Chapter 49: Couple shirt

1.5K 54 0
                                    

Micz's POV

Pag-awas namin inaya ko agad si Kaye na lumabas kami kahit sa mall lang.
Pumayag naman sya agad kasi wala si Yasha,
Ewan ko ba dun sa dalawang yun ni Yasha at Tracy hinatid lang si Era hindi bumalik.

Habang naglalakad kami ni Kaye pasimple ko syang inakbayan. "Hoy! Tanggalin mo nga yan di ka nahihiya sa mga tao?"

Tinanggal ko na yung kamay ko baka magalit pa sya ih. Pumasok kami sa isang botique na puro undies lang ng babae ang tinda. Habang natingin tingin si Kaye sa mga undies sumusunod lang ako sa kanya.

"BF ba ni girl yung kasama nya? Naku! Ang pogi!" girl 1

"Sana magkabf ako ng ganyan!" G2

"Tsk! Di sila bagay!" G3 Andami kong bulungan na naririnig.

"Sana magkaboyfriend ako ng katulad nya yun bang pagmamimili ka ng undies sya tagahawak mo, Para bang hindi sya nandidiri!" sabi nung isang babaeng malapit samin

Nakakuha na kasi si Kaye ng bibilin nya at ako yung pinaghawak nya. Wala lang naman sakin yun eh!
Hahahaha ewan ko ba bigla na lang gumaan yung pakiramdam ko kay Kaye :D

Hindi na ako naiinis sa kanya di tulad dati na para bang aso't pusa kami.
Binayaran na ni Kaye yung nabili nya tapos inakit ko syang kumain muna sa chowking.

Habang nakain kami may lumapit kay Kaye na lalake.

"Uy! Kaye musta na? long time no see ah!" sabi nung lalake

"Ohh Jude haha ang pogi mo na ahh!" sabi ni Kaye dun sa lalake

Sino ba toh? Panira ng moment tsk!
Umupo yung lalake sa tabi ni Kaye since vacant naman yung tabing upuan ni Kaye.

Nagkwentuhan lang yung dalawa sa nakaraan nila habang nakain kami, Tapos ako OP lang malay ko sa nakaraan nila baka hindi ko alam ex sya ni Kaye.
O kaya kaibigan na may something sila non, base kasi sa naririnig ko sa nakaraan nila parang may something sila dati.

Tsk! Pakelam ko ba sa past nila? Kumain na lang ako ng kumain. Hanggang sa di ko na kinaya hinigit ko na paalis ng chowking si Kaye.

"Ano bang problema? Ang bastos mo nakita mong nag-uusap pa kami ih!" sabi sakin ni Kaye ng makalabas na kami.

"SINO BA YUNG LALAKING YUN HUH!?" sigaw ko sa kanya, wala akong pake kung natingin samin yung mga tao

"WAHAHAHAHHA! Nagseselos ka noh?"

"Tsk! Oo bakit masama bang magselos huh?"

"Uhh--ohh hehe ang engot naman nito, pinsan ko kaya yun!" sabi ni Kaye

Ha? Pinsan? Eh ano yung naririnig ko kanina na parang may something sila dati?

"Eh bakit parang yung pinagkukwentuhan nyo kanina parang may sometihng kayo dati?"

"WAHAHAHAHA! Patay malisya ka kuya hahahahahahah!" walang tigil sa pagtawa si Kaye

"Tsk! Oo na tumigil ka na dyan kung hindi hahalikan kita!" Tumigil na sya sa pagtawa.

Nagpatuloy na kami sa paggagala sa mall. Napatigil ka kami sa paglalakad nang mapadaan kami sa tapat ng isang botique. May tumawag kasi saming babae.

"Ahh sir bili na po kayo ng couple shirt may kasama din pong three pictures!"

"Ahh eh hindi po---" hindi na napagpatuloy ni Kaye yung sasabihin nya kasi pinutol na agad nung babae

"Since malapit na po ang valentines day sale po ngayon tong couple shirt namin, Tapos po may free three pictures dito namin kayo kukuhanan ng picture!" sabi nung babae sabay turo kung saan kami kukuhanan ng litrato.

"Ahh sige bibili na kami nyan!" sabi ko

"Ano ba Micz? Anung kalokohan na naman yan?" pagpigil sakin ni Kaye

"Ahh ano pong kulay and size nung shirt sir?"

"Ahhh sky blue yung akin sa kanya light pink lang!" sabi ko sabay binigay na samin yung t-shirt at inumpusahan na kaming kunan ng litrato.

"Sandali lang suotin mo muna yung iyo Kaye susuotin ko din yung akin!" sabi ko at hindi na din umimik si Kaye at sinuot na yung shirt

Yung unang pic namin nakaakbay ako kay Kaye tapos yung pangalawa nakatingin ako sa kanya.
At yung pangatlo saktong nagkiss kami.

Hindi sana kami magkikiss kung hindi sya napalingon sakin. At dahil maraming couple ang nakakita samin bumili na rin sila ng t-shirt.

Pagkatapos namin magbayad at ibigay samin yung picture umalis na kami. "Hahahaha ang cute mo dito Kaye!" sabi ko kay Kaye habang tinitingnan yung picture.

"Tsk! Sinasadya mo yung kiss noh? Napakamanyak mo talaga nakakaasar ka grrr!"

"Ha? Hindi ahh! Sinabi ko bang lumingon ka sakin? Kung hindi ka lumingon edi sana hindi tayo nagkiss" sabi ko sa kanya

"Tsk! Ewan ko sayo!" sabi nya sabay alis palabas ng mall

"Kaye sandali lang!"

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon