Chapter 90: Confuse

1.2K 44 0
                                    

Rixx's POV

"Era b-bakit ka umiiyak?" napatigil ako sa pagdadrama nung mapansin kong naiyak si Era

"Ang tanga lang noh? Parehas tayong nagmamahal sa taong hindi tayo mahal!" sabi ni Era A

nung ibig nyang sabihin?

"Hindi kita maintindihan" sabi ko

"Rixx bakit sa dinamidami ng lalaking mamahalin ko ikaw pa? Ikaw na hindi ako kayang pansinin at higit sa lahat ang mahalin"

Parang nagulat ako nung narinig ko yun pero naguguluhan pa din ako.
Paano nya ako magugustuhan ehh sya pa nga yung tumutulong dati sakin kung paano ko liligawan si Annica.

"Era!" tawag ko pa sa kanya

"Sorry Rixx dumagdag pa atah ako sa problema mo! Kailangan ko ng umalis! Mahal kita kaya wag mong pabayaan ang sarili mo" sabi ni Era

Akmang tatayo na sya pero hinawakan ko sya sa braso.

"Era----"

"Rixx please!" hindi ko pa din sya binibitawan

"Mahal kita Rixx higit pa sa kaibigan hahaha ang tanga lang noh?" nakatingin lang ako ng daretso sa kanya.

"Oo nga pala uuwi na ako sa probinsya namin pagkatapos ng graduation, kaya please lang sana bago ako umalis magkaayos na ulit kayo ni Annica!"

Ha? Bakit parang biglaan naman atah?

"Era ano bang sinasabi mo?"

"Rixx please kailangan ko ng umalis, okay lang ako wag kang mag-alala! Mahal kita sana alagaan mo yung sarili mo at sana lalo mo pang mahalin si Annica" pagkasabi nya nun medyo bumitaw na ako sa kanya at umalis na sya.

Pag-alis nya tulala lang ako.
M-mahal ako ni Era? Bakit parang nasasaktan na natutuwa ako?

Nakakaasar hindi ko na alam ang gagawin ko! Ilang araw pa akong hindi pumasok at iniisip yung sinasabi ni Era.
Tinatawagan ko sya pero patay yung cellphone nya o kaya paghindi patay yung cellphone nya pinapatay nya.

Pumupunta din ako sa kanila pero minsan wala sya, minsan naman sinasabi ng tita nyang nasa school pa sya pero alam kong andun na sya.
Ilang araw ring nawala sa isip ko yung problema namin ni Annica.

Si Era lang lagi ang nasa isip ko, nababaliw na ako simula nung nalaman ko yung totoong nararamdaman ni Era para sakin.

* . . TOK TOK TOK . . *

Hindi ako umimik dun sa kumatok andito kasi ako ngayon sa kwarto ko nagkukulong.
"Anak sure ka bang hindi ka ulit papasok? Ilang araw ka nang hindi napasok, may problema ba sa school nyo?" tanong ni mommy

"W-wala po mom!" sagot ko na medyo pasigaw para marinig ni mommy sa labas ng kwarto ko

Naramdaman ko namang bumukas yung pinto at may umupo sa kama ko. "Anak ilang araw ka nang wala sa sarili, tell me ano bang problema mo? Makikinig ako!"
Umupo ako sa pagkakahiga ko kanina.

"Nalilito na ako kung sinong mahal ko sa dalawa! Parang hindi ko kayang mawala sakin si Era mommy!" sabi ko

"Ehh paano kayo ni Annica?"
Yeah! Kilala nya si Annica minsan na din kasing nakapunta dito si Annica nun.

"I dont know! Basta ang alam ko hindi ko kayang mawala sakin si Era, urgh! nababaliw na ata ako!"

"Hahaha nakakatawa ka naman magmahal anak!" nagtaka naman ako sa sinabi ni mommy.

"H-ha?"

"Wag ka namang magpakatanga anak! Alam ko na alam mo sa sarili mo na kung sino talaga ang mahal mo sa dalawa!"

"Mom eto ba yun? Yung may alam kung sino ang mahal ko sa dalawa? Yung halos mabaliw dahil hindi kayang mawala si Era?"

"Point!" Hindi ako umimik..

"Manang mana ka talaga sa daddy mo anak, alam mo ganyan din ang daddy mo nun!"

"Paanong----" pinutol ni mommy yung sasabihin ko

"Magbestfriend kami ng daddy mo nung kabataan palang kami, super close kami nun at hindi mapaghiwalay. Alam mo bang crush ko na nun yung daddy mo? Ay! Hindi mahal na pala!" tumawa naman si mommy

Nanatiling nakikinig lang ako.
"Then one day sabi ni daddy, your grandfather! Ikakasal na ako sa isang hapon! Nagalit ako nun kay daddy kasi biglaan at higit sa lahat kaya nya ako ipamigay na nag-iisang anak! Naglayas ako nun at pumunta ako sa bahay ng daddy mo, ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko kay daddy at sinabi yung tungkol sa sinabi ni daddy!"
Tumigil sagit si mommy

"And nung nalaman yun ng daddy mo nalungkot sya tapos maya maya sabi ng daddy mo, tanggapin ko na lang daw at naiinis ako nun. Kasi sigurado akong mahal ko na talaga that time yung daddy mo, tapos nung nainis ako nun sa daddy mo umuwe ako para sabihin kay daddy na pumapayag na ako. And then nung nasa airport na kami ng lolo't lola mo para pumunta sa Japan nagulat ako nun kasi biglang dumating yung daddy mo sa airport para pigilan ako!"

Napansin ko namang medyo namula si mommy. "At dun nagtapat ang daddy mo sakin nun, ansabi nya hindi nya kayang mawala ako halos mabaliw daw sya nung hindi ako nagpaparamdam sa kanya. Nung una hindi ko maintindihan yung sinasabi ng daddy mo kasi umpisa pa lang tanggap ko ng hindi ako mahal ng daddy mo. Tapos sumunod na nangyari nagtapat sya sakin nun at nagpropose sa harap ng madaming tao, nung una parang ayaw pa ng lolo mo pumayag ako. Pero pumayag na din agad yung lolo mo dahil alam nyang nagmamahalan talaga kami at yun hindi na kami tumuloy sa Japan and that's the ending of my love story!" kwento ni mommy

"Tapos?" wala talaga akong idea kung bakit kinukwento ni mommy yung love story nya!

"Hay naku anak ewan ko sayo! Makaalis na nga lang sana magets mo yung point ko!" tapos tumayo na si mommy at lumabas ng kwarto ko.

Ilang oras ko pang ipinabalik balik sa isip ko yung kwento ni mommy pero hindi ko talaga magets yung point ni mommy.

Napasabunot na ako sa inis, bakit ba ang bobo ko? Inisip ko ulit yung kwento ni mommy nang matapos ko iyong isipin tumayo ako sa kama ko at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko sakto namang nakita ko si mommy at agad ko syang niyakap.
"Thanks mom!"

"Haha wala yun anak, ang sakin lang naman malaman mo kung sino ang totoo mong mahal!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon