

Sumunod ako sa kanila, andaming tao hindi ako makasingit.
At dahil medyo may kaliitan ako tumingkayad ako para makita kung sino yung pinagkakaguluhan.
Bakit ba kasi mga kapre tong nasa harapan ko?

"I love you too!" narinig kong sabi nung lalake

Parang familiar sakin yung boses, sumingit na ako para makita ko kung sino ba yun. Nagulat ako sa nakita ko s-si Annica at Rixx bakit magkayakap sila?

Nakita ko yung hawak ng mga lalaking nasa likuran nila

'Will you be my Girlfriend?'
So meaning sinulot ni Rixx si Annica kay Kyler. At eto namang si Annica niloko lang din si Kyler, anung klase syang kaibigan? Im so mad of her!

Pareparehas silang manloloko!! Pag-alis ko tumakbo ako hanggang mapadpad ako sa marriege booth.
May dalawang couple na kinakasal kuno!

Sweet huh! Bigla akong dinala ng paa ko doon para makita ko lalo yung couple.
Todo titig ako dun sa couple na nakatalikod dahil feeling ko familiar ito sakin.
Nang marealize ko kung sino sila labis akong nasaktan.
MGA MANLOLOKO!! >:/

Magsama sama kayong mga manloloko. Napalingon na sakin yung groom.
So tama na naman ako, si Micz nga at yung bride nya ay si Jane.

GREAT! THAT'S SO GREAT!!

Tumakbo na ako. Wala akong pakealam sa mga nabubunggo ko basta takbo lang ako ng takbo.
Lumulabo na yung paningin ko dahil sa mga luha ko.

* . . BLAG . . *

Ouch! Kaasar bakit ngayon pa ako nadapa?

Aish! Wala na pala akong masyadong makita dahil nalabo ang paningin ko sa luha.
Hindi na ako tumayo pa at humagulgol na lang doon. Wala akong pakealam sa mga taong napapatingin at napapadaan sakin.

"Miss bakit ka umiiyak sa daan? Madami nang taong nakatingin sayo ohh!"

May isang lalaking lumapit sakin at para bang familiar ang boses nito sakin. Pinunasan ko yung luha ko para makita ko maigi yung muka nya.

Teka parang familiar sya sakin ehh! Ahh sya yung pogi sa section B.

"L-layuan mo *sob* ako!!"

"Eto panyo ohh! Pangit sa babae ang umiiyak!!"

Kinuha ko yung panyo nya at pinunasan ko yung muka ko saka ko ito siningahan.
"Eto na yung panyo mo salamat!!" gumaan na kahit konti yung pakiramdam ko

"Ah eh iyo na lang!!" sabi nya

"Arte mo pagkatapos mong ioffer sakin pandidirian mo lang!!"

Itinayo na nya ako, kainis nagkasugat pa ako dahil sa pagkakadapa ko.
Nakadress lang kasi ako kaya mabilis nasugatan yung tuhod ko.

"Alex nga pala! Ikaw anung pangalan mo?" sabi nya tapos inabot nya sakin yung kamay nya para makipagshakehand.

"Kaye nga pala! Salamat nga pala ulit!!" at nakipagshake hand na ako.

Inakit nya akong pumunta sa mga booth syempre ako para gumaan yung pakiramdam ko pumayag na ako.
Masaya naman pala syang kasama hindi nakakaboring kahit papano nakalimutan ko din yung mga problema ko.

Naikwento ko din sa kanya kung bakit ako umiiyak kanina.
Pinayuhan nya ako ng kung ano ano, haha nakakatuwa lang noh? Lalake pa yung nagpapayo sakin.

"Pasensya na Kaye kailangan ko ng umalis may practice pa kami ng band members ko ehh!!" paalam nya

"Naku walang problema sakin yun! Sige makakalayas ka na hahaha!"

"Layas talaga? Sige salamat sa time, nood ka naman samin bukas!" sabi ni Alex

"Ha? Anung meron bukas?"

"Last day na ng school fair natin bukas kaya magpeperform kami bukas ng gabi"

"Ahh-- eh---"

"Sige na manood ka na may idededicate ako sayong kanta bukas!"

"S-sige!"

"Sabi mo yan ha? Sige see you na lang bukas!" pagkasabi nya nun umalis na sya

Mag-isa na naman ako, naalala ko na naman yung mga problema ko.
Tinext ko si Yasha kung pwede nya ba akong samahan pero di daw sya pwede, Dahil ngayon daw sya ipapakilala ni Tracy sa parents nya.
Napagdesisyunan ko na lang na umuwe.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon