Chapter 109: Lovers

1K 38 0
                                    

Kaye's POV

Masaya ako para kina Rixx at Era hahaha.
Nakakainggit nga lang pero ayos na din yung pinapatunayan ni Micz na mahal nya talaga ako.

Sa ngayon pauwi na kami sa Manila pero si Rixx at Era naiwan pa sa probinsya.
"Ano kaya kung dumaretso na tayo sa hospital!" sabi ni Micz

Tumango na lang ako at pumunta na nga kami sa hospital para puntahan si Yasha.
Sa wakas at nakarating na kami, nang bubuksan ko na yung pinto ng kwarto ni Yasha parang may iba pang tao.

"Sandali lang parang andaming tao sa loob!" sabi ko

"Buksan mo na lang kasi!" at binuksan na namin yung pinto

"Yass? Dylhan?"
Waaah! Namiss ko sila.

"Hey dude kamusta?" tanong ni Micz kay Dylhan

"Uhmm! Kaye para nga pala sayo!" may inabot sakin si Yass na paper bag at mukang galing ibang bansa pa yung laman nun.

"Salamat/Sorry!" sabay naming sabi

"Ano ka ba? Matagal na yun kaya wag ka ng magsorry matagal ka na naming pinatawad noh!" sabi ko kay Yass at niyakap ko sya

"Salamat Kaye!" at bumitaw na sya

Napansin ko naman na may sing sing sya, alam ko kase hindi sya mahilig sa sing sing. "Teka ano yang sing sing na yan?" tanong ko agad

Napansin ko namang nagkatinginan sila ni Dylhan.
"Dont tell mag-on na kayo?" tuwang tuwa kong tanong

Umiling silang parehas
"Eh ano?"

"Fiance' ko na sya!" sagot ni Dylhan sabay akbay kay Yass

"HA?"

Pati si Tracy nagulat din sa ibinalita ni Dylhan
"Bakit hindi ba kayo masaya?" tanong ni Dylhan

"Hindi naman sa ganun, bakit parang ang bilis?"

"Hahaha mahabang kwento!" sabi ni Yass

"Kailan pa kayo dumating?" tanong ni Micz

"Kanina lang at nalaman namin na may nangyari daw kay Yasha kaya agad na pumunta kami dito!" sagot ni Yass

"Hindi ko akalain na nangyari ang lahat ng ito!" dugtong pa ni Yass na may tonong pagkalungkot

"Yass ano ka ba? Magiging maayos din ang lahat!" sabi ko

"Tracy ano may sinabi na ba yung doctor kung kailan maaring gumising si Yasha!" umiling lang ito.

Bakit ganun? Naoperahan na sya, akala ko magiging okay na yun pala makocoma pa sya.
Nakakaasar naman yung tadhana ohh!

Nagkwentuhan lang kami ni Yass at nalaman ko na din kung bakit naging magfiance' agad sila ni Dylhan akalain mo yun haha.

Tapos nasabi ko na din kay Yass yung tungkol kay Rixx at Era, syempre ganyan talaga pagchismosa XD

"Ehh kamusta na nga pala si Kyler?" tanong ni Yass

"Ahh nasa ibang bansa sya ngayon doon na daw sya mag-aaral ng college!" sagot ko

"Sana okay lang sya noh! Kasi nung namatay si Annica parang nawalan na sya ng pag-asa!" sabi ni Yass

"Oo nga ehh! Alam mo nag-aalala din ako sa kaniya minsan!"

Maya maya lang dumating na yung parents ni Yasha.
"May dala nga pala akong magandang balita!" sabi ng mommy ni Yasha

"Ano po yun tita?" tanong ni Tracy

"Si Melisa nahuli na daw sya ng mga pulis!" sabi ng mommy ni Yasha "Salamat sya Diyos at nahuli na ang may sala!" dugtong pa nito.

Di nagtagal at napagdesisyonan namin na umuwi muna.
Hinatid na din ako ni Micz sa bahay para siguradong safe daw.
Napakaoverprotective talaga haha :D

Pag-uwi ko nahiga na ako sa kama ko at ni-play ko yung song na kinanta noon ni Micz.

No one else comes close, haha ewan ko ba simula nung kinanta nya yan gusto ko palagi ko yang naririnig.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.


ZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon