(Part 2)

1.2K 36 1
                                    

Annica's POV

"Kanina ka pa ba naghihintay Yass?" tanong ni Kyler ng makalapit samin e-este kay Yass

Bigla ko namang naalala si Hurry hayst! ang daya daya nya talaga, Siguro kung iisipin ng ibang tao parang mabilis kaming nakamove on sa pagkawala ni Hurry.

Pero lahat kami pilit nagpapakatagtag lalo na si Dylhan sya kasi ang mas naapektuhan samin sa pagkawala ni Hurry.

Anyway back to reality baka makahalata sila Rixx dahil nag-uumpisa na namang magtubig yung mata ko.
"Hmm! Di naman!" sabi ni Yass habang umiiling

Pinunasan ko ng pasimple yung mata ko nagconcentrate na ulit sa mga kasama ko.
"Tara kain tayo! My treat!" pag-aakit ni Yass

Bago sumagot si Kyler napansin ko namang napatingin sa kamay namin ni Rixx si Kyler.
Bigla kong binawi kay Rixx yung kamay ko.

"Okay!" sagot nito

Napilitan na din akong pumayag sa pag-aakit ni Yass kahit ayokong kumain. Andito kami ngayon sa chowking.

Naiilang ako sa pwesto ko dahil katapat ko si Kyler. Pang-apatan kasi yung table namin sila Yass at Kyler sa kabilang side at kami naman ni Rixx sa kabila.
Maya maya dumating na yung order namin.

Tahimik lang kaming kumakain at minsan nagtatama ang tingin namin ni Kyler pero umiiwas din naman kami agad. "May dumi ka sa labi!" sabi ni Yass kay Kyler

Pinunasan ni Kyler yung labi nya pero may natira pa ding dumi.
"Hahaha ako na magtatanggal!"

Gusto ko mang tanggalin yung tingin ko sa kanila pero parang may pumipigil sakin. Nakaramdam ako ng selos.
"Yan okay na!" sabi ni Yass ng matapos nya itong punasan

Napatingin naman sakin si Yass at dahil sa hiya ko napayuko na lang ako at kumain na lang ulit.
Habang nakain kami kung ano-ano pang kasweet-an ang ginawa nila Kyler at Yass.

"Excuse me cr lang ako guys!" pagpapaalam ko sa kanila at umalis na ako.

Pagpasok ko sa cr pumasok ako sa isang cubicle at dun ko ibinuhos yung luha kong kanina pa gustong pumatak.
Bakit ba kailangan pang mangyari sakin toh? Nang mahimasmasan ako lumabas ako ng cubicle bago ako lumabas ng cr sinigurado kong hindi halata na bagong iyak ako.

Pagdating ko sa table namin tapos na silang kumain. "Bakit ang tagal mo?"

"Ano kasi andaming nagccr kaya hinintay ko pang matapos yung iba!" palusot ko

"Ahh ganun ba? Upo ka na ubusin mo na yung pagkain mo!"

"Ahh--ehh wag na tapos na naman kayo ehh saka nawalan na ako ng gana!"
Lumabas na kami ng chowking at naggala na lang ulit.

Naalala ko yung tinatanong kanina ni Rixx kung may problema ba, muntik ko ng sabihin yung totoo dahil nadala ako sa emosyon ko at mabuti na lang dumating si Yass.

"Annica bakit ba antahimik mo kanina pa ako naninibago sayo!" sabi ni Rixx

"M-masama kasi pakiramdam ko!" I lied

"Bakit mas pinili mo pang mamasyal kung masama pakiramdam mo? Gusto mo umuwi na tayo?"

At dahil hindi ko kayang makitang magkasama si Kyler at Yass pumayag na lang ako na umuwi.
Hinatid na nya ako sa bahay at mabuti na lang tapos ko ng ipamigay lahat ng invitation card kaya wala na akong poproblemahin pa.

"Annica!" tawag sakin ni Kuya Kate

"May gusto sana akong tanungin sayo!" Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"A-ano po yun kuya?" pinilit kong maging kampante

"Sabihin mo nga sakin ang totoo! Wala na ba kayo ni Kyler at si Rixx na yung boyfriend mo?"
Napayuko ako at hindi umimik.

"Annica sumagot ka!"

"Kuya!" hindi ko na napigilang umiyak at niyakap ko si Kuya Kate.

"Annica sabihin mo sakin ang lahat iintindihin ko!" sabi ni Kuya Kate habang hinihimas yung likuran ko.

Ikinuwento ko lahat kay Kuya Kate, yung usapan namin ni Yass, yung pagsagot ko kay Rixx at pati rin yung masasakit na salitang sinabi ko kay Kyler.

Nung una medyo nainis si Kuya Kate kay Yass pero sinabi ko sa kanya na intindihin na lang nya si Yass.
Saka ginusto ko naman yun at para na din naman yun sa pagkakaibigan namin.

"Annica basta andito lang si Kuya, pagnasasaktan ka andito lang ako!" sabi ni Kuya Kate

"Hon!" pumasok sa kwarto ko si Ate Hazel

"Ohh Bakit umiiyak ang princess namin ni Kate?" tanong ni Ate Hazel

Nagtinginan naman si Ate Hazel at Kuya Kate na para bang nag-uusap sila.
"Sige princess iiyak mo lang yan!" sabi ni Ate Hazel habang hinihimas ako sa likod.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang mahalin si Rixx.
Hanggang ngayon si Kyler pa din yung mahal ko.

Bakit ganun parang okay na kay Kyler ang lahat lahat?
Sabagay ako yung nanloko sa kanya at nililigawan na naman nya si Yass diba?

Siguro kailangan ko ng tanggapin na hindi na ako mahal ni Kyler at kailangan kong ituon ang sarili ko kay Rixx para mahalin sya.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon