Chapter 113: Finally yours

1.1K 42 0
                                    

Kaye's POV

*Vibrating*

"Hayst! Sino ba toh aga aga nambubulabog agad!" bulong ko at pakapa kong kinuha yung cellphone at sinagot iyon.

"Hello!" sabi ko habang nakapikit

[Kaye!] bigla agad tumaas yung dugo ko ng marinig yung boses nya

"Ano bang problema mo? Natutulo---"

[Kaye si Micz *sob* w-wala na sya]
Napabangon ako sa sinabi ni Jane

"HA? P-PAANONG---"

[Kaye kung gusto mong makita agad yung puntod ni Micz pumunta ka na agad ngayon din dito sa St. Peter] sabi ni Jane

Pinatay ko na agad yung tawag wala ng tanong tanong kung anong dahilan ng pagkamatay nya ang mahalaga makita ko sya ngayon.
Agad akong bumangon sa kama ko at kinuha yung susi ng kotse ko para pumunta sa burol ni Micz.

Wala na akong pakealam kung mukang bruha pa ako o kung may panis na laway ako o mabaho yung hininga ko ang mahalaga makapunta agad ako sa burol ni Micz.

Habang nagmamaneho ako andaming pumasok sa isip ko, bakit si Micz pa ang kailangan mawala?

Nang makarating na ako nakita ko agad ang isang puting kabaong, pero nagtaka ako dahil hindi ito nakabukas pero hindi na mahalaga yun.

Nakita ko si Yass at Dylhan nakaupo lang at tula tapos si Jane iyak ng iyak sa tabi ng kabaong ni Micz.
Lumapit ako doon at dun na tuluyang tumulo yung luha ko.

"Micz andaya daya naman ehh! Bakit mo ko iniwan? Nakakaasar akala ko ba pag *sob* naging tayo after 5 years magpapakasal tayo?" sabi ko habang iyak ng iyak

"Micz andaya daya mo talaga iniwan na ako ni Annica *sob* pati ba naman ikaw? Hindi mo ba alam kung *sob* gaano ako nasasaktan ngayon? Lagi na lang ako iniiwan!"

Mas humagulgol pa ako at naramdaman ko din na umalis si Jane para maupo.
"Micz kung maibabalik ko lang ang oras nagawa ko na, sa totoo lang noon pa kita gustong sagutin kaya lang humahanap pa ako ng tyempo, tapos--tapos ngayon huli na ang lahat para sagutin ka andaya daya mo! Micz mahal na mahal kita sana naririnig mo ko ngayon!"

"Syempre naman naririnig kita kanina pa kaya ako nakatayo dito!" napatigil ako sa pag-iyak at hinanap kung saan nanggaling yung boses na yun

Tumingin ako sa likod ko at doon ko sya nakita.
"M-Micz?" para akong nafreeze sa nakita ko

"B-buhay ka?" tumango lang sya

Napansin ko naman yung hawak nya, bulaklak paborito kong bulaklak mga roses.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa pisngi kung totoong buhay sya.

"Hahaha ano ka ba? Ako toh si Micz buhay na buhay!" sabi ni Micz na nakangiti

"Micz!" ibinigay nya sakin yung rose at lumuhod sya

"Micz tumayo ka dyan!" pero parang wala syang narinig

"Kaye, Eris Kaye Twayllem alam kong minsan hindi tayo nagkakaunawaan pero yun yung nagpatibay sa samahan natin. At natatandaan mo pa ba yung unang araw na nagkita tayo? Hindi maganda yung unang pagkikita natin noon pero para sakin yun yung araw na pinakamaganda dahil doon ko nakita ang isang babaeng kakaiba na katulad mo!"

May kinuha sya sa bulsa nya at isang maliit na kahon iyon pagbukas nya bumungad ang isang sing sing na may design na bato na para syang idenisign pa rose.

"Eris Kaye Twayllem will you be my girlfriend?"

"Syempre naman oo!" at isinuot na nya yung sing sing

"Sa wakas ang aso't pusa nagkasundo na din!" sabi ni Dylhan

-O- -O- -O- -O- -O-

Nalaman ko na ang lahat, nagpatulong lang pala si Micz kay Jane.
Tapos yung burol thingy na yun sila din ang may pakana, medyo nainis din ako sa ginawa nila dahil natakot ako nun pero kinikilig pa din ako haha.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon